2ND Mini PT (App 003, Group 5)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Paggawa ng Replektibong Sanaysay

Isang Performance Task na Iniharap


sa Kagawaran ng Senior High School
ng PHINMA-Cagayan de Oro College

Bilang Bahagi ng Parsyal


na Pangangailangan sa
Filipino sa Piling Larangan

Isinumite kay:
Sidney E. Casiano

Isinumite nina:
LEADER’S NAME: PACLAR, JERICHO JUDE NANEZ - 20
Pangalan Puntos
1. PANTAON, HONEY BEE RABANES 20
2. PINGOS, LESTER JADE ESCABUSA 20
3. PIOQUINTO, ERICHJANE CANO 20
4. RAAGAS, LEONARD TURBELA 20
5. RADA ROBERTO III MABULAY 20
6. RAMOS, CHARLES NHIKO PEPITO 20
7. SALCEDO, DELROY CHAMP UBALDE 20
8. SALE, ALJE GALDO 20
9. SETENTA, DIN-MARK MAGDUGO 20
10. SUDARIO, JAN ROSE CASQUITE 20
11.
12.

Enero 2023
Jericho Jude N. Paclar
FA1-G12-03-GAS-CRIM
Tunay ngang ang pamilya ang kakampi at karamay natin hanggang sa huli. Ito ay paalala lamang na hindi natin
alam na ang kagandahan o katuwaan sa loob ng tao ay galing sa ating sariling pamilya. Ang ating pamilya nga ang
nag-bibigay sa bawat isa sa atin ng lakas, katuwaan at kasayahan. Subalit, magkakagulo rin ang pamilya na maaring
maging sanhi sa pagka watak-watak ng pamilya.
Ang pelikulang pinamagatang Seven Sundays ay nakakataba ng puso. Sa pelikulang ito ay marami akong
natutunan kaugnay kung gaano kahalaga ang pamilya. Napagtanto ko na kahit anong gawin ng kamalasan sa buhay
ko ay babalik at babalik rin tayo sa ating pamilya at walang kahit ano man ang makakasira nito. Sa buong panonood
ko sa pelikulang ito ay halong-halo na emosyon ang aking naramdaman. Masasabi ko na ang pelikulang ito ay
nararapat makita sa lahat ng tao dahil sa lagandahan nito.
Sa pelikulang binganggit ay pinakita na nagka watak-watak ang pamilya ng isang matanda at noong nagkamali ng
pagpapatingin ang matanda sa doctor ay nagsibalikan na ang mga anak nya dahil sa pagmamahal nito ng tunay.
Naranasan ko rin na magalit ng lubusan sa aking pamilya dahil sa komplikadong rason ngunit sa huli ay kahit gaano
kahirap ay nandyan silang lumalaban at patuloy na nagmamahal sa akin. Laking pasalamat ko na ang aking pamilya
ay malusog. Natutunan ko rin sa pelikula na mahalagang sulitin ang oras sa pamilya mo habang nandito pa sila sa
mundong ito.
Sa konklusyon, napagtanto ko na napakasakit mawalan ng pamilya at hindi basta-basta ang mawalan ng mahal
mo sa buhat. Kaya naman, habang malusog pa ang aking pamilya ay sinuslit ko na ito at gumgawa ng makaka tuwa
rin sa kanila. Iba ang pagmamahal galing sa pamilya kess naman sa ibang tao. Ako ay natuwa at napahanga dahil ang
pelikulang ito ay nakaka-relate lalong lalo na sa mga kabataan.
Jan Rose C. Sudario
FA1-G12-03-GAS-CRIM
Karamihan sa pamilya ay naranasan na din ang mga pangyayari sa pelikulang seven sundays, pagkakaroon ng
away pamilya, problema at iba pa. Sa pelikulang ito ang ginawa ng kanilang ama ay nag panggap na may sakit na
stage 4 cancer para umuwi ang kanyang mga anak at magkaisa sapagkat may isang linggong buhay nlang ito. Umuwi
ang apat na magkakapatid nong malaman g may sakit ito af ginawa ang lahat para mapasaya ang kanilang ama at
pinaramdam ang pagmamahal at alaga na kailangan nito pero nong nalaman nang apat na magkakapatid na peki ang
lahat nng iyon ay umalis sila at iniwang mag isa ang kanilang ama.
