Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Pangasinan II
BATASAN NATIONAL HIGH SCHOOL

PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

Pangalan:________________________________ Baitang at Seksiyon:______________ Iskor:______

I.PAGLINANG NG TALASALITAAN:
Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salitang nasalungguhitan sa loob ng pangungusap. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Galit at panibugho ang naramdaman ni Adolfo kay Florante dahil nalipat sa kanya ang karangalan at
paghanga ng mga tao.
a. inis b. selos c. habag d. lungkot
2. Paimbabaw lamang ang ipinakitang kabaitan ni Adolfo sa kanyang kababayang si Florante.
a. pakunwari b. totoo c. mababaw d. taksil
3. Si Maestro Antenor ang nagbibigay ng kaaliwan sa tuwing si Florante ay nakararanas ng kalumbayan.
a. kahinaan b. kalungkutan c. dalamhati d. pag-iisa
4. Nabulagta si Florante sa pag-iwas niya sa taga ni Adolfo.
a. napailag b. nabalian c. napahiga d. napaigtad
5. Kinailangang magbata ni Florante sa lahat ng hamon sa kaniyang buhay.
a. matatag b. malakas c. magtrabaho d. magtiis

II.TAMA o MALI
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag, pagkatapos, isulat ang Tama o Mali sa bawat patlang.

_____________1. Kinupkop ni Maestro Antenor si Florante noong siya ay nag-aral sa Atenas.


_____________2. Si Adolfo ay matanda ng dalawang taon kay Florante.
_____________3. Naging mabuting kaibigan ni Florante si Konde Adolfo.
_____________4. Naging matalik na kaibigan ni Florante si Menandro.
_____________5. Nagkaroon ng galit at panibugho si Adolfo nang unti-unting malipat ang karangalan kay Florante
dahil sa husay at kabutihang-loob nito.
_____________6. Tunay at tapat si Adolfo sa pagpapakita ng kabaitan kay Florante.
_____________7. Namatay si Florante sa pagtaga sa kaniya ni Adolfo.
_____________8. Nailligtas ni Menandro ang kaniyang kaibigan mula sa tatlong beses na pagtaga ni Adolfo sa kanya.
_____________9. Natapos ni Florante ang pag-aaral sa Atenas at natamo ang tatlong karunungan sa loob ng tatlong
taon.
____________10. Isang hamon kay Florante ang pag-aaral sa Atenas.

III. Pagpapaliwanag: (5 PUNTOS)

Nagkaroon ng galit at panibugho si Adolfo nang malampasan siya ni Florante at maagaw sa kanya ang
karangalan. Nagawa niyang traydurin ang kaniyang kababayan. Kung ikaw si Adolfo , gagawin mo rin ba ang kaniyang
ginawa? Oo o Hindi? Bakit.

Inihanda ni:

Gng. MARITES S. DRIG


Republika ng Pilipinas
Kagawarang Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng Pangasinan II
BATASAN NATIONAL HIGH SCHOOL

PAGSUSULIT sa ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan:___________________________ Baitang at Seksiyon:_______________ Iskor:___________

I.TAMA o MALI:
Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama at M kung ito ay Mali. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_______1. Taong 1950 iginawad ang karapatang bumoto sa mga kababaihan sa India.    
_______2. Mahalaga ang pag-oorganisa ng kababaihan ng mga kilusan upang maisulong ang kanilang
interes at marinig ang kanilan boses.
_______3.Ang Mother’s Front ay mahalagang samahan na naitatag noong 1984 sa Sri Lanka bilang protesta
sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya na inaresto at ikinulong ng mga sundalo.
_______4. Isinilang ang kilusan ng mga kababaihan sa Bangladesh bunga ng kilusang nasyonalista.
_______5. Nanguna sa kampanya laban sa pang-aabuso sa kababaihan sa Jordan si Sarojini Naidu.
_______6. Binigyang-pansin ng All Indian Coordination Committee ang pagkakaroon ng hiwalay na
palikuran ng lalaki at babae.
_______7. Ang hindi makatwirang bilang ng oras sa pagtatrabaho ng kababaihan ay binigyang-pansin ng
Indian Factory Act 1891).
_______8. Ang SriLanka ay may malakas na kilusan ng kababaihan na nakatulong upang ipagtanggol ang
proseso ng demokrasya sa bansa.
_______9. Noong ika-19 siglo ang mga kababaihan sa India ay aktibo sa mga kilusang nagtataguyod ng
repormang panlipunan.
_______10. Itinatag ang LTTE noong 1976 upang maitatag ang isang malayang estado ng Tamil sa Sri Lanka.

