Paniniwala Ko Gets Mo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

NEW ORMOC CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

GURO : AGNESIA P. MILLANES FEBRUARY 10 , 2020 L.P.


#___
1:00-2:00 PURITY 2:00-3:00 DIVERSITY 3:00-4:00 WELLNESS
FEBRUARY 12 , 2020
7:45-8:45 SUSTAINABILITY 10:00-11:00 TEMPERANCE
8:45-9:45 TRANQUILITY 11:00-12:00 VIGILANCE

BANGHAY ARALIN SA ARALINLING PANLIPUNAN 8


I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan
at sama-samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran
B.PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga Gawain, programa,proyekto sa antas ng
komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran.
C.MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO
Nasusuri ang mga ideolohiyang pulitikal at ekonomiko sa hamon ng estabilisadong
Institusyon ng lipunan.
II. NILALAMAN
A. Aralin/Paksa: Aralin : Mga Puwersang Pangkabuhayan sa Politika ng Bansa.
B. Sanggunian
1.TG: pahina 2. L.M. Pahina 502 -506 3. CG: Pahina 49, code:AP8AKD-lVi-10
A.Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ano ang ideolohiya?
Ano-ano ang iba’t-ibang ideolohiya?
2.Pagsasanay
Sino-sino ang mga na namuno na ginamit ang iba;t-ibang ideolohiya?
3.Pangganyak
Meron ba kayong nalalaman sa bansang Russia? Ano ang masasabi niyo sa bansang
ito?

3. Paglalahad ng Layunin
Sa araling ito, Natataya natin ang epekto ng mga ideolohiya, ng cold war at ng Neo-
kolonyallismo sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig
B. Panlinang ng Gawain
1. PANINIWALA KO GETS MO
Pangkatin ang klase sa tatlo. Bawat pangkat ay magpapakita ng isang maikling
presentasyon tungkol sa mga prinsipyo, paniniwala, at mga patakarang ipinatupad ng
Russia, Italy at Germany sa mga bansang pumanig sa kanilang ideolohiya.
 Unang Pangkat- Ang Pagsilang ng Komunismo sa Russia
 Ikalawang Pangkat- Ang Pagsilang ng Fascismo sa Italy
 Ikatlong Pangkat- Ang Nazismo sa Germany
2. Pagsusuri
Pamprosesong mga tanong
1. Ano ang mga dahilan ng kaguluhan sa Russia?
2. Paano nakuha ni Lenin ang pagtitiwala ng mga tao sa Russia?
3. Paano naging ganap na komunista ang Russia?
4. Anu- ano ang mga salik na nagbigay-daan sa Fascismo sa Italy?
5. Naniniwala ka ba sa prinsipyong sinusunod ng Fascismo? Ipaliwanag
6. Bakit itinuturing na pinakamalupit na diktaduryang totalitaryan ang Nazimo sa
makabagong panahon.
7. Paano nagkakaiba-iba ang ideolohiyang sinusunod ng mga bansa?
8. Paano nauugnay ang puwersang pangkabuhayan ng bansa sa kalagayang politikal
nito?

3. Paghahalaw
Mga Puwersang Pangkabuhayan sa Politika ng Bansa.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat ng Aralin
Ano-anong mga bansa ang yumakap sa komunismo?
Ano naging epekto nito sa kanila?
Ano ang bahaging ginagampanan ng puwersang demokrasya at komunismo sa
kalagayan ng tao?
2.Paglalapat ng Aralin
Sa iyong palagay, nakabuti ba ang Fascism, Komunismo, at Nazism sa buhay ng
karaniwang tao sa Russia, Itaky at Germany? Bakit?
3. Pagpapahalaga
Ano ba ang salik na nagbiay daan na yakapin ng mga bansa ang kanilang
ideolohiya?

IV.PAGTATAYA
Panuto: Kumuha ng isang kalahating papel at sagutin ang sumusunod na tanong:
Lumaganap ang dalawang ideolohiya sa bansa ang Demokrasya at Komunismo, ano kaya ang
mga naging epekto nito?
1. Ano ang epekto ng pagsilang ng komunismo sa Russia?
2. Ang Pagsilang ng Fascism sa Italy
3. Ano ang naging epekto ng Nazism sa Germany?

V. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik tungkol sa Cold War
NEW ORMOC CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
GURO; AGNESIA P. MILLANES FEBRUARY 11 , 2020 L.P. #___
1:00-2:00 PURITY 2:00-3:00 DIVERSITY 3:00-4:00 WELLNESS
FEBRUARY 13 , 2020
7:45-8:45 Sustainability 10:00-11:00 Temperance
8:45-9:45 Tranquilti 11:00-12:00 Vigilance

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan
at sama-samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran
B.PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga Gawain, programa,proyekto sa antas ng
komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran.
C.MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO
Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pandaigdigang organisasyon sa pagsusulong
ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
II. NILALAMAN
A. Aralin 4: Ang United Nations at Iba Pang Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat, at
Alyansa.
Paksa: Aralin : MGA PANDAIGDIGANG ORGANISASYON
B. Sanggunian
1.TG: pahina 2. L.M. pahina 527-532 3. CG: Pahina 49, code:AP8AKD-lVj-11
Lll. PAMARAAN:
A.Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ano ang Cold War? Bakit nagkaroon ng cold war?
2.Pagsasanay
Anong mga makapangyarihang bansa ang nagkaroon ng Cold War? Ano ang mga
Mabuti at di-mabuting epekto ng Cold War?
3.Pangganyak
Batiin amg mga mag-aaral sa matagumpay na pagkamit ng mahahalagang kaalaman
tungkol sa mga ideyolohiya at epekto ng neokolonyalismo sa nakaraang aralin. Ngayon, pag-
aaralan ng mag-aaral sa araling ito ang bahaging ginagampanan ng mga pandaigdigang
organisasyon, pangkat, at alyansa sa pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran. Itanong: “ Ano ang mga naitulong sa mga bansa ng mga
organisasyong pandaigdig sa larangan ng kaunlaran?”

B. Paglalahad ng Layunin
Sa araling ito, Natataya natin ang mga layunin ng ibat ibang pandaigdigang
organisasyon.

1. Panlinang ng Gawain
Sa pagsisimula ng aralin,pasagutan sa mag-aaral ang mga tanong sa larong “The Queen
Wants to Know!”

a. Anong bangko ang nagbibigay ng tulong pananalapi at teknikal sa mga bansang


papaunlad para sa mga programang pangkaunlaran?
b. Anong A ang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa
Timog-Silangang Asya?
c. Anong W ang isang organisasyong pandaigdig na nilikha upang pamahalaan at
magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang internasyunal?

Mga Pagpipilian: World Bank , ASEAN, WORLD TRADE ORGANIZATION


. Paghahalaw
Pahulaan sa mga mag-aaral ang watawat o simbolo ng mga organisasyong pandaigdig. Sa ganitong
paraan, matutukoy ang dati nang kaalaman ng mga-aaral hinggil sa paksa.
Mapipili rito ang tamang sagot:
Organization of Islamic Cooperation (OIC) , World Bank (WB), Association of Asian Nations (ASEAN)
Asia Pacific Economic Cooperation (APEC), World Trade Organization (WTO), European Union (EU)
Karagdagang pagpapaliwanag ng guro tungkol sa paksa upang mabigyang linaw ang mga
konseptong tinalakay.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat ng Aralin:
Sagutin ag mga Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga organisasyong pandaigdig?
2. Paano nakatulong ang mga ito sa pagkakamit ng pandaigdigang kapayapaan, kalayaan at
kaunlaran?
2.Paglalapat ng Aralin
a. Ano ang hakbang na ginawa ng World Bank upang malutas ang suliranin ng kahirapan sa
mga bansa sa daigdig? Sang-ayon k aba sa hakbang na ito ng World Bank?Pangatuwiranan.
b. Sumasang-ayon k aba sa World Bank na ang kahirapan ay maituturing na isyung moral?
Bakit?
3. Pagpapahalaga