Na pagtanto ko sa pelikulang ito ay kailangan mo munang mawala o magkasakit bago nila maalala ang iyong halaga
bilang isang tao. Isa pa sa masakit na katotohanan sa seven sundays ay karamihan sa mga anak ay kung kailan
naging successful na sila sa kanilang buhay ay di na lumilingon sa kanilang pinang galingan at iniiwan na ang kanilang
mga magulang.
Ang natutunan ko nman sa Seven Sundays ay kung ano mn ang marating mo sa iyong buhay ay wag kalimutan
kung sino ang nasa tabi mo nong walang wala ka pa at kung sino ang nagpalaki at humubog sayo kung ano ka mn
ngayon, kailangan alagaan at pahalagan ang ating magulang at pamilya sapagkat sila ang meron tayo.
Leonard T. Raagas
FA1-G12-03-GAS-CRIM
Ang pelikulang napanood ko ay seven Sundays tungkol sa buhay ng isang pamilya. isang ordinaryong pamilya
na nakakaranas ng mga mapapait at pagsubok sa buhay. Ang kwento ay simple lamang pero madadama mo ang
kanilang emosyon at mapapait na nararamdaman. Maraming masasaya at mapapait na kwento na nakakaugnay sa
totoong buhay. Ang pelikulang seven Sundays ay ka ranimg mapupulutang aral. Pagkatapos kung mapanood ang
pelikulang seven Sundays ay marami akong napupulutan na aral sa pelikulang ito at bigla ako napaisip na kay rami
palang nakakaugnay sa totoong buhay ko ang kwentong ito.
Sa pelikulang ito makikita ang pagmamahalan at pagbibigayan ng mga pamilya. Makikita din ditto kung gaano
ang pagsasakripisyo at pagmamahal ng magulang para sa mga anak. Ang pelikula ay tungkol sa kahalagan ng
pagmamahalan ng pamilya. Makikita naman na kung gaano ka mahal ng ama ang kanyang mga anak kaya pinag
sama sama niya ang kanyang mga anak para sabihin ang pinakamalongkot nabalita na maroon siyang lung cancer at
gusto niyang sulitin ang natititrang araw na magkasama-sama sila , malungkot na narinig ng mga anak niya ang balita
kaya umiyak sila at nag mungkahi ang isa nilang kapatid ng magpapagamot sa manila ang kanilang ama. Subalit ayaw
ng kanilang ama na magpagamot kasi sayang daw sa pera at araw dahil wala namang kasiguradohang magagamot
siya at mamatay din naman siya. Makita din sa kwento kung gaano kasaya ang kanilang ama ng Makita na
magkasama-sama sila sa kaarawan niya. Ang kwentong ito ay nagpapahiwatig hanggat andyan pa at buhay pa ang
mga taong mahal natin sa buhay wag tayong magdadalawang-isip na maglaan ng oras at magsabi na kung gaano
natin sila kamahal, alam naman natin na hindi natin hawak ang ating kapalaran.
Ang pagpahalaga ng bawat oras sa mga panahong kasama pa natin ang mga mahal buhay ang nakapatak sa
puso’t damdamin ko. Ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagkatwaran ang natutunan ko sa pelikula na ito. Natutunan
ko rin kahit anong problema man ang dumating saaming buhay dapat hindi mawawala ang pagmamahalan, pagkakaisa
at pagkatwaran sa aming magkakapatid. Bilang isang anak kailangan natin mahalin at alagaan ang mahal natin sa
buhay habang buhay pa sila. Sulitin ang oras at araw habang magkakasama pa ang pamilya, dahil hindi natin hawak
ang ating kapalaran
Delroy Champ U. Salcedo
FA1-G12-03-GAS-CRIM
Ang pelikulang Seven Sundays ay tungkol ito sa isang pamilya na ang kanilang ma ay merong sakit na cancer
.Ang pelikulang ito ay maraming leksyon at makikita dito gaano ang pagmamahal ng mga anak para sa kanilang ama
.Makikita rin dito paano kinaya at tiniis ng panganay ang kanilang tindahan na ABC at ang kumokulong dugo sa isa’t
isa nila Alan at Bryan at paano nila pinatawad sa isat Isa.