II. Pagpapaliwanag (10)

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga kilusang pangkababaihan?


Republika ng Pilipinas
Kagawarang Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng Pangasinan II
BATASAN NATIONAL HIGH SCHOOL

PAGSUSULIT sa ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan____________________________________ Baitang at Seksyon________________ Iskor_________

I.MARAMIHANG PAGPILI
Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan, pagkatapos, bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Pinamunuan ni____________ ang Rebelyong Taiping upang labanan ang dinastiyang Qing na
pinamunuan ng mga dayuhang Manchu.  
a. Mutsuhito b. Hung Hsiu Ch’uan c. Sun-Yat-Sen d. Shi’h Huang Ti
2. Ang pangunahing layunin ng rebelyong ito ay patalsikin ang lahat ng mga dayuhang
nasa bansa nila.
a. Boxer b. Taiping c. Digmaang Opyo d. Open Door Policy
3. Ang Confucianismo at Buddhism ay ipinalit sa relihiyong _________________.
a. Islam b. Shintoismo c. Hinduismo d. Kristiyanismo
4. Ang Ikalawang Digmaang Opyo sa China ay naganap sa pagitan ng __________.
a. France at Great Britain c. Great Britain at Russia
b. France at Russia d. Spain at France
5. Ang pagmamahal sa bayan ay tinatawag na ___________.
a. Imperyalismo b. Nasyonalismo c. Kolonyalismo d. Sosyalismo
6. Siya ang tinaguriang “Ama ng republikang Tsino.”
a. Mutsuhito b. Hung Hsiu Ch’uan c. Sun-Yat-Sen d. Shi’h Huang Ti
7. Tawag sa bagong grupo ng maykaya at nakapag-aral.
a. Ilustrado b. Indiyo c. Principalia d. Dominiko
8. Ang pahayagan ng mga Propagandista
a. Abante b. La Solidaridad c. La Liga Filipina d. Liwayway
9. Pinamunuan ni ___________ ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892
a. Jose Rizal b. Diego Silang c. Marcelo Del Pilar d. Andres Bonifacio
10. Natamo ng Pilipinas ang kaniyang kalayaan mula sa mga Espanyol noong_________.
a. Hunyo 12, 1888 b. Hunyo 12, 1896 c. Hunyo 12, 1898 d. Hunyo 12, 1908

II. Pagpapaliwanag: (5 puntos bawat isa)


Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Bakit umusbong ang damdaming nasyonalismo sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang


Asya?

2. Paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga at pagmamahal sa bayan?

Inihanda ni:

Gng. MARITES S. DRIG


Guro III
Republika ng Pilipinas
Kagawarang Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng Pangasinan II
BATASAN NATIONAL HIGH SCHOOL

PAGSUSULIT sa FILIPINO 10

Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksyon:________________ Iskor:______

