Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Castillo, Jesseca M.

BSTM 3B Ika 28 ng Pebrero 2023


Dr. Eugenio M. Laude

PAGSASANAY BLNG. 3
Uri ng panitikan ayon sa paghahalin pasalindila; pasalinsulat; pasalintroniko

Panuto: Magsaliksik tungkol sa tatlong Uri ng panitikan ayon sa paghahalin at ipaliwanag


ang bawat isa.

PASALINDILA
Ang pasalindila naman ay mga pamamaraan na pasalita ng pagbabahagi, pagsasabi o
pagsasalin ng mga akda. Ang pagkakaroon ng makrong kasanayan ay nabibigyan ng
importansya nito sa pagbubuo ng mga tula, kanta at marami pang mga likha na tinatanghal
ng ating mga katutubo noong unang panahon.

PASALINSULAT
Ang pasalinsulat ay tumutukoy sa mga akda na isinusulat o kaya naman inuukit
gamit ang mga katutubong alpabeto na kanilang natutuhan. Naganap ito sa panahon na
malaman ng mga indibiduwal ang mga sinaunang abakada, na kabilang dito ang mga
naunang mga baybayin.

PASALINTRONIKO
Ito ay pagtukoy sa paraan ng pagsasalin ng isang panitikan sa pamamagitan ng
elektroniko na produkto ng teknolohiya. Ang ilan sa mg halimbawa ng pasalintroniko ay ang
paggamit ng plaka, rekorder, disking kompakto at mga aklat na elektroniko (kadalasan na
nakikita o nababasa ito sa ating mga kompyuter).
Gawain A.
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga uri ng panitikan ayon sa anyo (Patula; Patuluyan o
Prusa; Patanghal) at ipaliwanag ang bawat isa.

1. PATULA
Ang pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng pagsukat at pagtugma-tugma sa
isang saknong. Ito ay isinusulat ng patula.
2. TULUYAN O PRUSA
Ang paggamit ng mga salita sa isang pangungusap na walang kinakailangang
pagtutugma o pagsukat (tumutukoy ito sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod; isa sa
mga apat element ng tula). Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o
pagpapahayag.

Gawain B.
1. Epiko ng mga Bicolano.
Sagot: Ang epikong Ibalon ay isang salaysay ng pakikipagsapalaran ng mga bayaning
sina Batlong, Handiong, at Bantong. Pinaniniwalang isang sinauna’t mitolohikong salaysay
ito ng mga Bikolano. Gayunman, pinagdududahang epikong-bayan ito dahil sa kasalikuyang
napakaikling anyo nito (240 taludtod) at nakasulat sa wikang Espanyol.
Bahagi ang naturang teksto ng libro ni Padre Jose Castano, isang paring nadestino sa
Bikol. May makatang nagsalin ng teksto sa Bikol ngunit wang nakatutuklas hanggang ngayon
ng kahit isang orihinal na saknong nito sa wika ng mga Bikolano. May tumatawag ding ibalon
sa Kabikulan.
2. Awitin sa pagpapatulog ng bata
Sagot: OYAYI halimbawa nito ay ang Hiligaynon lullaby.
3. Ayon sa mga nakasulat na panitikan ang mga naunang natagpuang naninirahan dito sa
Pilipinas ay ang mga _________?
Sagot: May tatlong pangkat ng mga sinaunang taong dumating sa Pilipinas: ang mga
Negrito, mga Indones, at mga Malay.
4. Epiko ng mga Ifugao.
Sagot: Sa lipunang Ifugaw, ang Hudhud ay isang mahabang salaysay na patula na
karaniwang inaawit sa panahon ng tag-ani, o kapag inaayos ang mga payyo o dinadamuhan
ang mga palayan Inaawit din ito kapag may lamay sa patay at ang yumao ay isang taong
tinitingala dahil sa kaniyang yaman o prestihiyo.
5. Ilan ang patinig sa katutubong abakada o alibata?
Sagot: May tatlong patinig ng Baybayin ito ay A, I, at U. ang bigkas ng I at E ay
maaaring magkapalit ayon sa paggamit ng mga katutubo.
6. Ito ay isang akda na si Pedro Bukanig na taga Abra na naging dalubhasa sa samtoy.
Sagot: Ang Biag ni Lam-ang ay isinulat ni Pedro Bukaneg na isang Ilokano.
7. Awit ng pandigma?
Sagot: Kumintang ay isang awit ng pandigma.
8. Maikling kwento na ang gumaganap ay mga hayop.
Sagot: Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop
o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga,
pagong at matsing, lobo at kambing, kuneho at leon.
Castillo, Jesseca M. BSTM 3B Ika 28 ng Pebrero 2023
Dr. Eugenio M. Laude

PAGSASANAY BLNG. 4
Panitikan sa panahon ng mga Kastila

Panuto: Alamin ang mga akdang pang wika sa panahon ng mga kastila. Magsaliksik ng mga
makata sa panahon ng mga kastila.

