Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BUKAS NA LIHAM

Petsa: Hunyo 15,2022

Paunang salita,

Ito ay isang bukas na liham galing sa aming mga kabataan, naglalaman ito ng aming mga
pananaw sa sekswalidad ng isang tao. Sa panahon natin ngayon, lahat ay malayang
ipahayag ang kanilang sariling opinyon at pagtukoy sa kanilang sekswalidad, ngunit kahit
gaano karami ang sumusuporta sa ideyang ganito, madami pa ding matalas ang dila na
hindi sumasang-ayon at nagbibigay diskriminasyon sa mga taong may pagbabago sa
kanilang sekswalidad, para sa akin dapat na irespeto natin ang magiging desisyon ng isang
tao, dahil wala tayong karapatan husgahan sila at sabihan ng masasakit na salita, dapat na
pantay pantay ang pakikitungo natin sa isa't isa upang magkaroon ng mapayapang
komunidad.
Ang sekswalidad ay madalas na tumutukoy sa oryentasyong sekswal o kagustuhan ng
isang tao. Kung sino ka man sa iyong pisikal at emosyonal na pagkatao ay isa ito sa mga
dahilan ng katawagan sa iyong sekswalidad .Depende ito kung paano mo nakikita ang
iyong sarili at kung paano mo gustong makita ang iyong sarili. Ngayon kinakailangan na
pumili ka ng isang label kung saan ka komportable, o wala sa lahat. Maari mong makita,
tulad ng marami pang iba na ang iyong piniling label ay nagbabago sa paglipas ng
panahon.

Lubos na gumagalang,
Johanna Abib Lapinete
(Mag-aaral mula sa baitang 8 pangkat Courageous)

You might also like