Teorya NG Pagbasa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

TEORYA NG PAGBASA

Isang gawain ng tao kung saan niya napoproseso ang wikang kanyang
ginagamit ay sa pagbabasa. Sa pamamagitan nito, nagiging kaalaman sa kanya ang
mga datos na nakatala o nakalimbag Subalit paano ito nagaganap? Ang kasagutan sa
katanungan ay ang pagtalakay sa teorya o mga teorya ng pagbasa.
Sa lathalain ng BBC News na inlere noong Setyembre 10, 2007 (mula sa
websayt na http://www.presstv.ir/detail.aspx?id= 22599&sectionid=3510210 na pinasok
noong Setyembre 12, 2011) ay binigyang linaw kung paano kumikilos ang mga mata ng
tao kung nagbabasa. Naunang paniniwala raw na kung nagbabasa, kapwa nakatuon
ang mga mata ng tao sa isang titik ng binabasa subalit pinabulaanan ito ni Propesor
Simon Liversedge. Sa kanyang aklat (e print) na Oxford Handbook of Eye Movements
(2011), hindi ganito ang laging nagaganap sa mata ng tao kung nagbabasa. Sa isang
eksperimento, napatunayan ni Prop. Liversedge na ang mga mata ng tao ay hindi
gumagalaw nang maayos at tumutuon sa iisang titik lamang kung nagbabasa, bagkus,
50% sa panahon ng pagbabasa, umaalon ang mga mata ng tao at tumutuon sa
dalawang magkaibang tink na may pagitang titik sa isang salita (uncross) Kung
minsan, naglalagpasan pa (cross) ang daloy ng ating mga mata sa mga titik na ating
binabasa. Gayunman, isang titik lamang ang ating nakikita sapagkat pinoproseso ito ng
ating utak upang mapalutang ang nakahihigit na larawan sa mga titik na ito.

GALAW NG MATA HABANG NAGBABASA

 Aligned
 Uncrossed
 Crossed

May tatlong pagtingin upang mabigyang paliwanag ang teorya ng pagbasa. Ang
mga ito ay ang pagtinging tradisyonal pagtinging kognitibo at pagtinging metakognitibo.
Sa ilalim ng pagtinging tradisyonal, tinalakay nila Dole at mga kasama (1991) na
ang mga nagsisimulang mambabasa ay nakatuon ang atensyon sa mga nakatalang
datos. Mula rito ang kuhulugang kanilang ibibigay sa teksto ang siyang magiging laman
ng kanilang pang-unawa. Binibigyang larawan ang mambabasa ang pagtinging ito
bilang tagatanggap ng kahulugang nasa teksto.Kinilala ni Nunan (1991) ang pagtinging
to bilang prosesong bottom-up, at ni McCarthy (1999) bilang prosesong outside-in.
Tinagurian din itong prosesong language based ni Black (1992).
Ang pagtinging kognitibo ay ang prosesong top-down naman ayon king Dublin
at Bycina (1991) o prosesong knowledge-based para kay Block (1992). Ito ay ganap
na kabaligtaran ng pagtinging tradisyonal. Sa pagtinging ito, binigyang kahulugan ni
Goodman (1967) sa psycholinguistic guessing game ang pagbasa.
Nangangahulugang bumubuo muna ang mambabasa ng kanyang kahulugan ng teksto.
Mula rito ay bubuo siya ng kanyang hinuha na maaaring mabago o mapayaman batay
sa mga kikilalanin niyang pananda mula sa teksto. Kabahagi ng pagtinging ito ang
teoryang iskema o iskemata ng pag-unawa. Ang iskema ng mambabasa ang kanyang
salalayan upang maging ganap ang kahulugang ibinigay niya sa tekstong babasahin.
Sa pagtinging metakognitibo, hindi kailangang pagtalunan kung teoryang
bottom-up o teoryang top-down ang sangkot sa pagbabasa (Block 1997). Malinaw na
inihayag sa pagtinging ito na ang binibigyang-diin ay ang gawaing isinasakatuparan ng
mambabasa habang nagbabasa Basahin ang talakay sa metakognitibo sa susunod na
tapter.
Sa pag-aaral naman nina Deshler at Hock (2007), ibinigay nila ang
pinakahasikong elemento ng pagbabasa Tinagurian nila itong adolescent reading model
ADOLESCENT READ MODEL

Word Recognition
 Phonological Awareness
 Decoding
 Sight Word Reading
 Fluency
Language Comprehension
 Background
 KnowledgeSyntax
 Vocabulary
 Text Structure
Executive Processes
 Cognitive Strategies
 Metacognitive Strategies
Reading Comprehension: integrating the reader's understanding of text with the
reader's prior knowledge and applying new knowledge to novel learning situations.