Ang pamilya sa akin ay sobrang mahalaga talaga, kasi dito natin una matutunan ano ang mga tama at mali at
mga respeto katulad ng pag mano po sa matatanda at maayos na paraan kumain. Habang lumilipas ang panahon na
umabot tayo sa punto na magkakaroon na tayong sariling pamilya o mag kaka anak na at lahat kayong mag Kapatid
ay mayrong ng sariling pamilya at dahan dahan kayo mag kawilay sa iyong mga magulang.
Habang ako ay hindi pa umabot diyan na punto o bago ako umabot diyan na punto aalagaan ko muna ang aking
Ama at Ina at ang aking mga kapatid . Alam naman natin hindi talaga mawawala ang pag aaway ng magkapatid tulad
nila Alan at Bryan, mayrong akong mga Tito na katulad talaga nila Alan at Bryan na kumukulo ang dugo sa isa’t isa.
Ang pag-aaway Ng magkapatid ay hindi talaga natin madala maisundo kasi Sila lang talaga ang mag papatawad sa
isa’t Isa katulad nila Alan at Bryan paano sila nag ka sundo o paano nila pinatawad ang kanilang isat isa, dahil ito sa
panahon o sitwasyon.
Ang pelikulang Seven Sundays ay hindi lang ito tungkol sa isang pamilya, tungkol narin ito paano maging
responsibilidad na anak, na paano mo ito ma solusyonan na mga problema sa iyong pamilya . At maging Isang
panganay ay hindi talaga madali kasi ikaw ang kinabukasan na iyong mag kapatid ikaw ang gagabay sa kanila bukas,
ikaw rin tutlong sa kanilang mga financial. Hindi lang sa kapatid pati narin sa iyong mga magulang.
Honey Bee R. Pantaon
FA1-G12-03-GAS-CRIM
Ang aking nalalaman patungkol sa napanood kong pelikulang Seven Sundays ay isang pelikulang patungkol sa
buhay ng isang pamilya. Isang pamilyang hindi perpekto kundi sa isang ordinaryong pamilyang nakakaranas din ng
mga pagsubok at mapait na hamon sa buhay. Natutunan ko na sa kwentong it ay simple lamang ngunit madadama
mo ang bawat mapait at emosyon na nais iparating ng pelikulang ito sa atin bilang isang tagapanood o manonood.
Kayrami ng aking napulutang magagandang aral nito para sa mga kabata, lalo na sa akin. Pagkatapos kong mapanood
ang pelikulang ito ay napaisip ako na kung gaano ka importanti at kung gaano kahalaga ang isang pamilya na sa kahit
anong hirap na napagdaanan mo sila ang unang-una na nandiyan para sayo o sa atin. At dito natin makikita kung saan
nagsimula ang tunay na pag-ibig na mayroon tayo.
Sa pelikulang ito, ipinapakita ang tunay na pagmamahalan at pagbibigayan ng pamilya sa isang magulang sa
kanilang anak, ang anak sa kanilang mga magulang at ng magkakapatid sa isa’t-isa. Ang pelikulang ito ay tungkol sa
kahalagahan sa pagsasabi sa kung ano ang totoo at higit sa lahat nagpapakita ng pagiging totoo sa sarili at sa pamilya.
