May Nangyari Sa Villa Lois

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

May

Hindi matandaan ng mga kasamahan niya kung ano’ng eksaktong oras, pero mga alas-otso
o alas-nuwebe raw ng gabi ng Hulyo 25 iyon. Tumawag si Malou, residente ng Villa Lois
housing project sa Pandi, Bulacan at isa sa mga lokal na lider ng Kalipunan ng Damayang
Mahihirap (Kadamay) doon, sa mga kapwa niya lider.

“Pumunta si sir Espiritu. May dalang listing,” sabi umano ni Malou sa kanyang mga
kasamahan sa Kadamay-Pandi. Tatlong pangalan daw ang nandoon: Eduardo, Arlene at

Nangyari
Rosalita/Rose (itinago na namin ang apelyido nila). Gusto raw kausapin ng mga pulis.

Ang kuwento ni Malou, sinagot niya si sir Espiritu. “Kayo na lang, sir. Tutal, may address
naman kayo (nila),” aniya. “Di po ako nagpapamiting ng gabi.”

Isa sa mga nabahala si Rosalita “Rose” Fortaleza. Maralitang dating walang bahay na
sumama sa pag-okupa ng Kadamay sa tiwangwang na mga pabahay sa Pandi, isa sa mga

sa Villa
lider ngayon ng grupo si Rose. Mataas ang presyon niya. Hindi niya alam kung ano ang
pakay sa kanya ng mga pulis.

Bago mag-alas-diyes, kuwento ng kanyang anak na si Roc-roc (22, palayaw lang),


dumating ang mga pulis sa kanilang bahay. “Tao po,” sabi raw ng mga ito.

Naggugupit daw ng mga lumang print issues ng Pinoy Weekly si Rose. Kadalasang para sa

Lois
maralita, kapag luma na ang diyaryo o magasin, kalakal na ito. Proyektong livelihood daw
nila Rose ang gumawa ng mga handicraft tulad ng basket gawa sa papel. Dahil may
natirang lumang mga isyu ng magasin, naisip ni Rose na gawin na lang itong handicraft.

_________________________________________________________________________________
__________________

“Hindi na namin alam ano nangyari pagdating ng pulis kina Rose,” kuwento sa Pinoy
Weekly ni Lea Maralit, isa rin sa mga lider ng Kadamay doon. Madaling araw, mga alas-
singko raw ng umaga, nabalitaan na lang niya sa text na kinuha raw ng pulis si Rose.

“May isang jeep na dumating noong gabi. Sakay, mga manggagawa. Galing Navotas, o
Novaliches, di ko matandaan. Papauwi sa Villa Lois. Hinarang ng pulis, at gustong
Isinulat ni: pabalikin sa pinanggalingan,” ani Lea. Naggiit ang mga manggagawa, pati ang mga asawa
nila, na residente sila ng lugar. Pinayagan din daw ng mga pulis na bumaba sa jeep. Pero
Kenneth Roland A. Guda pinabalik ang jeep sa pinanggalingan.
“Iyung ilan sa mga nasa jeep, nagkuwento sa amin. Nakita nila si Rose sa health center ng
barangay. Kasama ang pulis. Tumaas kasi ang presyon,” aniya pa. Pagkatapos noon, ang
palagay na lang nila, dinala na sa estasyon ng pulis sa Pandi si Rose, pati ang anak na si
July 28, 2020 Roc-roc.