MGA AKDANG PANG WIKA SA PANAHON NG MGA KASTILA


 Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
 Compendio de la Lengua Tagala
 Vocabulario de la Lengua Tagala
 Vocabulario de la Lengua Pampango
 Vocabulario de la Lengua Bisaya
 Arte de la Lengua Bicolana
 Arte de la Lengua Iloko

MGA MAKATA SA PANAHON NG MGA KASTILA


 Padre Alonzo De Sta. Ana (1617)
 Padre Antonio de San Gregorio (1630)
 Padre Pedro Herrera (1645)
 Padre Francisco Bencuchillo (1710)
 Padre Juan Serrano (1703)

Castillo, Jesseca M. BSTM 3B Ika 28 ng Pebrero 2023


Dr. Eugenio M. Laude

PAGSASANAY BLNG. 5
Seberino Reyes (Lola Basyang)
Panuto: Magsaliksik tungkol sa talambuhay ni Severino Reyes. Alamin ang kanyang mga
naisulat na mga akda.

TALAMBUHAY NI SEVERINO REYES


Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong 11 Pebrero 1861. Ikalima siya sa
mga anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero.
Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kilala
siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsulat ng mga kuwentong pambata,
ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang.
Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng
panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa sa
kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan.
Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita niya ang Moro-moro at
komedyang itinatanghal ay walang buti at kapakinabangang idinudulot sa mga manunuod.
Sinikap ni Don Binoy (palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang dulang Tagalog.
Nagging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin ang Moro-moro ang nakitang
pagtanggap ng mga manunuod ng sarsuela sa unang pagtatarighal ng sarsuelang Salamin ng
Pag-ibig ni Roman Reyes; Mga Karaniwang Ugali ni Ambrosio de Guzman; Damit ni San
Dimas ni Roman Dimayuga; Despues de Dios, El Dinero ni Hermogenes Ilagan. Dahil sa
Nakita ni Don Binoy na reaksiyon ng mga manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang
nabanggit ay itinatag niya ang Gran Compana de Zarzuela Tagala na siyang inaasahang
magtataguyod sa pagtatanghalang ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na
sinundan pa ng iba. Nagging dramaturgo ng ulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa
pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha siyang palitan ng sarsuela ang
Moro-morona dating kinalikohan ng mga manunuod.
MGA AKDA NI SEVERINO REYES
 Walang Sugat  Mga Pusong Dakila
 Huling Pati  RIP
 Minda Mora  Ang Kalupi at iba pa.
 Mga Bihag ni Cupido

Castillo, Jesseca M. BSTM 3B Ika 28 ng Pebrero 2023


Dr. Eugenio M. Laude

PAGSASANAY BLNG. 6
Panitikan sa panahon ng mga Amerikano

Gawain A.
1. Magsaliksik at alamin ang mga nangyayari sa ating panitikan sa panahon ng mga
Amerikano.
Sagot: Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na
sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong
ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng Kalayaan. Nahirang si Hen. Emilio
Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y
nagging panandalian lamang sapangkat biglang lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng
digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar
noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.
2. Mga uri ng panitikan sa panahon ng mga Amerikano.
Sagot: Maikling Katha o Maikling Kuwento. Ang anyo ng panitikang ito ay nag-
umpisang yumayabong sa panahong Amerikano.

Gawain B.
Basahin o magsaliksik sa mga tulang pasalaysay at alamin kung sino ang makata o sumulat.
(Ang buhay panggigyera; Ang lumang simbahan).

ANG BUHAY PANGGIGYERA


Ni: Lope K. Santos
Mahirap ipaliwanag ang halina ng sugal. Nakaaaliw ito kung paminsan-minsan;
ngunit habang tumatagal ay nakakawilihan, gaya ng sex at droga, hanggang mamalayan mo
na lamang na lulong ka na’t lustay na ang salapi, dangal, at panahon. Walang
makapagpapaliwanag ng sugal kundi ang mismong sugarol o sikologo, ngunit ang sugarol at
sikologo ay lkinakailangan muna ang malawak na guniguni at kadalubhasaan sa wika at
panitikan, bago mapatayan ang pambihirang tulang “Ang Panggingera” (1912) ni Lope K.
Santos.
Isinalaysay sa “Ang Pangginggera” ang buhay ng babaeng napariwara dahil sa
pagkakalulong sa sugal na “panggingge”. Ang panggingge ang ninuno ngayon ng tong-its,
sakla, at poker, at siyang paboritong laro sa mga pasugalan, gaya sa Santo Cristo sa Binondo
noong siglo 1900. Noong una’y mabuti maybahay ang nasabing babae, maayos ang
pamumuhay, at kaakit-akit ang anyo’t ugali. Ngunit nang mamatay ang kaniyang unang
anak, nagdalamhati ang babae at upang maibsan ang kaniyang lungkot ay niyaya ng
kaniyang hipag na maglaro ng ripa. Nang tumagal, nahatak ang babae na sumubok maglaro
ng pinggingge, makiumpok sa pasugalan, at malulong sa bisyo nang di-inaasahan.
ANG LUMANG SIMBAHAN
Ni: Florentino T. Collantes
Ang tulang ito ay nagpapahayag ng wagas na pagmamahalan ng magkasintahan. Ang
lumang simbahan sa isang maliit na bayan ay nasira, nagiba ginagapangan na ng mga damo
at doon ay may krus at masabi na ang lumang simbahan ay parang libingan. Sa bandang
silangan ay mayroong kampana na basag, iyon ang kampana noong panahon pa ng kastila
na pinatugtug dahil ay bumagsak sa lupa kaya nabasag, ito’y pinaniniwalaan ng mga
matatanda.

You might also like