Makikita natin sa pelikulang ito kung gaano kasaya ang kanilang ma na makita muli ang kanyang mga anak na
nagtitipon- tipon muli sa araw ng kanyang kaarawan, ipinapahiwatig dito na hangga’t andyan pa at buhay pa ang mga
taong mahal natin sa buhay wag tayong magdadalawang-isip na maglaan ng oras at magsabi kung gaano natin sila
kamahal dahil alam naman natin na hindi tayo ang may hawak sa ating kapalaran. Ipinapakita din dito ang kahalagahan
ng isang ina, kapag wala ang ina sa pamilya magkakawatak-watak ito dahil ang ina ang siyang iilaw sa bawat
problemang mayroon ang isang tahanan. Ipinapakita din dito ang kahalagahan sa pagbibigay atensyon sa mga anak,
nakikita natin kung gaano kinipkip ni Dex ang lahat, ang kakulangan sa pag-agapay ng isang magulang at ang
kakulangan sa atensyon ng kanyang mga kapatid. Ipinapahiwatig sa eksenang ito na kahit tayo ay abala sa mga
bagay- bagay ay wag nating kalimutang magbigay oras at atensyon sa mahal natin sa buhay, lalo na sa ating mga
anak dahil kahit papaano makakaramdam sila ng pagmamahal at importansiya. At ang higit sa lahat ang pelikulang ito
ay nagpapakita na kahit anong unos, galit at poot mayroon tayo mas mangingibabaw parin ang pagmamahalan at
kapatawaran sa isa’t-isa.
Pagmamahalan, kapatawaran at pagkakaintindihan ang aking natutunan sa pelikulang ito. Pahalagahan ang
bawat oras sa mga panahong kasama natin ang mahal natin sa buhay. Natutunan ko rin dito na kahit anong unos o
mga problema na ang darating ay kailangan buo ang isang pamilya upang harapin ito, magka-isa, magtulungan at
pahalagahan ang bawat isa Magmahalan lamang ang susi sa pagkakaroon ng isang magandang pamilya. Bilang isang
anak ay kailngan nating mahalin ang ating mga magulang at mga kapatid. Sultin ang mga araw na magkakasama at
bigyan ng panahon ang isa’t-isa. Bilang isang magulang, wag kalimutang magbigay laan at atensyon sa mga anak
dahil ito ang pinaka-importanteng paraan tungo sa pagkakaroon ng magandang relasyon sa isa’t-isa. Higit sa lahat,
tinuruan tayo sa pelikulang ito na sa mga panahong tayo ay gipit ang pamilya ang unang taong susuporta sa atin.
Lester Jade E. Pingos
FA1-G12-03-GAS-CRIM
Ang pelikulang Seven Sundays ay tungkol sa isang pamilya na nakakaranas ng mga ibat-ibang pagsubok sa
buhay. Ang kwento ay puno ng emosyon na dinaramdam nila nuong silay bata pa. Isang Kwento na mararamdaman
mo talaga ang sarap kung magkakasama kayu buong pamilya, Masaya at mapapait na kwento na nakakaugnay sa
kanilang mga buhay. Ang pelikulang seven sudays ay marami kang makukuha na aral lalo na kung kaugnay ang
situation nyu magkakapatid sa kwentong ito.
Sa pelikulang ito ay walang bagay na maaring pumalit sa isang tunay na pamilya na nagmamahalan. Makikita
din dito kung gaano ang pagsasakripisyo at pagmamahal ng isang magulang para sa kaniyang mga anak. Ang
Pagkakasakit na malubha ng ama ng apat na magkakapatid na ngayon ay nasa wastong gulang na at may kani-
kaniyang trabaho at pamilya na, ay maaring magbigay ng pansamantalang dahilan upang silay magkasama-samang
muli, tuwing lingo subalit hindi ito pangmatagalan, gusto no ng isa nyang anak na magpagamot sa mga experto na
mga doctor kaso ayaw ng ama kasi kung maglalabas pasok lang naman sya sa ospital para naring walang kwenta ang
natitira nyang buhay kaya gusto nya na sa natitira nyang pitong lingo ay magkakasama silang buong pamilya . Ang
Kwentong ito ay nagpapahiwatig na hangat buhay pa ang mga taong mahal natin sa buhay wag tayung
magdadalawang-isip na bisitahin at alagaan sila dahil di natin hawak ang oras nila kasi sila ay may edad na.