I. Suriin ang kahulugan ng mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. ”Sapagkat pinili ninyo ang isang paraan na hindi niya masasang-ayunan!” Ang matigas na sagot ng pari nang
tanungin siya ni Simoun kung bakit siya pinabayaan ng Diyos.
a. Kinokonsensiya ng pari si simoun sa kanyang mga kasalanan dahil hindi siya nito tinulungan.
b. Tinutulungan ng Diyos ang taong may matuwid na paraan upang matanggap ang inaasahang sagot.
2. Hindi kinakailangang matamo ang kalayaan sa pamamagitan ng sandata. Ang espada ay di na gaanong
kasangkapan sa mga bagong kabuhayan,’ ang paliwanag ng pari.
a. Ang kalayaan ay makakamit hindi sa madugong paraan.
b. Ang madugong paraan ay nakasisira ng ari-arian at kayamanan.
3. “Ano ang halaga ng pagsasarili kung ang mga alipin ngayon ay siyang magiging maniniil bukas?” Ang tanong muli
ni Simoun.
a. Ang nakaranas maging alipin, matututo ring mang-alipin kaya wala ring saysay kung maging Malaya.
b. Ang madugong paraan ay nakasisira ng ari-arian at kayamanan.
4. “…samantalang an gating bayan ay hindi pa nakahanda, samantalang ito”y tumutungo sa labanan ng nadadaya o
naitataboy na walang tiyak na kaalaman sa gagawin, mabibigo ang lalong matalinong pagtatangka.”
a. Hindi magtatagumpay ang mamamayang walang sapat na kaalaman at kakayahan sa anumang labanan.
b. Ang matatalino ay nabibigo sa paglulunsad nglaban sa mga mandaraya.
5. Itago ka nawa ng kalikasan sa kalalim-laliman ng dagat, na kasama ng mga korales at mga perlas sa walang
katapusang dagat. Kung sa isang banal at dakilang layunin ay kakailanganin ka ng tao, matututuhan kang kunin ng
DIyos sa sinapupunan ng mga alon. Samantala, diyan ay hindi ka na maghahasik ng kasamaan, hindi mo ililiko ang
katwiran, at hindi ka mag-uudyok ng kasakiman,” ang wika ni Padre Florentino nang ihagis sa dagat ang maleta ng
kayaman ni Simoun.
a. Ang kayamanan ni Simoun ay maghahasik ng kasamaan at magtuturo na naman ng likong-daan kapag
natagpuan sa dagat.
b. Ang kayamanan ni Simoun ay nararapat mapunta sa may mabuting kalooban at tamang paraan sa paggamit
nito kung matatagpuan sa dagat.

II. Isulat ang pangalan ng tauhang tinutukoy sa bawat bilang.


_______________1. Siya ang iginagalang na lingcod ng Diyos na nagsalaysay tungkol sa pagkasawi sa pag-
ibig ni Donya Geronima.
_______________2. Siya ang laging nag-aabang ng kahit anong paksa sa maaari niyang ilathala at nagtanong
kung saan sa lawa napatay si Ibarra,
_______________3. Siya ang nagkuwento tungkol sa milagro ni San Nicolas na tumulong sa isang Tsinong di-
binyagan upang di malapa ng buwaya na nagging buto.
_______________4. Siya ang prayleng may magaspang na ugali at dumaing tungkol sa pumapasok na pera sa
kanyang kumbento kapag may binyag at iba pang ritwal ng Katoliko.
_______________5. Siya ang batikang mariner na nagsalaysay tungkol sa malapad na Batumbuhay
Na pinagkutaan ng mga tulisan kaya lumisan ang mga espiritu.

B. Tukuyin ang mga tauhan base sa kanilang pahayag.


1. “ Tinitiyak ko sa inyo na hindi maisasagawa ang pagtatatag ng akademya para sa pagtuturo ng wikang
Kastila.”
2. “Kung ang kabataan natin ay hindi matututo ng Latin ay hayaan nating matuto ng Kastila.”
3. “Ang katunayan po ay hinihintay na namin ang ng mga pahintulot sa isa sa mga araw na ito.”
4. “Kumusta ang buhay ninyo sa lalawigan? Balita ko”y napakahirap daw ng mga tao roo. Halos ang pagkukura
doon ay nasa kamay ng mga paring Indiyo.
5. “ Aywan ko ba. Napag-iinit ako ng taong iyon. Kinatatakutan ko siya.

You might also like