Makikita sa larawan ng Adolescent Reading Model na ang pagbabasa ay


naglalaman ng apat na elemento at bawat elemento ay may kanya-kanyang sangkap.
Taglay ng modelo ang elementong word recognition o pagkilala sa salita na
siyang pinakatalakay ng teoryang bottom-up. Taglay na sangkap ng elementong ito ang
kaalamang pamponolohiya (phonological awareness), pagkilala (decoding), pagbasa ng
mata sa mga salitang nakatala (sight word reading) at katatasan (fluency).
Sumunod na elemento ay ang language comprehension o pag-unawa sa
Sangkap ng elementong ito ang sanligang kabatiran (background knowledge),
palaugnayan (syntax), talasalitaan (vocabulary) at istrukturang panteksta (text
structures).
Ang elementong executive processes o mga prosesong tagapagpaganap ang
sumunod Bahagi ng elementong ito ang mga estratehiyang kognitibo

(cognitive strategies) at mga estratehiyang metakognitibo strategies) (metacognitive


strategies)
Ang mga elementong ito ang bubuo sa reading comprehension o pang unawa sa
pagbasa. Ang bahaging ito ang naglalaman ng pinagsama-saman kahulugang nabuo
ng mambabasa kaugnay ng kanyang naunang kaalaman a kaangkop ng bagong
kaalamang kanyang natutunan.
Ipinalagay nina Deshler at Hock na hindi lahat ng kabataan ay nagtataglay ng
kahusayan sa mga elementong binanggit nila sa modelo kaya kinailangang pahusayin
ang mga ito upang maging mahusay na mambabasa Binigyang-diin din sa modelong ito
na ang pang-unawa sa pagbasa ay nagmumula sa kahusayan sa batayang kaalaman
sa wikang gamit ng mambabasa.

Mga Uri at Anyo ng Teksto

May iba't ibang uri at anyo ang mga tekstong ating binabasa. Ang bawat isa ay
may kakanyahang dapat mabigyang pansin upang mabigyan ng sapat na
pagpapahalaga.

Tekstong Akademiko

Sa pagpasok ng isang indibidwal sa paaralan, pumasok siya sa lipunang


akademiko na may isang tun at pagpapahalaga na ipinapakita niya sa kanyang
pagsasalita, pagsusulat at pagkilos Ang mga nabuong teksto sa Ripunang ito, pasalita,
pasulat o pakilos man, ay maituturing na tekstong akademiko Ang katangian ng
tekstong akademiko ay hindi tiyak sapagkat nakabatay ito sa katanggapan ng mga
kasapi ng lipunang akademiko.

Tekstong Propesyonal o Pandalubhasaan

Ang tekstong propesyonal o pandalubhasaan ay nagsasaad ng talakay ukol sa


natatanging paksa at may kaugnayan sa propesyon ng manunulat. Karaniwan nang
naglalaman ito ng batayang teorya at mga datos bilang ebidensya ng talakay.
Nagbibigay rin ito ng mga bagong tuklas na datos na may kinalaman sa gawain ng
manunulat. Nangangailangan ito ng masusing pananaliksik at mahusay na pagpili ng
salitang gagamitin. Hindi sinasangkot ang sariling pagtingin ng manunulat sa tekstong
ito

Tekstong Literari

Ginagamit ng manunulat ang kanyang sariling karanasan damdamin, pananaw at


wika bilang batayan sa pagsulat at pagpapaunlad ng tekstong literari Malaya ang
paraan ng pagpapaunlad ng diwa sa tekstong ito Maaaring ang paksa ng ganitong uri
ng teksto ay hango sa katotohanan, maaari ring likhang isip lamang Walang dalawang
tekstong literari ang magkatulad kahit na isa ang manunulat a lisa ang paksang
tinalakay Ang kahulugan ng tekstong ito ay karaniwang nakabatay sa sariling
pagpapakahulugan ng mambabasa kaya't walang dalawang mambabasa ang may
ganap na pagkakatulad sa pag-unawa ng isang tekstong literari.

Ang maikling kwento, sanaysay, tula, nobela, palaisipan, bugtong ay mga


halimbawa ng tekstong literari

You might also like