Ang natutunan ko sa kwentong ito ay yung pag mamahalan,pagkakaisa at pagpapatawaran ko sa pelikulang ito.
Natutunan korin na hindi dapat natin ipang sasatabi yung mga tao na mahahalaga sa atin lalo nat meron nang
sarisariling buhay. At natutunan ko din na ang problema ay problema lang na meron yang solusyon bilang isang anak
dadating din ang panahon na tatanda din ang tatay at nanay ko at hindi ko sila pababayaan gaya ng pag sasakripisyo
nila araw araw para sa aming araw araw na buhay, kailangan natin mahalin at alagaan ang mahal nati sa buhay,
Habang buhay.
Charles Nhiko P. Ramos
FA1-G12-03-GAS-CRIM
Ang pelikulang seven Sundays ay lubos na nakaaakit sa ating pagmamahal at
pagmamahal sa ating mga kapamilya at pang-unawa. Pinainit din nito ang aking puso dahil sa paraan ng paglutas nila
ng kanilang sariling mga salungatan bilang mga indibidwal sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang pamilya. Isang
matandang lalaki na nagkunwaring may sakit malapit sa death bed para lang makasama ang kanyang mga anak sa
kasunduan ng kanyang mga anak na bibisita siya tuwing Linggo.Lahat ng kanyang mga anak ay nabubuhay na sa
abot ng kanilang makakaya, sinasalamin din nito ang mga tunay na senaryo na kinakaharap ng bawat indibidwal. Mula
sa usapin ng pamilya hanggang sa mga personal na layunin upang maabot ang kanilang sariling layunin, at ang ilan
ay nagsusumikap lamang na magkaroon ng ikabubuhay. At ito rin ay tungkol rin sa pagsasabi ng totoo sa tamang
panahon hindi dahil sa galit o poot, kundi sa pagmamahal at sa tamang diwa sa pagtanggap ng katotohanan. higit sa
lahat, ang seven sundays ay tungkol sa paghingi ng kapatawaran at pagbabalikang-loob. Hindi maaaring palagpasin
na sa kalagitnaan ng mga kaisipang ito, napakahalaga ang katayuan ng tinuturing nating “ilaw ng tahanan” o ang ating
mga ina at sa maraming pagkakataon (tulad sa seven sundays) ang pagkawala ng kanilang nanay ay nauuwi sa
pagkawatak-watak at pagkakaniya-kaniya.
Ang masasabi ko sa palabas na Seven Sundays is sobrang ganda may napulot talaga akong aral dun mula sa
magkakapatid na hindi nagkakasundo hanggang sa mga bagay na hindi naman kailangan palakihin pinapalaki pa at
ang pinakanatutunan ko sa kwento na yun mahalin ang bawat isa habang nandyan pa sila hindi yung saka ka nalang
magsisi kapag wala sabihin mo na yung mga bagay na hindi mo pa nasasabi sa kanila iparamdar mong mahalaga sila
sayo at ang higit sa lahat magpatawad.
Din-mark M. Setenta
FA1-G12-03-GAS-CRIM
Ang Seven Sundays ay tungkol sa pamilya. Nang matapos kong mapanood ito marami talaga akong natutunan
gaya ng tunay na pagmamahalan at pagiging mapagbigay sa pamilya ng mag-asawa, ng mga magulang sa kanilang
anak, ng mga anak sa magulang, at ng magkakapatid sa isa’t isa. ang seven sundays ay tungkol sa kahalagahan ng
pagsasabi ng kung ano ang totoo at higit sa lahat ang pagiging totoo sa sarili pati narin sa pamilya.Ang pelikulang ito
ay tungkol rin sa pagsasabi ng totoo sa tamang panahon hindi dahil sa galit o poot, kundi sa pagmamahal at sa tamang
diwa sa pagtanggap ng katotohanan. higit sa lahat, ang seven sundays ay tungkol sa paghingi ng kapatawaran at
pagbabalikang-loob. Hindi maaaring palagpasin na sa kalagitnaan ng mga kaisipang ito, napakahalaga ang katayuan
ng tinuturing nating “ilaw ng tahanan” o ang ating mga ina at sa maraming pagkakataon (tulad sa seven sundays) ang
pagkawala ng kanilang nanay ay nauuwi sa pagkawatak-watak at pagkakaniya-kaniya.
