Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panaginip

Kay gandang pagmasdan, iba’t ibang kulay ng ilaw ang aking natutunghayan. Musika na aking
napapakinggan, napapasabay sa indak ang aking katawan. Bawat araw ko ay tila ba may mahika, sarili
ko’y walang kaproble-problema. Buong maghapong nagsasaya kasama ang barkada, para bang walang
hangganan ang saya.

Napatigil ako sa pagindak nang may narinig akong kumalabog sa aking likuran kaya’t ako’y
napalingon. Nakita ko si inay na para bang gulat na gulat sa kaniyang natunghayan.

“Anak anong nangyayari sayo?” ani ni inay.

Napakunot ako ng noo, “ako lamang ay nagsasaya kasama ang barakada inay” sagot ko.

Ngunit ako’y nagulumihanan at nagtaka dahil paglingon ko muli, ako’y nasa aking kwarto
lamang. Ako’y nagising sa totoohanan at napatingin sa aking braso na puno ng tusok galing sa karayom
na siyang aking ginamit kagabi. Ah! Oo nga pala, lahat ng iyon ay panaginip lamang mula sa
pinagbabawal na gamot na siyang aking ginagamit upang lumisan sa kalungkutan.

You might also like