5 - FIL9 - Kuwarter3 - Pang-Uri at Kaantasan Nito

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ST. MARY ST. MARY’S ACADEMY OF PALO INC.

Bonifacio St., Palo, Leyte 6501


Tel: (053) 832-0207
Emails: smapalorvm@gmail.com / smapalorvm@yahoo.com
School ID: 404696
ESC ID: 0801244

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Taong Panuruan 2022-2023

Department: Basic Ed – JHS Quarter: Ikatlong Kuwarter Effective: S.Y. 2022-2023 Page:
Area/Level: Baitang 9 Day: Revision: cc: PRIN, FAC

PAGLIPAT NG MITHIIN (Transfer Goal)

Sa kalaunan, sa pamamagitan ng kanilang kaalaman at kasanayan, ang mga mag-aaral ay…

Malayang nagagamit ng mga mag-aaral ang mga natutuhan sa pag-aaral ng mga akdang nagmula sa Kanluran at Timog Asya sa
masining na pagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa mga napiling mga akdang pampanitikang Asyano.

KAKAILANGANING PANG-UNAWA (Essential Understanding)


Mauunawaan ng mga mag-aaral na…
(1) Ang pagiging maingat sa paggamit ng mga pang-uri sa paglalarawan ng ibang tao ay nagpapakita ng karunungan hindi lamang
sa katalinuhan.

KAKAILANGANING KATANUNGAN (Essential Question)


Ang mga mag-aaral ay isinasaalang-alang…
(1) Bakit kailangang maging maingat sa paggamit ng mga pang-uri sa paglalarawan ng ibang tao?

I. PANIMULA (Preliminaries)

Panalangin (Personal Prayer)


Pagtala ng Liban
Pokus: Retorika/ Panitikan : Pang-uri at Kaantasan Nito
Pagbabalik-aral: Bago simulan ang panibagong aralin ay magkakaroon muna ng balik aral o review kaugnay sa aralin
na PANG-ABAY.

Pagganyak: Panonoorin ng mga mag-aaral ang isang maikling bidyuw o “video” tungkol sa “Oras ng Pandemya”.
Pagkatapos ay itatanong ng guro ang mga sumusunod na katanungan:

1. Tungkol saan ang napanood?


2. Ano-ano ang mga lugar at bagay na nabanggit? Isulat sa pisara ang sagot.
3. Ano ang katangian, kulay at hugis ng mga ito? Ilagay ang inyong sagot sa ibaba ng mga nabanggit
na bagay at lugar.
4. Batay sa inyong mga naging sagot, ano ang tatalakayin natin sa araw na ito?
II. PAGLALAHAD (Lesson Proper)

A. PRESENTASYON NG KONSEPTO (Presentation of the Topic)

Mauunawaan ng mga mag-aaral…

 ANG ARALIN TUNGKOL PANG-URI AT KAANTASAN NITO

Malilinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa:


Mga Mahahalagang Kasanayan: (Most Essential Learning Competencies)
- Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56)
Source: K-to-12 Most Essential Learning Competencies, pahina 183

Mga Layunin: (Target Objectives)


A. Natutukoy ang kahulugan ng Pang-uri at Kaantasan Nito.
B. Nagagamit nang may kawastuhan ang Pang-uri batay sa kaantasan nito, at
C. Napahahalagahan ang wastong paggamit ng mga salitang paglalarawan.

Mga Pamamaraan/ Istratehiya: (Procedure/ Strategies)

Bago ang Talakayan (5 minuto)


 Rebyuw ng aralin na Uri ng Pang-abay
 Pagganyak o motivation sa pamamagitan ng panonood ng video at pagsagot ng mga mag-aaral sa pisara.

Habang Nagaganap ang Talakayan(20 minuto)


 Pag-awit ng “Pang-uri Song”. Aawitin ng lahat ang kahulugan ng Pang-uri.
 Tatalakayin ang Kaantasan ng Pang-uri sa pamamagitan ng board activity na tatawaging JIGSAW PUZZLE
 Mekaniks: Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na bubuo ng puzzle, sisimulan sa pinakaibaba. Habang dahan-dahan na
nabubuo ang puzzle ay tatalakayin ng guro ang paksa. Magsisimula ang pagbuo ng puzzle sa pinakaibaba patungo sa
pinakaitaas hanggang sa mabuo ito.
 Pagpapalawak ng Konsepto sa pamamagitang ng malayang talakayan.
 Integrasyon ng Aralin sa Ignacian Core at Related Values sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan

Gawain 1: JIGSAW PUZZLE


Panuto: Ayusin ang mga larawan na nakadikit sa pisara upang mabuo ang tatalakayin sa araw na ito.Magsimula sa ibaba
patungo sa itaas na bahagi ng puzzle.