Walang bagay na maaaring pumalit sa tunay na pagmamahalan upang pagsamahin o gawing isa ang kalooban
ng mga miyembro ng pamilya. Ang pagkakasakit na malubha ng ama ng apat na magkakapatid na ngayon ay nasa
wastong gulang na at may kani-kaniyang trabaho at pamilya na, ay maaring magbigay ng pansamantalang dahilan
upang sila’y magkasama-samang muli, tuwing linggo, subalit hindi ito pangmatagalan.
Ang pagkukunwari’t pagpapanggap ng magkakapatid na sila’y magkakasundo atnagbibigayan, para hindi na
bigyan ng karagdagang pasanin ang ama nilang may malubhang sakit, ay gayun din, pansamantala at hindi
pangmatagalan. Maaari itong maging daan para maibalik ang pagmamahalan nila nung mga bata pa at parang ito
ang mithiin, na manumbalik ang nakaraan, nang ang lahat ay simple at dama ang tunay na pagmamahalan sa
katotohanan. Maraming lumalabas na katotohanan kung tayo’y galit ,lngunit ito’y mapanira ng samahan ng pamilya.
Ang katotohanan ay gumagamot at naghihilom lamang ng sugat kung ito’y pinunuan ng pagmamahal at pag-
unawa. Kung hindi ay ito’y wumawasak at nagpapalala ng alitan.
Mahirap magsabi ng totoo,may takot. Ito ang naramdaman ni tatay, halimbawa, nang malaman nyang wala pala
syang malubhang sakit kung sasabihin pa ba nya ito sa mga anak nya, na masayang muling nagkasama-sama bunsod
ng sakit nyang ito. Kailangan nito ng tunay na tapang.
Subalit dito nalululan ang pagtatagumpay ng samahan ng pamilya na ang bawat miyembro, magulang at anak,
ay totoo sa isa’t isa at nagmamahalan, nagbibigyayan, nagso-sorry at nagpapatawaran. Ang mahalagang aral na
maiuuwi mo mula sa seven sundays ay ito: mahalin mo ang pamilya mo sa lahat ng oras. Mga anak, mahalin nyo ang
tatay at nanay nyo, hindi lang habang mga bata pa kayo, ngunit lalo’t higit na Lubos pag mamahal nila sainyu.
Alge G. Sale
FA1-G12-03-GAS-CRIM
Ang aking napagtanto ang halaga nga pagkakaroon ng oras para sa aking pamilya, sapagkat hindi natin hawak
ang ating oras. Bawat Segundo, oras ay may maaaring mangyari.
Nuong aking napanood ang pelikula ay aking napagtanto na dapat pala ay ating pahalagahan ang bawat
nararamdaman ng ating kapamilya, dapat pala ay ating sinusulit ang bawat oras na kasama natin sila.
