Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ang epekto ng sistema ng edukasyon sa pamumuhay ng kahirapan sa

Pilipinas

Mga Miyembro:

Santos, Patricia Marie D.

De Vera, Ralph Scymone N.

Jimenez, Esther C.
Abstrak:

Maraming pag tunggalian ukol sa pagpapalaganap ng K-12, dahil mayroon paring mga
mamamayan na hindi handa para rito, isa sa mga rason ay ang kakulangan sa buhay o lubog sa
kahirapan na nagreresulta sa maagang pamumuhay ng mga kabataan, na dapat ay sila’y nag
aaral para sa kanilang kinabukasan. Dahil nga sa kahirapan maraming napipilitan tumigil sa
pag-aaral at hindi nakapagtapos lalo na’t hindi kaya ng kanilang mga magulang gumastos
hanggang matapos sa kolehiyo.

I. PANIMULA

Ang kahirapan ay isa sa mga nangungunang isyung panlipunan ng ating bansa. Hindi
natin maiiwasan makakita ng taong lubog sa kahirapan o walang trabaho. Sa tinagal-tagal na
panahon umiikot ang isyu ukol dito, ang bilang ng populasyon ng mga taong nasa mababang
estado ng buhay ay patuloy lamang na umaangat.

Kung titignan ang mga posibleng sanhi ng walang-katapusang kahirapan ay maililista


natin ang mga iilan. Ang edukasyon ay maaaring mailista bilang mga nangungunang dahilan sa
problema na hinaharap bawat taon. Bukod sa hindi nakakakuha ng oportunidad na hindi
makapag-aral ay ang pagbabago sa sistema ng edukasyon. Ilang taon na nakalipas ng ipinatupad
ang K-12 program na kung saan nagkaroon ng dalawang taon na pagdagdag ng sekondaryang
edukasyon na kilala ngayon bilang Senior High School. Bago pa man ito naging laganap sa ating
bansa, may mga magulang na mula sa pamilya ng mahirap ang nagsasabi na ang pagdagdag ng
dalawang taon ay magiging isang malaking problema, sapagkat ito ay umiikot sa mga
karagdagang gastusin para sa pangangailangan ng kanilang anak.

Gayunpaman, malaki ang naging epekto ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa ating


bansa sa kadahilanan na ang Pilipinas ay nahuhuli sa kalidad ng edukasyon na tumutulong sa pag
abot ng mga pangarap ng karamihan. Ngunit, hindi ito naging magandang dulot sa pamumuhay
ng mga mahihirap.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay matuklasan ano ang mga posibleng puntos na
malilista sa ilalim ng pamumuhay sa kahirapan dahil sa pagbabago ng sistema ng edukasyon
ngayon ng Pilipinas at ano ang mga maaring maging paraan upang magkaroon ng pag-unlad sa
porsyento ng ating populasyon. Dito mahahalungkat ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa
usapang tinatalakay ng mga mananaliksik na nais mailahad ang mga datos na nakalap mula sa
nasabing panlipunang isyu.

II. PAHAYAG NG PROBLEMA

- Ano ang maaring maging dulot sa pagtupad ng K-12 sa mga batang nagsusumikap na
makapasok at makapag-aral sa paaralan?

- Bakit maaari o hindi maaaring maging sapat ang pag-aaral sa buhay ng kahirapan?
- Ano ang naging negatibong epekto ng pagtupad ng K-12 sa edukasyon?
- Kung karapatan ng isang Pilipino ang edukasyon, bakit mayroong mga bata na naghahanap
buhay imbes na mag-aral?

III. MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA

Ang programang K-12 ay ang karagdagang ika-11 at ika-12 na baitang na naglalayong


ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos makapagtapos ng hayskul, gusto man nilang magtrabaho
nang hindi nag-aaral sa kolehiyo, kailangan pa rin nilang maghanda para sa mundo ng mayroong
trabaho, o negosyo, o sa kolehiyo mismo. Ito ay nagpapalawak sa kaalaman ng bawat mga mag
aaral at upang mas maging mahusay sila sa ibang larangan at gawain. (Anonymous, 2017)

Para naman sa mga magulang, ito ay karagdagang gastos laman, ngunit dahil sa isang
ahensya ng DepEd (Department of Education) na nakatuon sa edukasyon sa karagdagang
dalawang taon, ito ay nakatutulong sa layunin ng programang ito dahil nakakatipid ito ng
karagdagang gastos. Isang voucher ng mag-aaral na ginagamit sa parehong pampubliko at
pribadong mag-aaral. Ang voucher na ito ay naglalayong suportahan at bawasan ang mga
pangangailangang pinansyal ng bawat estudyante sa pamamagitan ng pagbabawas ng martikula
nito. (Madayag, 2019)

Hindi maitatanggi ng ibang mamamayan na ang papalaganap ng K-12 ay malaki ang naitulog, sa
kadahilanang mabibigyan ang mga estudyente na mas nahahasa, at napapalawak, at napapalawak
ang kaisipan ng mga estudyante sa kanilang napili o natipuhang espesyalisasyon (o track sa
ingles e.g. STEM, ABM, ADT, HUMSS, GAS, atbp.). Ngunit hindi ganoon ang estado ng buhay
ng mga taong hindi o mayroong kakulangan sa buhay. Kaya’t maraming nag duda sa sistema ng
edukasyon sa Pilipinas, kung sila ba’y handa na sa mga ganitong panukala, handa ba ang
gobyerno sa mga responsibilidad na darating, at ang huli sa lahat, handa na ba ang mamamayang
Pilipino makipagsabayan sa ibang bansa. (Madayag, 2019)

Ngunit para naman sa mga estudyante, ang pagdagdag ng dalawang taon ng sekondaryang
edukasyon ay may positibo at negatibong epekto dahil sa panahon na ipinatupad ang
pagkakaroon ng K-12 ay biglaan. Sa katunayan, ayon ay (Dizon et. al, 2019) sinasabi na ang mga
mag-aaral ay naging masigasig sa naging introduksyon ng programa at umaasa na makakatulong
ito sa kanila sa pagdating ng panahon na sila ay patungo na sa daan ng kanilang pangarap.
Sinasabi rin dito na nakatulong ito sa pagpapaganda ng kanilang kasanayan at kakayahan sa
ibang aspekto ng buhay. Pero sa pagpasok ng K-12 ay ang pinaka problemang hinaharap ng
bansa ay ang epekto nito sa mga Pilipinong naghihirap at nagsusumikap para lang makapag-aral
ang kanilang mga anak. Ayon kay Mohammad (2016) sinasabi na ang K-12 program ay maaring
magbigay diin sa problemang pinansyal sa kadahilanan na dumagdag ang taon ng pagpapa-aral
sa kanilang mga anak. Ang pagpili ng mga estudyante sa kanilang career path ay nakabase
lamang sa kanilang karaniwang kinikita ng pamilya kada buwan.

Ayon kay Ferguson et. al (2007), karamihan sa mga estudyante na galing sa mahirap na
pamilya ay may mataas na posibilidad na hindi makapag-tapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng
buhay na kanilang dinadanas. Kadalasan na nangyari ito kapag ang estudyante ay nakatungtong
na ng sekondaryang edukasyon at pabigat ng pabigat ang mga kinakailangan upang maranasan
nila ang makapag-tapos. Sinsasabi rin ni Chang (2018) ang madalas na kadahilanan bakit hindi
naging epektibo ang makapag-tapos ng pag-aaral para sa isang malaking kinabukasan ay hindi pa
sapat ang suportang pinansyal na kanilang kinakailangan upang makapag simula muli sa
tersiaryong edukasyon. Kaya minsan ay pinipili na lamang na tumigil sa pag-aaral, o kaya naman
ay maghahanap ng mga trabahong makakatulong sa pagbabayad ng kanilang tuition.

Ayon din sa pag-aaral ni Radford (2013), kung ipagpatuloy man nila ang kanilang pag-aaral sa
kolehiyo ay mahahadlangan lang sila ng mga taong may kaya dahil patas lamang ang tingin kung
papansinin ang paraan ng pag-enroll sa unibersidad. Sa katunayan, nalalamangan pa sila ng mga
mayayaman kaya’t dumadating sa punto na magtrabaho na lamang kaysa na ipagpatuloy ang
kanilang pag-aaral. Ang mga estudyanteng kadalasan hindi nakaabot sa kolehiyo ay galing sa
isang pamilya na hindi rin nakapagtapos ng pag aaral.