1|Page
Agad na kinontak ni Lea ang mga kapwa lider ng Kadamay sa Pandi. Magtipon daw sila sa Sabi pa ni Lea, tila nag-iiba na ang tono ng pananalita ni hepe. Nauubusan na ng pasensiya.
opisina sa Villa Lois. “Balak sana naming sundan kung nasaan si Rose,” kuwento niya. “Sige, bahala kayo kapag hindi ninyo iyan sinurrender,” sabi umano ni Alejandrino.
Pero noong umaga ring iyon, may nakapagsabi na sa kanya na may dumating na mga pulis Tinalikuran na raw sila ng hepe.
sa kanilang opisina.
Natigilan daw siya rito. Nagtinginan silang mga lider. Nandoon na rin si Roc-roc. “Mukha
“Model house” ng housing project na Villa Lois ang ginawang opisina ng Kadamay noong ng takot na si Roc-roc,” ani Lea. Naisip na niya: kawawa ang bata, nag-aalala sa nanay
nag-okupa sila rito, taong 2017. Sa harap noon, dumating ang mga pulis. “Sa tanda ko, niya. Naisip na niya na kung nagawa nga ang pag-aresto kay Rose nang walang kaso at
tatlong sasakyan ng pulis ang dumating,” sabi ni Selene, miyembro ng Kadamay at walang mandamyento de aresto, baka gawin din sa kanila ito kapag nagmatigas sila.
paralegal volunteer sa lugar. “Mga walong pulis sila.”
“Kung gusto po ninyong kunin, kunin ninyo. Pero hindi namin iyan isusurrender,” sabi
Pinangungunahan ang mga pulis ni PCpt. Jun Alejandrino, hepe ng Pandi Police Station. umano ni Lea kay Alejandrino. “Kayo po bahala na kumuha.” Saka kinuha na ng mga
Sinalubong na siya ng mga lider ng Kadamay doon: sina Malou, Lea, Beth at Selene. tauhan ni Alejandrino ang mga magasin. Nakabalot pa ang marami rito, hindi pa
nabubuksan. Iba-ibang isyu: mga nagdaang isyu ang karamihan.
“Sabi nila, gusto raw nilang kunin ang mga polyeto,” ani Lea. Pinatutungkulan ang mga
kopya ng Pinoy Weekly, na nasa opisina ng Kadamay-Pandi. HIndi na maalala ni Lea kung Nagsulat umano si Alejandrino sa yellow pad. Ang sabi rito, boluntaryo raw nilang
ilang bundles ang nasa opisina nila. Pero batay sa mga larawan na kinuha nila, di-bababa sa isinusuko ang mga magasin, o, ayon dito’y “large number of subversive documents” sa
siyam na bundles ng Pinoy Weekly ang nandoon. Limandaang kopya ang isang bundle Pandi Municipal Police Station, alas-12:06 ng hapon sa “model house” ng Villa Lois.
nito. Pirmado nina Lea, at ni Alejandrino, siyempre.

Siyempre, kuwento pa ni Lea, tumanggi silang ibigay ito. “Hindi po namin ibibigay iyan. _________________________________________________________________________________
Pag-aari po iyan ng Pinoy Weekly,” sabi niya. (Bilang bulk subscribers ng Pinoy Weekly, __________________
pag-aari na talaga ng komunidad ang ibinigay na mga kopyang ito ng magasin.) “Di namin
iyan isu-surrender.” Sa isang pahayag, sinabi ni Central Luzon regional police director Brig. Gen. Rhodel
Sermonia na boluntaryo nga raw na isinuko nina Lea, kasama ang iba pang miyembro ng
_________________________________________________________________________________ Kadamay, ang libu-libong kopya ng magasin.
__________________
“PBGen. Sermonia also said Maralit revealed to authorities about her fear that the
Habang kausap ng apat si Alejandrino, dumarami na umano ang lumalapit na tao. May mga subversive documents might be used during the SONA (State of the Nation Address) of
sumasabat na sa usapan: “Gagawin naming pang-livelihood iyan,” sabi raw ng isa, President Rodrigo R Duterte,” ayon sa pahayag ng PRO-3 Public Information Office.
tinutukoy ang ginagawa nga ni Rose na paggawa ng papel na basket mula sa ginupit-gupit
na lumang magasin. Sa mga interbyu ng midya kay Alejandrino, sinabi umano niyang may hinuli silang mag-
inang lumalabag daw sa health protocols (sina Rose ito at Roc-roc). May hawak na mga
“Nangbe-brainwash iyan,” sabi umano ni Alejandrino (kuwento ni Lea), sabay-turo sa kopya ng magasin ang dalawa. Itinuro ng mga ito ang opisina ng Kadamay, at saka dun
magasin. “Isurrender n’yo na at baka may mangyari.” nakausap sina Lea. Sina Lea naman daw, boluntaryong isinuko ang mga magasin dahil
Pero naggiit sina Lea. Hindi talaga raw nila maaaring ibigay ang mga magasin. Kung anu- natatakot na magamit ang mga ito sa mga protesta sa SONA.
anong dahilan na ang binigay nila: pangkabuhayan ito, hindi kanila ito, kailangan pa raw
nila ikonsulta sa Kadamay-National ang pag-surrender sa mga magasin. “Hindi po kami Pero sa mga larawan at bidyong nakuhanan ng mga residente at miyembro ng Kadamay,
(silang apat) makakapagdesisyon kasi organisasyon kami,” sabi raw ni Lea sa hepe. makikitang nakipagtalo nga sina Lea sa mga pulis. Makikitang ang isa sa mga pulis, hindi
maayos na nakasuot ng face mask — ang mismong paglabag ng health protocols na
Pero ramdam niya, umiinit na ang ulo ni Alejandrino. “Tinatago n’yo yang mga polyeto,” inaakusa ng mga pulis kina Rose.
sabi raw ng hepe. “Maayos naman akong nakikipag-usap. Papalitan namin (ng ibang
babasahin), huwag lang iyan (Pinoy Weekly).” Itinatanggi nina Lea na “sinurrender” nila ang mga magasin. “May banta na talaga sa
amin,” sabi niya, sa panayam ng Pinoy Weekly. Ganoon din ang kuwento ng iba pang