Pagkatapos ng Talakayan (25 minuto)


 Papangkatin ang klase sa apat (4).
 Bibigyan ng 3 minuto ang mga mag-aaral upang tapusin ang nakaatas na gawain.
 Sa loob ng dalawang minuto (2) ay kailangan itanghal ito ng mga mag-aaral sa harap ng klase.
 Ang unang pangkat ay bibigyan ng puntos ang ikalawang pangkat. Ang Ikalawang pangkat ay bibigyan ng puntos ang
ikatlong pangkat. At ang pangatalo naman ay bibigyan ng puntos ang ikaapat na pangkat, at sa huli ang ikapaat na pangkat
ang magbibigay ng puntos sa unang pangkat. Susundin ng bawat pangkat ang pamantayan na ibibigay ng guro.
 Tatawag ang guro ng mga mag-aaral upang muling ibahagi sa klase ang natutuhan.
 May isang mag-aaral ang magbabahagi ng kahalagahan ng aral na napulot sa aralin.
 Sa loob ng isang minuto ay kailangan itabi ng mga mag-aaral ang mga gamit sa Filipino.
 Pagkatapos nang lahat ng gawain, ay mananalangin ang representante ng klase.

B. PAGPAPALAWAK NG KONSEPTO (Broadening of Concepts)

Connecting: Bakit kaya kailangan ninyong ilarawan ang isang tao, bagay, o lugar?

Exploring: Nakabubuti ba ang paglalarawan sa lahat ng pagkakataon?

Leading: Paano mo masasabi na wasto ang iyong paglalarawan sa isang tao, pook, bagay, at isang sitwasyon?

Essential: Bakit kailangang maging maingat sa paggamit ng mga pang-uri sa paglalarawan ng ibang tao?

C. INTEGRASYON (Integration)

c. 1. Ignacian Core/ Related values:


Core value: Excellence o pagiging Mahusay sa pagsasalita
Related value: Discipline o Disiplina sa sarili

c.2. Kamalayang Panlipunan: Diplomatikong Pakikipagkomunikasyon

Mag Tanong:
1. Ano ang inilalarawan o ipinapahiwatig ng mga litrato? (Sagot: Karahasan o Violence)

2. Ano ang dapat gawin upang maiwasan ito? (Sagot: Peace Talk o Diplomatikong Usapan)

(DIPLOMATIKONG USAPAN)

c.3. Pag-uugnay sa Ibang Disiplina: ARALING PANLIPUNAN AT CHRISTIAN LIVING


c.4. Kaisipang Biblikal:

Makapangyarihan ang mga salita, kaya dapat tayong maging maingat sa sinasabi natin at sa paraan ng pagsasabi nito. Sinasabi
ng Kawikaan 15:4: “Ang mahinahong dila ay punongkahoy ng buhay, pero ang mapandayang dila ay nagdudulot ng pighati.” Gaya
ng isang magandang puno na nakakaginhawa, ang mabait na salita ay nakakaginhawa rin. Pero ang masasakit na salita ay
nakakasugat ng damdamin at nakakasira ng loob.—Kawikaan 18:21.
III. PAGTATAYA (Assessment)

MELCs: Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56)
Source: K-to-12 Most Essential Learning Competencies, pahina 183

Gawain 1: Bumuo ng isang awit tungkol sa paglalarawan ng RELIHIYONG KATOLIKO bilang kulturang Asyano. Ang awit ay
binubuo lamang ng isa hanggang dalawang saknong (stanza). Lapatan ito ng tono ng kantan. Gumamit ng mga angkop na salita
sa paglalarawan. Sundin ang pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa ibaba.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos Nakalaang Puntos Nakuhang Puntos


1. Nakabubuo ng Awit na naglalarawan sa kultura ng mga Asyano 5 puntos
2. Naging Malikhain sa pagbuo ng Tula at kawili-wili ito sa tagapakainig. 5 puntos
3. Gumamit ng mga Angkop na salita sa Paglalarawan o Pang-uri (F9PS-IIIg-h-56) 5 puntos
4. Nasunod ang ibinigay na oras sa gawain. 5 puntos
Kabuuan 20 puntos