IV.PAGTATAYA: Suriin ng mabuti ang bawat aytem. Analisahin kung paano lumaganap ang
Komunismo, Pasismo, at Nazismo. Sulat lamamng ang titik ng iyong sagot.
1. Anong puwersang pangkabuhayan sa politika ang nag-ugat sa bansang Russia?
a. Komunismo b. Nazismo c. Pasismo d. Sosyalismo
2. Ang mga swsumusunod ay prinsipyo ng Komunismo maliban sa isa.
a.Pagwawaksi sa Kapitalismo.
b. Pagpapatunay sa kampanya ng Diyos.
c. Pangangasiwa ng pamhalaan sa Sistema ng produksiyon sa pag-aari.
d. Pagtatag ng diktadurya ng mga manggagawa: Ang manggagawa ang Supremo ng
pamahalaan.
3. Paano lumaganap ang Fascismo sa Italy?
a. Nanghikayat at pinalaganap ang kilusang kopmunismo
b. nilabanan ang demokrasya at parlamentaryo
c. pinagsamasama ang kapitalismo, sosyalismo at sistemang guild
d. nagkaroon ng kasaunduan sa pagitan ng mga Italyano at Amerikano
4. Ano ang katangiang taglay ni Hitler bilang isang pinuno ng Nazi?
a. panatikong nasyonalista c. magiting na sundalo
b. relihiyosong pinuno d. magaling na ekonomista
5. Bakit nabuwag ang Treaty of Versailles? Ito ay dahil sa ________
a. pagkawala ng ilang teritoryo ng Germany noong Unang Digmaang Pandaigdig
b. pagkaawasak ng Republika
c. ito ang sanhi ng mga suliranin ng Germany
d. paniniwala ng mga Aleman na sila ang nangungunang lahi sa daigdig

V. TAKDANG ARALIN
Alamin ang kahulugan ng Cold War? Bakit nagkaroon ng Cold War? Ano-anong mga bansa ang
nakaranas ng Cold War?

NEW ORMOC CITY NATIONAL HIGH SCHOOL


GURO: Agnesia P. Millanes February 24, 2020 L.P. #____
1:00-2:00 PURITY 2:00-3:00 DIVERSSITY 3:00-4:00 WELLNESS

February 26, 2020


7:45-8:45 SUSTAINABILITY 10:00-11:00 TEMPERANCE
8:45-9:45 TRANQUILITY 11:00-12:00 VIGILANCE

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

l. LAYUNIN: Natataya ang epekto ng mga ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig.
Nabibigyang kahulugan ang neo-kolonyalismo
Nasusuri ang mga pamaraang ginagamit ng bansang Kanluranin upang ipakilala at
ipalaganap ang kanilang kultura at kaisipan neo-kolonyalismo

II. PAKSA: NEOKOLONYALISMO: PAMAMARAAN O SANGKAP NITO


Ang Pamamaraan ng Neokolonyalismo
Mga Pamamaraan at Uri ng Neokolonyalismo
Epekto ng Neokoloyalismo

KAGAMITANG PANTURO:
A. Sanggunian
1. TG
2. LM :pahina 514 – 517
3. DCLM
B. Iba pang kagamitang panturo: Tsart, larawan

lll . PAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Paano nagwakas ang Cold War?
2. Pagsasanay: Pabigyang kahulugan ang sumusunod:
Détente Peaceful Co-existence Kolonyalismo Imperyalismo
3. Pagganyak:
Ipaskil ang mapa ng daigdig. Balikan ang aralin hinggil sa kolonyalismo. Ipaturo sa
mapa ang mga bansang nanguna sa kolonyalismo. Kapag nabanggit ang Inited States ipa
alala ang ginawa ni Hen. Douglas MacArthur sa Pilipinas.
4. Pag-alis ng sagabal:
Konsoryum Debt trap Imported

B. Panlinang na Gawain:
1. Magpakita sa klase ng mga larawan ng mga multinational corporation, inaangkat na
mga produkto sa mga bansang Kanluranin, at mga ginupit na pahayagan na mga
pamagat ng pelikulang Kanluranin na palabas sa bansa,
Mga gabay na tanong:
a. Ano ang ipinapahayag ng mga larawan?
b. Bakit nangyari ito?
c. Ano ang tawag sa ganitong nagaganap sa mga bansang papaunlad? Ano ang
ibig sabiin nito?

C. Pagsusuri:
Sa iyong palagay, may kabutihang bang naidudulot ang mga produktong dayuhan sa
mga Pilipino?

D. Paghahalaw:
Mga Pamamaraan at Uri ng Neokolonyalismo
1. Pang-Ekonomiya
2. Pangkultura
3. Dayuhang Tulong o Foreign Aid
4. Dayuhang Pautang 0 Foreign Debt
5. Lihim na Pagkilos

Epekto ng Neokoloyalismo
1. Over Dependence
2. Loss of Pride
3. Continued Enslavement

E. Paglalahat: Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat:


1. Ang neokolonyalismo ay makabagong porma ng (koloyalismo)
2. Maraming papaunlad at hindi maunlad na bansa ang sumasailalim sa proseso ng
neokolonyalismo.
3. Sa iyong palagay, may neokolonyalismo bang nagaganap sa Pilipinas? Patunayan.

