Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Sanhi at Solusyon sa Kahirapan sa Lipunan”

Ang kahirapan ay isa sa mga napapanahon at kumplikadong isyu na


bumabagabag at nakakaimpluwensiya sa maraming aspeto sa buhay ng isang
indibidwal at sa lipunan. Isa ito sa mga isyung hindi matapos-tapos at patuloy paring
ginagawan ng solusyon. Kahit saan ka tumingin ay matatanaw ang kahirapan na
pumapalibot sa pamumuhay ng mga tao at humaharang sa pagunlad ng mga bansa.

Ito ay isang malawak na isyu kung kaya’t hindi na mabilang ang mga sanhi at
dahilan nito para matugunan. Ilan sa mga sanhi ng kahirapan ay ang mga sumusunod;
Ang korapsyon ay isa sa mga pinaka sanhi ng kahirapan. Dahil sa mga tiwali at hindi
tapat na mga opsiyal, hindi nabibigyan ng sapat na karapatan at tulong ang mahihirap
na pamilya sa Pilipinas. Ilan sa mga pangunahing solusyon dito ay ang pagpapairal ng
disiplina at pagiging responsible ng mga Pilipino at mga opisyales ng pamahalaan, at
pagpapatupad ng mga batas at parusa para sa mga corrupt na opisyales.
Ang kawalan ng pagpapahalaga sa salapi ay nagiging sanhi rin ng kahirapan.
Ang mga tao ngayon ay wala ng kaalaman sa tamang paggamit o pamamahala ng
kanilang pera kung kaya’t nauuwi sila sa paghihirap. Upang maiwasan ito, ang pag-
aaral ng konsepto ng pananalapi at pamamahala ng pera ay kinakailangan. Ito ang
magsisilbing gabay sa pag-iimpok, pag-iinvest, at pamamahala sa mga gastusin.
Ang hindi makontrol na pagdami ng populasyon ay isa pa sa sanhi ng kahirapan.
Mga taong walang alam sa Family Planning at ang mga menor de edad na nabubuntis
ng maaga. Ang mga magulang na inaabandona ang kanilang mga anak at hindi na
pinag-aaral ay nakadadagdag din sa problema. Ang pagpapalakas ng edukasyon at
pagpapalawak ng access nito; kasama na dito ang pagtuturo sa kabataan tungkol sa
sex education, paggamit ng mga kontraseptibo at family planning ay ilan sa paraan
para maiwasan ang pagdami ng populasyon.

Ang kahirapan ay isang kumplikado at malaking isyu na matagal na kinakaharap


ng halos lahat ng bansa sa mundo. Kinakailangan na itong malunasan at mapuksa
upang maiwasan ang pagbagsak ng ekonomiya ng mga bansa at mag sanhi pa ng
mga bagong problema. Ngunit hindi ito malulutas sa isang araw lamang, gaya nga ng
kasabihan na “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”, kinakailangan ng malakas na
pagtutulungan ng mga tao at sa pagitan ng pamahalaan, iba’t ibang sektor, at
indibidwal upang mapabuti ang kalagayan ng bansang nakararanas ng kahirapan.

You might also like