Sa bansang ito, isa sa maraming karapatan ang karapatan sa edukasyon, pero dahil sa
kahirapan, mayroong hindi nakakakuha ng sapat na edukasyon para magkaroon ng magandang
trabaho o sapat na kita para sa kanilang pamilya. Ang pag-aaral ay malaki ang nailalaan na pera,
kaya naman mayroong mga kabataan na maagang nahanap nang trabaho para sa kanilang
magulang o pamilya, para mayroon silang pang araw-araw na kabuhayan. Gayunpaman, hindi
parin sila makahanap ng maayos na trabaho o mga trabaho sa malalaking kumpanya dahil sa
kakulangan o hindi sapat na edukasyon. (Kahirapan, 2018)

Bilang isang mamamayan na mayroong kakulangan sa buhay at edukasyon, lubos silang


nahihirapan at nagiging desparado para lamang mayroong silang kabuhayan, at mas pinipili
nilang mabuhay sa kalye at magnakaw, kaysa magtrabaho at humanap nang komportableng
tirahan, ngunit hindi nila ito magagawa dahil sila ay lubog sa kahirapan. Paminsan-minsan
naman ay ang mga batang kalye na nakatira sa mga bahay ampunan ay kadalasang mas
pinipiling tumira sa kalye dahil sa tingin nila ay mas ligtas sila kaysa sa mga ampunan.
(Kahirapan, 2019)

IV. PAGSUSURI NG MGA DATOS

Ang edukasyon ay malaki ang hinahawakan na importansya nito sa buhay dahil ito ang
tanging sanga na makakatulong sa atin na igabay tayo sa daan ng ating mga pangarap. Ngunit
hindi ito pare-pareho para sa ating lahat, lalo na sa mga taong mababa ang kanilang estado o
kinikita sa buhay. Sa pagkakaroon ng K-12 ay nabibigyan ng oportunidad ang mga estudyante na
maghanda lalo upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Sa kasamaang palad, hindi ito
masyadong nagbigay ng magandang benepisyo para sa mga mahihirap dahil na rin sa
problemang pinansyal. Sa pagdagdag ng dalawang taon ay mahihirapan ang mga pamilyang
nabibilang dito dahil sa bigat ng responsibilidad na hahawakan nila makapagtapos lang ang
kanilang anak sa pag aaral.

Dahil sa responsibilidad na pinanghahawakan nito, hindi lamang sapat ang pag-aaral para sa
kahirapan sa sitwasyon din na hinaharap at tinitiis sa araw-araw ng kanilang pamumuhay.
Minsan, ang pamilyang pinanggalingan ay hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral kaya doble rin
ang hirap ng dinaranas ng kanilang anak. Sa hindi pagtapos ng pag-aaral ay nauuwi sila sa
paghahanap ng sariling trabaho upang magkaroon ng pagkakitaan para sa pamilya, o minsan
naman, sa kasamaang palad, naiimpluwensya sila na gumawa ng mga bagay na hindi karapat-
dapat para lamang sa pangtustos ng kanilang pangangailangan.

V. KONKLUSYON (AT REKOMENDASYON)

Ang problemang panlipunan na ito ay maaaring magpatuloy pa rin sa mga susunod na


taon na lilipas, ito ay isang sitwasyon na mahirap takasan o lumisan maliban na lamang kung
mabibiyayaan ang isang pamilya ng grasya para sa kanilang magandang kinabukasan. Kung
minsan ay napagisipan pang magtrabaho bilang isang OFW ay hindi parin ito nararapat dahil na
rin sa gastusin na kailangan nilang tustusin kada buwan.

