Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagbibigay opinion sa napapanahong isyu

Isyu
Presyo ng sibuyas

Isa ang sibuyas sa pangunahing sangkap sa mga ginisang pagkain. Karamihan sa mga Pilipino
ay gumagamit ng sibuyas hindi lamang sa ginisang pagkain pero pati na rin sa sinabawan,
kinilaw at sawsawan. Kamakailan, ang presyo ng sibuyas ay umaabot hanggang Php.400.00 to
Php. 550.00. Dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay umaalma at nahihirapang bumili ng
sibuyas dahil sa taas ng presyo nito.

Ayon sa Department of Agriculture o DA, ang biglaang pagtaas ng presyo ng sibuyas ay dahil
sa mababang supply ng sibuyas sa bansa at mataas na demand nito lalo na sa nakaraang mga
buwan simula ng Nobyembre at Desyembre ng 2022 hanggang sa Pagpasok ng taon ngayong
2023. Ayon pa sa DA, ang kawalan ng supply ay dahil na rin sa kulang na storage facility ng
bansa kung saan maaring i-impok ang mga produkto upang umabot sa panahon na kailangan
na itong ipalabas. Ngunit ayon sa iba, ang kakulangan ng supply ng sibuyas ay dahil sa
“Kartel”, ito ay ang pagmanipula ng mga produser at manupakturer sa presyo, pagtitinda at
produksiyon ng isang produkto. Batay sa pahayag ni Department of Agriculture Assistant
Secretary at tumatayong Deputy Spokesperson Rex Estoperez, “hindi malabong may
nangyayaring kartel dahil kahit bumaba na ang farm gate price ng sibuyas ay napakataas pa rin
ng presyo nito pagdating sa mga pamilihan.”

Sa hangaring mapababa ang tumataas na presyo ng mga sibuyas at matugunan ang agwat ng
suplay sa bansa, inaprubahan na ng DA ang pag-aangkat ng 21,060 metriko tonelada (MT) ng
sibuyas bago sumapit ang rurok ng panahon ng ani ng mga lokal na magsasaka. Ngunit
mayroong rekomendasyon ang DA Assistant Secretary na dapat makarating sa bansa ang
imported na sibuyas hanggang katapusan o sa unang lingo ng Pebrero para maprotektahan nito
ang presyo ng lokal na mga sibuyas at mga magsasaka ng sibuyas sa bansa.

Ang karaniwang taniman ng sibuyas ay matatagpuan sa Hilagang Luzon kung saan tuwing
Enero ang simula ng pag-ani nito. Ngayong kasagsagan ng ani ng sibuyas sa bansa, lubos
naman na nababahala ang mga magsasaka sa biglaang pagbaba ng presyo nito. Ang ilang
magsaska ng sibuyas ay napilitang mag -ani ng kanilang produkto sa pagbabakasakali na
maibebenta pa nila ito ng mahal. Ayaw umano nilang maulit ang nangyari noong Mayo ng
nakaraang taon kung saan marami sa mga magsasaka napilitang itapon ang aning sibuyas dahil
sa napakababang farmgate price. Ayon sa ilang magsasaka, noong Mayo ng nakaraang taon,
umabot lang sa 15 hanggang 16 pesos ang farmgate price ng sibuyas. Kung ibebenta ito sa
trader’s ay mas mura pa, kaya ang marami sa kanila ay nalugi. Wala raw silang magagawa
dahil wala naman silang storage facilities para i imbak kahit isa o dalawang buwan ang
sibuyas.

Opinyon

Marami na ang mga sakahan na ikino-konbert na lamang bilang “Commercial Building” dahil
sa kasalukuyang sitwasyon ng mga magsasaka sa ating bansa, hindi lamang sa mga magsasaka
ng sibuyas. Sa mahal ng “input” kagaya ng “fertilizer, insecticide at herbicide”, maraming
magsasaka ang ibinibenta na lang ang mga sakahan. Walang konkretong solusyon ang
gobyerno upang maisaayos ang sitwasyon ng ating agrikultura. Imbes na patatagin ang suporta
sa mga magsasaka ay pinipiling umangkat na lamang ng mga pangunahing sangkap sa ibang
bansa. Sa aking opinion, dapat maiging imbestigahan ng sector ng agrikultura ang mga trader
at mga organisasyong naghihikayat sa “Kartel”. Ang mga trader ang halos nabubuhay sa mga
paghihirap ng mga magsasaka dahil sa kanilang maliit na tubos sa mga magsasaka at mahal na
tinda sa mga mamimili. Bagamat mayroong mga panukala ang DA ukol sa presyo ng mga
pangunahing produkto, hindi ito naipatutupad ng maayos dahil sa pagmamalabis ng mga
trader. Dapat maipatupad ang nararapat na parusa sa mga lumalabag sa itinakda na presyo ng
mga produkto.

Panghuli, nararapat lamang na pundohan ng gobyerno ang mga kooperatiba o organisasiyon


ng mga magsasaka ng “Storage Facility” upang mayroong imbakan ang mga magsasaka ng
kanilang mga produkto. Kung ating susuriin, sapat ang mga produkto na itinatanim ng ating
mga magsasaka sa bansa sa loob ng isang taon. Subalit, walang sapat na imbakan ang mga
produkto upang hindi mabulok. Sana ay mabigyang pansin ng ating gobyerno ang matinding
suliranin ng bansa sa agrikulta dahil ang “Agrikultura ang Gulugod ng ating Ekonomiya”.

Ipinasa ni:

CYNTHIA L. ORIA
Mag-aaral

You might also like