Professional Documents
Culture Documents
Editorial (2) Ok
Editorial (2) Ok
Page 2
ayon sa kanyang estado sa
buhay. Ang mga pagganyak,
kasabay ang pagsisikap ng lahat ng
mag-aaral at mga guro na
magkakaroon ng mabuting
saloobin upang mabasa ang mga
kasanayan sa lahat ng aspeto sa
buhay at magamit ito sa mga
gawaing kapakipakinabang.
Dahil dito, ang Paaralang
Sentral ng Inopacan, sa tulong ng
ahensiya ng Department of
Education kasama na rin ang ibang
ahensiya ng DILG, PNP, Bureau
of Fire, LGU at Liga ng mga
Barangay Organization ng
Poblacion, Inopacan ay nagsama-
sama at nagkakaisa para sa
paglunsad at pagtaguyod ng
“OPLAN BALIK ESKWELA” na
ginawa noong May 15-20, 2018.
Ito ay isang buong linggong
paghahanda, pagpatupad at
pagtutulungan para sa
pagpapanatiling maayos ang
kagandahan, kalinisan, at
katiwasayan ng paaralan; at
paghihikayat sa mga kabataan na
pumasok sa paaralan.
Simple at payak na
preparasyon ang isinagawa, ngunit
ang kahalagahan, ang mga layunin
at mga saloobin sa programang ito
ay bukod tanging binigyang
pagpapahalaga. Napapaloob din
dito ang mga layuning
pangkagawian at pagiging isang
modelo sa paghahanda at
pagpapatnubay. Hinihikayat din
ang lahat na magtutulungan,
magkaisa at panatilihin din ang
kaayusan at kalinisan hindi lamang
sa paaralan kundi sa buong bayan
ng Inopacan. Hindi lamang sa
buong lingo, kundi sa araw-araw
na pamumuhay. Ang kalinisan ay
dapat nating panatilihin upang
malusog ang mga mamamayan at
umunlad ang ating bayan.