F. Paglalapat: Basahin sa klase ang sumusunod:

a. Halimbawa, nakasakay ka sa tren tulad ng nakalarawan sa ibaba. Alin sa mga


bagay na ito ang gusto mong maalis dahil sobra o lubha ang dinudulot na epekto
nito sa lahat ng aspekto ng buhay? Pangatuwiranan ang iyong sagot. Ano ang
maaaring epekto nito sa mga bansa sa Ikatlong Daigdig.

b. Isang paraan sa neokolonyalismo ay ang pakikipag kaibigan sa dating kolonya –


damayan at tulungan ito. Ngunit mahirap makipagkaibigan sa isang taong
mapagpanggap, huwad, at madaya. Kung may kaibigan kang ganito ang pag-
uugali, paano mo siya maitutuwid?

lV. Pagtataya:
A. Ibigay sa mga mag-aaral ang pagsusulit na ito.
________1. Ang bagong anyop ng kolonyalismo.(neokolonyalismo)
________2. Ang mga orgaqnisasyong pandaidigan na kinabibilangan ng maraming
bansa. ( multilateral institution)
________3. Ang bansa na kilalang superpowert sa mondo (United States)
________4. Ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga maunlad at hindi maunlad na
bansa (North-South Divide)
________5. Ang paggamit ng dahas sa pagsakop sa isang bansa sa pamamagitan ng
direktang pananakop ng military (kolonyalismo)

B. Magbigay ng tatlo hanggang limang halimbawa ng epekto ng neokolonyalismo ng U>S>

V. Takdang Aralin:
Batay sa paksang natalakay, ang bawat pangkat ay gagawa ng larikatura o anumang malikhaing
Gawain tungkol sa paksang napatakda sa pangkat.
Unang Pangkat – Nagpapaliwanag ng sangkap at kahulugan ng neokolonyalismo
Ikalawang Pangkat- Mga Uri ng Neokolonyalismo
Ikatlong Pangkat – Mga bansang nagpatupad ng mga impluwensiya sa ibang bansa
Ikaapat na Pangkat – Epekto ng Neokolonyalismo

Vl. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilangng mag-aaral na ngangailangan
ng iba pang Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na NAKAUNAWA SA
ARALIN?
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy
pa sa remediation?
E. Alin sa mga istratihiya ng pagtuturo
ang nakatulong nang lubos? Paano ito
nakayulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyonan sa tulong ng aking
punong-guro o superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking


nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
NEW ORMOC CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
GURO: AGNESIA P. MILLANES FEBRUARY 26, 2020
1:00-2:00 PURITY 2:00-3:00 DIVERSITY 3:00-4:00 WELLNESS

FEBRUARY 29, 2020


7:45-8:45 SUSTAINABILITY 10:00 – 11:00 TEMPERANCE
8:45-9:45 TRANQUILITY 11:00 - 12:00 VIGILANCE

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

I. Inaasahan na ang mga mag-aaral ay makakakuha ng 75% mps pataas sa gagawing


lingguhang pagsubok.

11. Paksa:
NEOKOLONYALISMO

111. KAGAMITAN:
L.M. PAHINA 514 – 517
C.G. PAHINA
T.G. PAHINA
TEST PAPERS

1V. PAMAMARAAN:
A. Paghahanda sa klase
B. Pagdarasal
C. Pagpapaliwanag sa panuto
D. Pamamahagi ng Test Papers
E. Pagpapatnubay sa mga mag-aaral habang isinasagawa ang pagsubok
F. Pagwawasto ng sagot
G. Pagtatala ng kuha
H. Pagkukuwenta ng MPS

V. TAKDANG ARALIN:
Alamin ang ibat ibang organisasyong pandaigdigan
NEW ORMOC CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
GURO: AGNESIA P. MILLANES FEBRUARY 19, 2020 L.P. #____
1:00-2:00 PURITY 2:00-3:00 DIVERSITY 3:00-4;00 WELLNESS
FEBRUARY 21, 2020
7:45-8:45 SUSTAINABILITY 10;00-11:00- TEMPERANCE
8:45-9:45 TRANQUILITY 11:00-12:00 VIGILANCE

