Sanaysay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Diborsyo

Diborsiyo, hindi maikakailang karamihan ay tutol dito sapagkat ang isang kasal ay banal at sagrado, na
pawang totoo. Ngunit, nasaan naman ang kabanalan at kasagraduhan doon kung iiwan mo ang biktima
sa isang mapang-abusong pagsasama na walang ibang pagpipilian upang makalaya mula rito? Katwiran
ng karamihan na ayaw sa diborsyo ay hindi mo kuno tinupad ang pangako mo sa Diyos o sa asawa mo,
ngunit paano naman iyong mga asawa ay manloloko at mapang-abuso? Hanggang tiis-tiis na lang ba?

Ang diborsyo ay ang hindi-hinding maipasang batas. Sa katunayan, dalawang bansa na lamang sa buong
mundo ang walang diborsyo, ang Vatican at ang Pilipinas. Ayon sa survey, halos walumpo’t limang
porsyento ang hindi sumang-ayon sa diborsiyo. At bakit? Dahil mas mahalaga para sakanila ang
kasagraduhan ng isang kasal kesa sa proteksyon ng isang tao, dahil palaging tungkol sa kung paano ito
sumasalungat sa utos ng Simbahang Katolika at relihiyon ngunit hindi kailanman naging tungkol sa kung
paano nito maililigtas ang isang tao, ang isang pamilya. Talaga bang iaasa na lang natin ang ating mga
desisyon patungkol sa buhay-kasal sa mga taong nangako at sumumpa na hindi magpakasal? Sa
simbahan at sa mga taong narito na lang ba natin iaasa ang pagsasabatas ng diborsyo at ang kapalaran
ng iba? Sapat na dahilan na ang pang-aabusong pisikal at mental upang maisapabatas ito, idagdag mo
pa ang panloloko o pangangalunya. Ngunit, mariin pa rin ang pag pagtutol ng Simbahang Katolika na
maisabatas ang dibosyo dahil sisirain lamang umano nito ang institusyon ng pamilya. Ngunit nasira na
ang institusyon ng isang pamilya noong sandaling naganap ang pang-aabuso at pangangalunya. Anong
institusyon pa ang sisirain nito kung matagal naman nang sira? Hindi rin umano makabubuti sa mga bata
ang isang broken family, hindi magandang magkaroon ng broken family ngunit hindi hamak na mas
mabuti ito kaysa sa magtiis sa isang toxic na pamamahay at patuloy na masaksihan ang dahilan kung
bakit kailangan nilang maghiwalay. Nakakatawa ngang isipin na hindi legal ang diborsyo ngunit ayos lang
at kung minsan ay makikita mo na may kinakasama ng iba ang isa sa kanila o kadalasan, ay parehas sila.

Ang kasal ay ang isa sa mga pangunahing karapatan o basic rights, kaya ganon din dapat ang diborsyo.
Dapat na maisabatas ito upang kahit papaano ay magkaroon ng kalayaan na pumili at magmahal muli
ang mga taong nabigo sa kanilang unang kasal o kahit man lang makalaya mula sa pang aabuso.
Ipagkakait ba natin ito sa kanila? “Until death do us part” ang pangako ng kasal. Pero paano nga ba kung
ang kasal mo ang papatay sa’yo? At aminin man natin o hindi, maraming tao ang hindi na kayang maging
mag-asawa ngunit kayang-kaya nilang maging magulang.

Salmorin, Irish Dannelle

11- Celerio

You might also like