Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

WEEK 5

WRITER: LIEZL G. ELVENA


LUCENA D. NANGAN
Culture Bearer: WILLIE DELA CRUZ
GERRY CASTRO
MARICHU VALENTIN
REBECA G. HILA
CONSULTANT: RIJN GONZALES

Si Biget At Ang Iget


Si Biget ay isang batang katutubo na nakatira sa Sierra Madre. Siya ay nakatira
sa isang kubo na malapit sa ilog. Kasama niya ang kanyang ama, ina at talong
nakababatang kapatid. Isang gabi habang si Biget ay nakaupo sa gilid ng kanilang
kubo, nakita niya na maaliwalas ang kalangitan, maliwanag ang buwan at maraming
bituin, ang ulap ay parang kaliskis ng isda na nakahanay sa kalangitan ito ang
palatandaan na sagana ang mahuhuling isda sa araw ng bukas. Dali –dali siyang
lumusong sa ilog at nanguha ng talangka na ipapain sa tage para makahuli ng
malalaking iget.
Kinaumagahan, maagang nagising si Biget. Agad na ginayak ni Biget ang
kanyang pamingwit. Kinuha niya ang kanyang buslo na may lamang pamaing talangka,
patukbe at mabilis na naglakad patungong ilog. 
Habang nasa daan ay nakakita siya ng puno ng saging, sabi niya: “Ay ah!
Mainam at may hinog na bunga ng saging. Agad syang pumitas ng mababaon para di
gutumin sa pangingisda.
Naghanap siya ng isang lugar sa ilog na alam niyang mainam hulihan ng
isda. Tinunton niya ang parte ng ilog na di gaanong maagos, may malalim na parte,
mediyo maputik na bahagi, malumot at maraming nakapaligid na damo. Sapagkat alam
niyang dito tiyak naglalagi ang mga isda at nagbabaka sakali siyang makahuli ng
masarap na Iget. 
Dahan-dahang ginayak ni Biget ang kanyang pamingwit. Kumuha sya ng mainam
na pain na laman ng talangka at inilagay sa sima.  Pumuwesto sya sa lilim ng maliit na
punongkahoy at dahan dahang niyang inihulog ang sima sa tubig. Tahimik lamang si
Biget, pinapakiramdaman niyang mabuti, kung may kakagat sa kanyang tage.
Pinagmamasdan niya ang tali ng pamingwit.
Maya-maya laking gulat niya ng gumalaw ang patukbe. Siya ay biglang napangiti
“Naku at eto na mukang meron agad kumagat sa pain”.  Dagli niyang hinila ang
kanyang patukbe. “Ay ah at kaybigat hilahin nireng patukbe ko ay.  Nilakasan niya ang
kanyang paghila at laking gulat niya, “Kaylaking iget ang aking nahuli”. 
 Tuwang-tuwa si Biget, napakaswerte ng araw na ito wika niya. Muling inihulog
ni Biget ang kanyang patukbe. Siya ay sabik na sabik sapagkat umpisa palang ay
nakahuli agad siya ng malaking iget, Sabi niya: “Tiyak ko at may mga kasamahan pa
ito” at hindi nga siya nabigo.  Pagkatapos ng isang malaking huli, nakakuha ulit siya ng
isa pang iget at nasundan pa ito nang nasundan. Tuwang-tuwa si Biget sa kanyang
mga nahuli. “Bihira ang pagkakataon na ito na makahuli ng ganitong karaming Iget”
wika niya. Tiyak ko na matutuwa sila ama, ina at mga kapatid ko sa aking nahuling
anim na malalaking iget. 
 Iniligpit na niya ang mga dalang kagamitan sa panghuli ng isda upang
maghanda sa kaniyang pag-uwi. Pinagtali-tali niya sa isang baging ang mga nahuli
niyang iget. Inilusot niya sa hasang ng mga isda ang taling baging na kanyang ginawa
upang mabitbit at madala ang mga ito. At siya ay naglakad na pauwi dala ang tatlong
iget na kaniyang nahuli.
At pagdating ni Biget sa bungad ng kanilang kubo. Tinawag niya ang kanyang
ina upang ipakita ang kanyang nahuling mga iget. Labis ang kanyang saya “Inay
tingnan niyo po ang aking nahuli.” “Naku anak ang lalaking iget niyan!” sabi ng
kanyang Ina. Tiyak na matutuwa ang iyong ama at mga kapatid.” “Akina at iluluto ko
na upang may mapag saluhan tayo sa ating umagahan”.
Agad na nilinis ng kanyang ina ang nahuli niyang iget. Kinuha niya ang sundang
para ito ay linisin. Gamit ang kinayas na kawayan, tinuhog niya ito isa-isa. “Biget
tawagin mo ang iyong ama upang magparikit ng apoy at mai-ihaw na natin ang nahuli
mong iget. “Sige po ina” at pinuntahan ni Biget ang kaniyang ama. “Ama tawag po
kayo ni ina at magparikit daw po kayo ng apoy. Sige anak papunta na ako diyan. 
 At dali daling nagparikit ng apoy ang kanyang ama.  Biget sabihin mo sa iyong
ina handa na ang apoy na pag-iihawan ng iget. Sige po ama. At tinawag na nga ni Biget
ang kanyang ina.
Magiliw na inihaw ng kanyang ina at ama ang mga iget na tinusok sa
kawayan. Habang hinihintay ni Biget na maluto ang iniihaw na biget nagsinop muna
siya ng mga nakakalat na gamit sa kanilang bahay. Lumipas ang ilang minuto naluto na
ang inihaw na iget. Ayan luto na ang inihaw na iget. Hmmmm.. ang bango at ang
sarap. Anak tawagin mo na ang iyong mga kapatid at luto na ang ating agahan utos ng
kaniyang ama.
Sige po ama at tatawagin ko na po ang mga kapatid ko. Kaliw, Delepos,
Diyanggol…. halina na kayo at kakain na tayo. Agad na naglapitan ang kanyang mga
kapatid sa hapag kainan kasama ng kanilang ama at ina. At masaya nilang
pinagsaluhan ang iget na inihaw.
“Anak Biget salamat at nabusog kami sa nahuli mong iget”… Napaka swerte
talaga namin na may anak na katulad mo. Walang anuman po ama. At masayang
nagtawanan ang buong mag-anak.

You might also like