Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“Bakit ka nga nag-Education?

” tanong ni Hope habang kumakain ng chicharon sa


harapan ko.

“Gusto ko kasing ako naman ang habulin Hope”, sabi ko, pagkatapos ay umalis sa
inuupuan dahil tapos naman ako sa aking ginagawa na takdang-aralin.

“Parang tangang kausap naman nito” sabi niya matapos ring tumayo at sumama sa
akin.

Ang totoo diko talaga alam kung anong gusto ko, kumuha lang ako ng Education
dahil sa paaralang aking pinapasukan kasi dito ay libre na lahat, makapasa kalang sa
kanilang entrance exam ay okay na, yun nga lang dapat e maintain mo ang iyong
grado na hindi dapat baba sa dos at isa pa hindi ito masyadong malayo sa amin. Higit
sa lahat, dito ako nag-aral dahil hindi naman ako ipinanganak na may gintong kutsara,
yung plastic lang na kutsara afford ng pamilya ko at hindi naman ako gaano katalino
para makakuha ng scholarship kaya pinag-igihan ko talaga ng mabuti na makapasok
sa paaralang ito at sa awa naman nakapasa rin. Ganda lang kasi ang meron ako hindi
na ibinigay ni Lord ang utak kasi subra naraw at baka maging perpekto akong tao.

“Hoy nakikinig ka ba?” sabi niya sabay hampas sa likuran ko.

“Ano ba kasi sinasabi mo?! Makahampas ka ha, kala mo ikaw nagpapakain”


Sabay liko dahil plano kung pumunta ng library at magpalamig. Isa pa alam ko
namang susunod ito sakin dahil buntot ko to ey. Kung nasaan ko nandun siya, kulang
nalang magpalit nakami ng mukha dahil parati kaming magkasama.

Nang makapasok na kami sa library ay agad kaming pumwesto sa pinakadulo at doon


umupo kaharap ang kasamang kung si Hope. Na ngayon ay todo pindot sa kanyang
cellphone na may pahagikgik pang kasama kala mo parang asong ulol na nawala sa
katinuan.

“ So ito na nga, sabi ko kanina. Samahan mo ko pumunta sa USC, may e memeet ako
ron”

“Ang layo! Wala akong pera pamasahe”.

“Libre kuna pamasahe at snack mo. Basta samahan mo ko ha!”

“Hala! Sorry!” sabi ko ng mabunggo ko ang isang lalaki. At natapunan ko siya sa


kinakain kung kwek-kwek.

“Pasensya na talaga kuya, hindi ko sinasadya” sabay abot ko ng panyo sa kanya.

“Nah, it’s okay miss. You don’t have to worry”at dali-dali siyang umalis dala ang
nag-iisang panyo na ibinurda ni inay namay pangalan nakin.

“Okay kalang H?” tanong ni Hope na may pag-aalala.

“Okay lang, pero yung panyo ko ey. Gawa yun ni inay”.


Naiiyak nalang ako habang naiisip yung panyo kung dala-dala ni kuya. Ang yaman-
yaman niya tas walang dalang panyo.

“Nasan naba kasi yung kikitain mo Hope? Ba’t ang tagal dumating.” Naiirita nako
dahil madaming tumitingin samin at kung makapanghusga mga mata nila akala mo
kung sisino. Pareha lang naman kaming tao.

“Nandito na siya!” pagkatapos ay kinurot ang tagiliran ko.


“ Nasaan siya?”
“Yung naka white!”
“Ang daming naka puti Hope! Tanga ka ba?!”
“ Yung may dalang black na bag!”
“Susuntukin na kita, makikita mo! Ang daming nakadala ng bag na black ohh!”
kakagigil ang babae nato maglalarawan na nga lang ng isang tao e sa yung marami
pang pagpipilian.

“Ayun siya oh!yung kumakaway”

Nakita ko ang grupo ng mga naglalakihan na papunta rito sa amin. Mga nasa 9 ata sila
katao, mukhang galing sila practice dahil nakasout pa sila ng jersey short.

Pasimple kung tiningnan ang 4 na naggwagwapohan sa aking harapan. Ang gaganda


ng lahi taray, walang tapon lahat.

“Hoy H! Kani pa kita kinakausap. Napano kana riyan?” at pinandilatan pako ng mata
sabay bulong “ Nakakahiya ka naglalaway ka”

Agad kung pinunasan ang baba ko, kung totoong may laway ba nga, pero wala
naman. Pero nakakahiya parin napasubra ang titig ko sa kanila.
“Uulitin ko ha, Thirdy this is H, H this is Thirdy”

Tumango lang ako matapos akong ipakilala ni Hope sa kanila. Dahil nahihiya parin
ako sa aking nagawan kanina parang sirang tape ng dvd player na nagp-play parin sa
utak ko ang aking nagawang kagagahan.

Matapos nila akong ipakilala ay nag-aya silang kumain sa Foodpark na malapit lang
sa USC. Habang naglalakad ay sa may bandang likuran ako para tahimik lang at
patingin-tingin sa mga na dadaanang establishemento.

“ Ay kalabaw!” muntik kunang makiss ang semento kung hindi lang ako nakakapit.

“Clumsy”

“Hala!” sabay tingin ko sa aking nakapitan, yung kasama naming lalaki na may
masungit na awra ang aking nakapitan sa may kwelyo niya pa talaga ako nakakapit.
Ano namang kamalasan to Helen. Ba’t nagkasunod-sunod na. Nasabihan pa ako ng
clumsy ey sa na libang ako katingin-tingin ah.

“ Pasensya na ”At tumakbo ako patungo kay Hope na masayang nakakapit sa kamay
ni Thirdy.
“ Bat ka hinihingal?”

You might also like