Gawain 2: Sumulat ng tula tungkol sa paglalarawan sa mga PAGKAIN bilang kultura ng kanlurang Asyano. Bumuo lamang ng
dalawang saknong (stanza). Ibabahagi ninyo ito sa pamamagitan ng sabayang pagbibigkas. Gumamit ng mga angkop na salita sa
paglalarawan. Sundin ang pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa ibaba.
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos Nakalaang Puntos Nakuhang Puntos
1. Nakabubuo ng Tula na naglalarawan sa kultura ang mga Asyano 5 puntos
2. Naging Malikhain sa pagbigkas ng Tula at kawili-wili ito sa tagapakinig. 5 puntos
3. Gumamit ng mga Angkop na salita sa Paglalarawan o Pang-uri (F9PS-IIIg-h-56) 5 puntos
4. Nasunod ang ibinigay na oras sa gawain. 5 puntos
Kabuuan 20 puntos

Gawain 3: Bumuo ng isang kuwento na binubuo lamang ng isang talata. Ilarawan ang mga KASUOTAN bilang kultura ng
kanlurang Asyano. Gumamit ng mga angkop na salita sa paglalarawan o Pang-uri. Sundin ang pamantayan sa pagbibigay ng
puntos sa ibaba.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos Nakalaang Puntos Nakuhang Puntos


1. Nakabubuo ng Kuwento na naglalarawan sa kultura ng mga Asyano 5 puntos
2. Naging Malikhain sa pagbuo ng Kuwento at kawili-wili ito sa tagapakinig. 5 puntos
3. Gumamit ng mga Angkop na salita sa Paglalarawan o Pang-uri (F9PS-IIIg-h-56) 5 puntos
4. Nasunod ang ibinigay na oras sa gawain. 5 puntos
Kabuuan 20 puntos

Gawain 4: Bumuo ng isang Balita tungkol sa paglalarawan sa mga KAUGALIAN ng mga OFW bilang kultura at bayani ng
Kanlurang Asyano. Gumamit ng mga angkop na salita sa paglalarawan o Pang-uri. Sundin ang pamantayan sa pagbibigay ng
puntos sa ibaba.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos Nakalaang Puntos Nakuhang Puntos


1. Nakabubuo ng maikling balita na naglalarawan sa kultura at/ o bayani ng mga 5 puntos
Asyano
2. Naging Malikhain sa pagbuo ng awit at kawili-wili ito sa tagapakainig. 5 puntos
3. Gumamit ng mga Angkop na salita sa Paglalarawan o Pang-uri (F9PS-IIIg-h-56) 5 puntos
4. Nasunod ang ibinigay na oras sa gawain. 5 puntos
Kabuuan 20 puntos

V. PAGLALAHAT (Generalization/ Summary/ Action)

1. Pagpapanood ng video. (230) Safeguard: Pabaon Sa Buhay (Protection for Life) - YouTube

Tanong:
1. Ano ang mga pang-uring salita na ginamit sa paglalarawan sa mga taong nakita sa video.
2. Kailangan ba nating baguhin nang tuluyan ang sarili para tanggapin ng lipunan? Bakit oo, bakit hindi?

VI. TAKDANG ARALIN (Assignment)

Panuto: Bumuo ng video tungkol sa paglalarawan ng isang bayani na nais mong handugan ng isang awitin, tula o maikling
kuwento. Gumamit ng iba’t ibang antas ng pang-uri sa paglalarawan sa bayani. Ipasa ito sa Lunes.

Inihanda ni: Iniwasto ni: Inaprubahan ni:


EUGENIO JR S. CLAMOSA, LPT BB. IVY M. CENTINO, LPT S.MA. IMELDA GRACE G. DAÑAS, RVM
Guro sa Filipino Koordineytor sa Filipino Punong-Guro
Petsa: ________ Petsa: __________

Iniwasto ni:

GNG. NARIZA A. MARASIGAN, LPT


Koordineytor sa Filipino
Petsa: ________

_____ Naisakatuparan Pagbabago/ Pagwawasto:


_____ Bahagyang Naisakatuparan
_____ Hindi Naisakatuparan

Dahil sa:
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

Petsa: Puna:
____________________________________________
_________________________________ ____________________________________________
____________________________________________
Lagda ng Gurong Tagamasid: ____________________________________________
____________________________________________
__________________________________

_____ Naisakatuparan Pagbabago/ Pagwawasto:


_____ Bahagyang Naisakatuparan
_____ Hindi Naisakatuparan

You might also like