Topik Listening

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang

Filipino (Konteksto ng K-12)

Galileo S. Zafra

ABSTRAK

Naglalahad sa papel ng isang dulog sa pagtuturo ng wika na lumilihis na nakagawiang pagtuturo


na may diin sa gramatika at komunikasyon. Ang ipinapanukalang dulog ay nagpapatingkad sa
ugnayan ng wika at kulturang Filipino. May iba’t ibang aspekto ang ugnayang ito ngunit
itinatampok ang pagtingin sa wika bilang “daluyan” o “sisidlan” ng kultura. Gayumpaman, hindi
humihinto ang pananaw na ito sa enumerasyon lamang ng mga tao, lugar, bagay, pangyayari,
konsepto, at iba pang sagisag-kulturang Filipino, at sa halip, laging iginigiit na ang kultura ay
dinamiko, kolektibo, at may ginagalawang konteksto. Naglatag din ng isang kongkretong modelo,
at halimbawang aplikasyon, sa pagsusuri ng mga cultural domain o pangkulturang larang na
nakatuon sa wika. Sa huling bahagi ng papel ay iminungkahi kung paano puwedeng ituro sa
konteksto ng K-12 ang wika at kultura na nakabalangkas ayon sa wika ng paglalarawan, wika ng
pagbuo ng kahulugan, wika ng pagtugon, at wika ng paglahok.

Mga Susing Salita: edukasyong pangwika, edukasyong pangkultura, wika at kultura, wika at
lipunan, disiplinang Filipino

You might also like