Ating mahalin at huwag sayangin ang bawat oras na mayroon tayo, pagtuonan natin ng pansin ang mga
mahahalagang bagay sa ating buhay. Ating unahin ang oras para sa ating pamilya kaysa kung ano pa ang bagay,
dahil sa unat huli sila lang ang mayroon at susuporta sa huli sa atin
Erichjane C. Pioquinto
FA1-G12-03-GAS-CRIM
Ang Seven Sundays ay isa sa napaka makatotohanan pelikulang Pilipino na napanood ko sa buhay ko sa
ngayon. Ito ay tunay na isang pelikula tungkol sa kung paano pahalagahan ang oras, paggalang, pagmamahal, at
disiplina sa isang relasyon sa pamilya. Ito ay hindi ang mga tipikal na romantikong komedya na mga pelikula na
nagsasalita tungkol sa pag-ibig. Ito ay higit pa riyan tinatawag na "pag-ibig" sa isang mag-asawa. Ang pamilya ng isang
tao ang pinakamahalagang bagay na mayroon ang sinuman. Isa sa pinakamaganda ng ating buhay ay ang ating
pamilya, alam ng marami ay ang karamihan sa ating panloob na kagalingan at kasiyahan ay nagmumula sa pamilya.
Ito ang isang relasyon na mayroon ang karamihan sa mga pamilya habang nakikipaglaban sila sa mga pagkakaiba,
tulad ng mga hilig, ambisyon, moral, paniniwala, at iba pa. Nakalulungkot, ang mga pagkakaibang ito ay maaaring
gumawa o makasira ng isang pamilya at sa karamihan ng mga kaso ang relasyon ay nagiging at nananatiling sira.
Nalaman ni Manuel Bonifacio na siya ay na-diagnose na may cancer at pitong linggo na lamang ang natitira.
May apat na anak si Manuel na sina Allan, Bryan, Cha, at Dex, tinawag silang “ABCD” bilang magkapatid at lahat ay
abala sa kani-kanilang buhay. Habang bumabalot ang kalungkutan sa matanda, nagpasya siyang ihayag ang
kalagayan ng kanyang kalusugan upang muling pagsamahin ang kanyang pamilya. Si Allan, ang panganay na anak
na lalaki, na namamahala sa bangkarota na negosyo ng pamilya, ay malinaw na nagpakita ng sama ng loob sa
kanyang nakababatang kapatid na si Bryan, na isang matagumpay na negosyante sa kanyang sarili. Kalaunan ay
nabunyag na ang dalawa ay may masamang dugo sa loob ng maraming taon, na nabalisa sa kanilang kawalang-
interes, lalo na sa paghawak ng mga sitwasyon at desisyon para sa buong pamilya. Si Cha, ang nag-iisang anak na
babae ni Manuel, ay nagtitiis ng isang hindi malusog na pagsasama sa isang asawang hindi tapat sa kanya ng
maraming beses. Nagkaroon siya ng sariling mga anak na madalas niyang inalagaan mag-isa. Si Dex, ang bunsong
anak, siya ay labis na naimpluwensyahan ng kanyang mga kaibigan at tinatakasan ang sarili niyang mga problema.
Sa kanilang family outing sa bandang huli ng pelikula ay nalaman kung paano siya tila napabayaan bilang isang bata
at palaging naiiwan sa kanyang sarili, kahit na sa kanyang sariling kaarawan. Pagkatapos, kulang din ang pagiging
bukas at pag-unawa sa pamilya. Si Manuel, na gusto lang makitang maayos ang kanyang mga anak bago siya
pumanaw, ay napilitang magkunwaring nasa bingit na talaga siya ng kamatayan.
Napagtanto ko na maaari nating maiwasan ang mas masahol na mga bagay kung natutunan lamang natin sa
simula kung paano maayos na ipahayag ang mga saloobin at damdamin. Natutunan ko iyon sa pamamagitan lamang
ng pagsasalita tungkol sa aming mga hinaing sa isa't isa at sa pakikinig nang maigi upang maunawaan namin kung
saan nanggagaling ang isa. Sa pelikula, kinikilala ko ang sarili ko bilang si Cha dahil bukod sa pagiging babae ko,
lumaki rin ako na may pamilya na sobrang protective sa akin at interesado ring makilala ang mga taong kasama ko
araw-araw. Gusto ko ang pelikula dahil ito'y kagiliw-giliw na panoorin para sa family bonding dahil ito'y napaka-touching
at nakakatawa.
DOKUMENTASYON:

You might also like