2|Page
saksi. Hinuli ng mga pulis si Rose noong gabi. Hindi malayong damputin at ikulong din
sila. “Nasa isip ko, kung hindi namin isusurrender ang mga Pinoy Weekly, baka kami ang Pati raw ang isang kinatawan ng Department of Social Welfare and Development,
ipalabas na surrenderee?” ani Lea. Marami na kasing residente ng mga okupadong pabahay kumausap din sa kanya. Pero dahil balisa na sila mula sa nakaraang insidente, nagdagdag
ang puwersahang “pinasusuko” ng PNP at mga militar: Pinalalabas na “surrenderee” ng lang ito sa pag-aalalang iniisip na nila.
rebeldeng New People’s Army.
Noong araw ding iyon, tumawag raw kay Lea si Alejandrino. “Samahan ko raw sila sa
May hayagang banta na rin: Kung hindi nila isusuko ang mga magasin, “may mangyayari”. Region 3 (Police Regional Office 3, sa Pampanga),” kuwento niya. “HIndi po ako sasama,”
sabi niya sa hepe. Kung hindi nga siya makakapunta sa protesta sa SONA, lalo pang hindi
Samantala, matapos pumutok sa social media at sa balita ng iba’t ibang media outfits ang siya makakasama sa mga pulis. Noong araw na iyon, nagsagawa ng press conference ang
balita ng insidente, nagkomento na rin ang mismong hepe ng Philippine National Police, si PRO-3 kaugnay ng insidente. Ang hula na lang ni Lea, pagsasalitain siya dun ng mga pulis.
Hen. Archie Gamboa. Aniya, kung may mga paglabag nga ang mga pulis, pormal sanang Pinanindigan niyang hindi siya makakasama.
ireklamo ito ng Pinoy Weekly at/o mga miyembro ng Kadamay.
“Sa totoo lang, hindi talaga maganda ang nangyayari dito sa lugar namin. Hindi
_________________________________________________________________________________ maiiwasang matakot. Pero magpapatuloy pa rin kami,” pagtatapos ni Lea.
__________________
(Ipinakiusap ng ilan sa mga nakapanayam na mga residente at lider ng Kadamay sa Pandi
Ibinalita ng iba’t ibang midya ang insidente, at sinipi ang opisyal na pahayag ng Pinoy at Villa Lois na huwag nang ilathala ang kanilang buong ngalan para sa kanilang
Weekly na “labag sa karapatan sa pamamahayag” ang nagawang “raid” sa opisina ng seguridad.)
Kadamay sa Villa Lois. Pati si Justice Sec. Menardo Guevarra, tinanong ng midya, kung
legal pa ang pagkuha ng mga pulis ng mga magasin.

“Kung ang mga nilalaman (ng magasin) ay naghihikayat sa mga mamamayan na mag-
armas laban sa nararapat-sa-konstitusyon (duly constituted) na mga awtoridad, maaaring
kunin ng mga pulis ang mga materyales bilang bahagi ng pag-uusig para sa krimen na
inciting to sedition. Pero kung hindi naman, kung nagpapahayag lang ito ng posisyon
hinggil sa mga isyung pampubliko, tulad ng tinding laban sa ATA (Anti-Terrorism Act),
nakasulat man sa plakard o mga istrimer, maituturing itong naayonsa-batas na pag-
eehersisyo ng kalayaan sa pamamahayag o pagpapahayag na pinoprotektahan ng Saligang
Batas,” sabi ni Guevarra (isinalin ng Pinoy Weekly mula sa wikang Ingles).

Para sa Pinoy Weekly, walang artikulo o nilalaman sa naturang magasin na maituturing na


paghihikayat sa mga mamamayan na armadong mag-aklas. Nilalaman ng mga pahina
nito’y iba’t ibang impormasyon, analisis, opinyon o istorya na nakaayon sa mga istandard
ng pamamahayag.

_________________________________________________________________________________
__________________

Samantala, plano pa rin sana nina Lea na lumahok sa protesta sa Unibersidad ng Pilipinas-
Diliman sa Quezon City, kaalinsabay sa SONA ni Pangulong Duterte noong umaga ng
Hulyo 27. Pero noong umagang iyon, naging abala na siya sa maraming bagay. “KInausap
ako ng 7th Infantry Battalion (ng Philippine Army),” ani Lea. Mga alas-otso pasado raw
iyun. “Inaalam daw nila yung mga pangyayari.”

3|Page

You might also like