Filipino SUM1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII – Central Visayas
Schools Division of CEBU PROVINCE
Lanao Elementary School
S.Y.: 2021-2022

Summative/ QUARTERLY test


FILIPINO 5- Quarter 4

Pangalan:________________________________________Baitang at Seksyon:_____________________Iskor:________

Panuto: Alamin kung ang nasa ibaba ay halimbawa ng pangungusap. Isulat sa patlangl ang P kung ito ay pangungusap at
H kung hindi.
________ 1. Masarap at masustansiya ang mga gulay.
________ 2. Ang halaman naming
________ 3. Ang pulubi ay nagnakaw ng pagkain.
________ 4. Kay gandang tingnan ng mga alagang halaman ni Inay.
________ 5. Naapakan niya ito

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng mga pangungusap ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang pasalaysay, patanong,
pautos, pakiusap o padamdam.

_________________ 6. Nawala ang pera ko!


_________________ 7. Ano ang ginagawa mo?
_________________ 8. Naghahanda na kami na lumipat sa bagong bahay.
_________________ 9. Pakilagay mo nga ito sa iyong bag.
_________________ 10. Nagluto kami ng suman kahapon.
_________________11. Bumisita sina Pedro at Petra sa amin.
_________________ 12. Saan ka pupunta?
_________________ 13. Ay, mali!
_________________ 14. Halika nga rito.
_________________ 15. Namasukan ba siyang tagapag- alaga ng bata?

Panuto: Tukuyin ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa bawat isyu. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.
.
16.Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at isinilid sa sako ngmagsasaka.
a.Itinapon ng magsasaka sa ilog ang mga palay.
b.Dinala ng magsasaka ang palay sa kanilang bahay.
c.Iniligpit ng magsasaka ang tuyong palay sa bodega.
d.Ipinamigay ng magsasaka ang mga tuyong palay sa mga kaibigan.
17.Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at pumalaot na ang mag-ama.
a.Ang mag-ama ay maliligo sa dagat.
b.Ang mag-ama ay manghuhuli ng isda.
c.Ang mag-ama ay mag-uusap sa bangka.
d.Ang mag-ama ay may hinintay na kaibigan
18.Mahigit tatlumpong mag-aaral sa ika-apat na grado ang sinanay ng kanilang gurosa Musika. Suot na nila ang magara
nilang uniporme at sila’y patungo na sa bayan.
a.Sasali sila ng paligsahan ng awit.
b.Pupunta sila sa bayan upang ipakita ang kanilang magarng uniporme.
c.Inimbitahan sila ng mayor sa bayan upang umawit sa plasa.
d.Wala sa lahat.
19.Nagluto ng mga kakanin ang nanay. Inimbitahan ang mga kapitbahay at lahat ng kalaro at kababata ni Cris.
a.Aawit sila sa bahay ni Cris.
b.Maglalaro sila sa bahay ni Cris.
c.Mag-uusap sila sa bahay ni Cris.
d.Mayroong mahalagang okasyon sa bahay ni Cris.
20.Nagising si Jun-jun na umiiyak at takot na takot. Humahangos siyang pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
a.Nakakita siya ng kapre.
b.Pinagalitan siya ng kanyang ina.
c.Masama ang kanyang panaginip.
d.Wala sa lahat na nabanggit.
21. Ano ang maaring gawin upang maiwasan ang pagtambak at pagbaho ng basura?
A. Itapon sa dagat ang mga basura.
B. Hayaang mabubulok ang mga basura kahit saan.
C. Pagsabihan ang mga tao na huwag magtapon ag mga basura.
D. Sa mga bahay pa lang ng mga residente, naka-segregate o hiwalay na ang mga basurang nabubulok at hindi
nabubulok.
22. Dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtapon ng basura, nagkaroon ng problema ang Pilipinas sa Solid Waste
Management.
A. Sunugin ang mga basura.
B. Hayaan na lamang ang problema ng Solid Waste Management.
C. Ipatupad sa mga kabahayan at pampublikong lugar ang waste segregation.
D.Isumbong sa Barangay Captain ang suliranin sa Solid Waste Management.
23. Marumi ang ibang kanal sa ating barangay, ano ang dapat gawin para hindi tayo maapektuhan tulad ng pagbaha dahil
sa pagbara at maraming nakatambak na basura?
A. Sirain ang kanal sa barangay.
B. Huwag makialam sa kalinisan ng barangay
C. Iasa sa mga Maintenance Workers sa DPWH
D. Dapat linisin ito magtulong-tulong ang mga tao sa barangay para hindi tayo maapektuhan tulad ng pagbaha
dahil sa pagbabara at maraming nakatambak na basura.
24. Napansin mo na maraming basura ang pakalat-kalat lamang at iba sa mga ito ay maari pang gamitin, ano ang dapat
mong gawin?
A. Iasa sa mga barangay workers ang paglilinis.
B. Huwag pansinin ang mga nakakalat na basura.
C. Hayaan ang mga kapitbahay na magtapon ng basura sa kanal.
D. Tumulong sa pagpulot ng mga basura at itapon sa tamang lalagyan,
25. Ano ang gagawin ng mga batang katulad mo kapag marumi ang ilog sa inyong pamayanan?
A. Maglagay ng mga isda sa ilog
B. Hayaan na lamang na marumi ang ilog.
C. Magkaroon ng parada ng mga bangka sa ilog.
D. Magpaskil ng mga karatulang nagbabawal magtapon ng basura sa ilog

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay pamagat ng teleserye o pelikula. Isulat sa patlang ang T kung teleserye at
P kung pelikula.
_______26. Ang Probinsyano _______29. Praybeyt Benjamin
_______27. Tanging Yaman _______30. The Meteor Garden
_______28. Darna

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng matalinghagang salita o pahayag na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

_________31. inaapoy ng lagnat A. hindi agad nagigising kahit nagkakaingay sa paligid


_________32. bagyo B. magkagalitan
_________33. parang mantika kung matulog C. bata; mabait
_________34. bigatin D. natuwa dahil sa papuring natanggap
_________35. sabunin E. maykaya sa buhay o sa kaalaman
_________36. pumalakpak ang tainga F. mataas na mataas ang lagnat
_________37. anghel G. napakahangin o hambog
_________38. naghihirap H. balat-sibuyas
_________39. sensitibo I. naningalang palad
_________40. nanliligaw J. isang kahig, isang tuka

___________________________
Parent’s/Guardian’s Signature

Keep Safe & GOD BLESS!


Ma’am Glexy

You might also like