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8


I. LAYUNIN: Natataya ang epekto ng Cold War at Neo-kolonyalismo sa iba’t ibang bahagi
ng daigidg.
*Naipaliliwanag ang ibat ibang anyo ng cold war;
*Naipaliliwanaqg ang domino theory
ll. NILALAMAN:
A. ARALIN/PAKSA: Aralin: COLD WAR
B. Sanggunian:
1. T,G. pahina 2. L.M. pahina 509 – 511 3. CG Pahina 49, Code:AP8AKD-IVj-11
III. PAMARAAN:
A.PanimulangGawain:
1 . Balik-aral: Ipahambing ang ideolohiya ng Russia, Germany at Italy. Paano sila nagkakatulad at
nagkakaiba?
2. Pagsasanay: Sino-sino ang namuno sa Nazismo ng Germany at Black Shirts ng Italy? 3.
Pangganyak: Pag-usapan ang “ healthy at “unhealthy competition” sa pagitan ng dalawang
indibidwal.
Linawin ang kahulugan ng “ Cold War” : tunggaliang pulitikal sa pagitan ng
Estados Unidos at mga demokratikong bansa, sa isang dako: at ng Unyong Sobyet at mga
komunistang bansa sa kabialng dako. Tinawag itong “cold war” dahil sa masigasig na paggamit
ng propaganda at mga taktikang palihim, bagama’t hindi tuwiran ang labanan ng magkabilang
panig.
B. Paglalahad ng Layunin:
1. Maipaliliwanag ag kahulugan ng Cold War at sanhi ng pagkakaroon nito.
2. Maiisa-isa ang mga bansang nasa ilalim ng impluwensiya ng Russia at Amerika
3. Matatalakay ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Cold War
4. Matataya ang epekto ng Cold War.
C. Panlinang na Gawain:
1. Ipaliwabag ang epekto ng pagkakaiba ng ideyolohiya ng E.U. at U>S>S>R> sa alignments ng
mga bansa.
2. Balangkasin ang mga isyu o pangyayaring lumikha ng tension sa pagitan ng magkatunggaling
ideolohiya.
D. Paghahalaw:
Marami ang nag alala sa Cold War dahil sa pag-iisip na magkaroon uli ng digmaang pandaigdig
na gagamitan ng mas higit na mapanganib at mapamuksang armas nukleyar. Sa pagwawakas ng
Cold war, naiyuon ang pansin sa pagpapauti ng ekonomiya at ang pagkakaroon ng kasunduang
pag-alis ng lahat ng armas nukleyar.
E. Pagsusuri:
Anu-ano ang mabuti at di mabuting epekto ng Cold War?
F. Paglalahat: Ano ang pangunahinh dahilan ng Cold War?
Anu-ano ang mga pangyayaring nagdulot ng tension sa pagitan ng
magkabilangpanig?
G. Paglalapat:
Sa pagkakaibigan o kahit anumang relasyon mayroon tayo sa buhay, darating ang
pagkakataon tulad ng Cold War. Hand aka bang magparaya o gumawa ng unang
hakbang upang magkaroon ng solusyon?
1V. Pagtataya:
1.-2. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ano ang dalawang makapangyarihang
bansa ang magkaiba ang ideolohiya? (E. Unidos at Russia)
3. Ano ang ideolohiya ng E.Unidos? (Demokrasya)
4. Ideolohiya ng Russia? (Komunismo)
5. Sasakyang panghimpapawid n U.S. na nagdala ng tao sa buwan. (Apollo 11)
6. Kauna-unahang spaceship na nakalibot sa kalawakan ng daigdig (Superesonic)
7. Pinuo ng USSR ng magkaroon ng Cold War (Stalin)
8. Pangulo sa America ng magsimula ang Cold War. ( Rooosevelt)
9. Tawag sa pagbabawas ng Tensyon (Détente)
10. Alitan sa pagitan ng dalawang bansa na hindi ginagamitan ng armas(Cold War)

V. Pagpapalalim ng Kaaalaman
Magtanong sa inyong lolo at loa at ipakwneto ang kaalaman tungkol sa Unyong Sobyet at
Amerika.

V1. Takdang Aralin: Alamin ang mga nagging Epekto ng Cold War.
Alamin ang kahulugan ng Neo-kolonyalismo.

You might also like