Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO 10

Pangalan: _________________________________________ Sesyon: ____________


Baitang at Pangkat: _________________________________ Marka: _____________

GRAMATIKA : POKUS SA GANAPAN AT SANHI

 POKUS SA GANAPAN - ang paksa ang lugar na ginaaganapan ng pandiwa sa


pangungusap; Sumasagot sa tanong na “Saan?”. (pag-/-an, -an/-han, ma-/-an,
pang-/-an, mapag-/-an)
Halimbawa:
Pandiwa Paksa: ginaganapan ng pandiwa
↑ ↑
Pinagtaniman namin ng maraming gulay ang bukirin.

 POKUS SA SANHI - ang paksa ang naghahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa


sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “Bakit?”. (i-, ika-, ikina-)
Halimbawa:
Pandiwa Paksa: sanhi ng kilos
↑ ↑
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang paksa,


bilugan ang pandiwa at isulat sa patlang bago ang bilang kung nasa anong pokus ng
pandiwa ang pangungusap.

____________ 1. Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa


kanya.
____________ 2. Ang ilog ang pinaglabhan niya ng mga damit nilang mag-anak.
____________ 3. Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap
na ulam.
____________ 4. Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.
____________ 5. Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
____________ 6. Ang lahat ng katotohanang natuklasan ko ay ikinabahala ng aking
mulat na pang-
unawa.
____________ 7. Pinagdausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.
____________ 8. Ang programa ni Mayor ay ikinatuwa ng mga residente.
____________ 9. Ikinatakot ng lahat ang bagyong dumaan.
____________ 10. Ang plasa ang pinagkukunan niya ng kabuhayan nilang mag-ama.
Sa Kabatiran ni

________________________
Pangalan at Lagda ng
Magulang

You might also like