Ang pag-aaral ay mahalaga dahil dito tayo nakakakuha ng impormasyon na maaaring


magagamit natin sa susunod na tapak ng ating buhay, ngunit iba’t-iba ang alon ang dinadaan na
minsan ay nauuwi sa isang mahirap na trahedya. Ang konklusyon upang magkaroon ng gabay
ang mga mahihirap na nais makapag-tapos ng pag-aaral ay ang pagdami ng Street Educators, o
mga gurong handang magturo para sa mga batang hindi nakakapag-aral o malayo ang
patutunguhan papunta sa pinakamalapit na eskwelahan. Sa paraang ito, magkakaroon sila ng
gabay sa mga importanteng aspekto sa isang tao katulad ng pagbabasa, pagsusulat, pati na rin sa
pagkakaroon ng kasayanan sa paglutas ng mga problema.

Sa pagtungtong naman ng sekondaryang edukasyon ay mabigyan sana ang mga mahihirap ng


pangdagdag na suportang pinansyal mula sa lokal gobyerno – dito naman ay matutulungan ang
mga bata na matustos nila ang kanilang mga pangangailangan na magbebenepisyo sa kanilang
pag-aaral hanggang matapos nila ito. At para naman sa kolehiyo ay katumbas na rin sa
sekondaryang edukasyon ngunit bibigyan rin sila at ang mga magulang oportunidad na
makapagtrabaho katulad na lamang ng programang “TESDA”.

Ang pamumuhay bilang isang mahirap ay isang daan na mahirap malagpasan dahil na rin
sa bigat na dinadala nito at minsan ay nagiging hadlang sa isang kinabukasan na minsan na ring
pinangarap ng karamihan. Hindi natin masasabi kailan matatapos at magkakaroon ng unlad
patungkol sa isyu na ito, pero masasabi ko na minsan ang tanging paraan para matulungan sila ay
magsisimula mula sa mga may kaya. Huwag natin silang hayaang hindi mabigyan ng
oportunidad na maipakita ang kanilang kakayahan at dapat tayo ang magbibigay ng kamay
upang bumangon muli at tumayo bilang isang matagumpay na tao sa buhay.

VI. SANGGUNIAN

Lokal:
1. Anonymous. (2018, March 16). Kahirapan. Retrieved from
http://flracaza10.blogspot.com/2018/03/kahirapan.html

2. Anonymous. (2017, July 4). Ano Nga Ba Ang Dulot ng Programang K-12? Retrieved from
https://fairyqueenweb.wordpress.com/2017/07/04/ano-nga-ba-ang-dulot-ng-programang-k-12/

3. Lonto, J., et al. (2019, January 19). Dapat Ba o hindi dapat Sang-Ayunan Ang K-12
program?. Retrieved from https://baninablog.wordpress.com/2019/01/13/dapat-ba-o-hindi-dapat-
sang-ayunan-ang-k-12-program/

4. Dizon, R., et al. (2019, March 12) Perspectives on the Implementation of the K to 12 Program
in the Philippines: A Research Review. Retrieved from
https://www.ijires.org/administrator/components/com_jresearch/files/publications/
IJIRES_1638_FINAL.pdf

5. Mohammad, N. (2016, July 1) THE PERCEPTION OF THE PARENTS AND STUDENTS ON


THE IMPLEMENTATION OF K – 12 BASIC EDUCATION PROGRAM IN THE PHILIPPINES.
Retrieved from https://core.ac.uk/download/pdf/229218187.pdf

Banyaga

1. Pennington, J. (2020, September 7). Education, inequality, poverty – A paradox in the


Philippines: ASEAN Today. ASEAN Today | Daily commentaries covering ASEAN business,
fintech, economics, and politics. Retrieved from
https://www.aseantoday.com/2017/03/education-inequality-poverty-a-paradox-in-the-
philippines/

2. Chang, A. (2018, August 3). Why so many poor kids who get into college don't end up
enrolling.Vox. Retrieved from https://www.vox.com/2018/8/3/17639142/poor-kids-college-dont-
enroll
3. Radford, A. (2013, September 7.) ‘No point in applying.’: Why Poor students are missing at
Top College. Retrieved from https://www.theatlantic.com/education/archive/2013/09/no-point-
in-applying-why-poor-students-are-missing-at-top-colleges/279699/

You might also like