Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 12

MGA PANLAHAT AT TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO Ikalawang Taon

Sa pagtatapos ng ikalawang taon, ang isang mag-aaral ay dapat na nagtataglay na ng kognitibong kasanayan at kahusayan sa maunawang pagbasa ng ibat ibang texto at nagagamit nang wasto ang angkop na istrukturang gramatikal sa isang akademikong pakikipagtalastasan. A. Pakikinig 1. Naisasagawa nang mahusay ang proseso ng pakikinig na may pag-unawa mula sa taglay na leksikal at gramatikal na kakayahan sa pagkuha ng mensahe ( bottom-up process) 1.1 1.2 1.3 1.4 Nakikilala ang ayos ng pangungusap na nagpapaiba sa istilo ng pagpapahayag Nakikilala ang mga sequence marker ( pananda ng pagkakasunud-sunod) Nakikilala ang mga salita/pahayag na familyar at di-familyar Natutukoy ang kahulugan at gamit ng mga di-familyar na salita sa pamamagitan ng: paglalapi paggamit ng hudyat na kontekstwal Natutukoy ang mga positiv at negativ na pahayag Nakikilala ang mga makahulugang pagkakasunud-sunod ng mga pangungusap sa pagbuo ng diskurso Nakikilala ang ugnayan sa pangungusap sa pamamagitan ng: modifikasyon negasyon modal Natutukoy ang ugnayan ng mga bahagi ng texto sa pamamagitan ng mga panandang kohesyong leksikal: pag-uulit kasingkahulugan antitesis aposisyon Natutukoy ang ugnayan sa mga bahagi ng texto sa pamamagitan ng mga panandang kohesyong gramatikal: pagpapatungkol ( anapora/katapora) hambingan pagpapalit ellipsis

1.5 1.6 1.7

1.8

1.9

2.

pag-uugnay

Napauunlad ang kahusayan sa/ at naisasagawa ang proseso ng pakikinig mula sa mensaheng narinig at mga datihan ng alam na impormasyon ( top-down process ) 2.1 2.2 2.3 2.4 Natutukoy ang layon at saklaw ng narinig Nakukuha ang mahahalagang detalye sa narinig Nahihinuha ang pamaksang-diwa ng diskursong narinig Natutukoy ang kalalabasan ng mga pangyayari sa narinig na usapan 2.5 Nahihinuha ang sanhi at bunga ng napakinggan 2.6 Nahihinuha ang kahalagahan ng isang panukala 2.7 Natutukoy ang mga panawag-hudyat na ginagamit ng nagsasalita upang: magpatuloy huminto nang bahagya tumigil at magwakas 2.8 Naibibigay ang pansariling damdamin o saloobin ng nagsasalita 2.9 Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin ng nagsasalita 2.10 Nabubuo ang isang proposisyon mula sa impormasyong narinig

3.

Naisasagawa ang pakikinig nang may pang-unawa sa gamit ng wika sa komunikasyong sosyal (interaksyunal) 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Nakikilala ang mga angkop na pahayag na nararapat gamitin sa pagsasagawa ng komunikasyong interaksyunal Nasasabi kung ang pakikipagtalastasan ay angkop sa tiyak na sitwasyon Nakikilala ang layon o intensyon ng nagsasalita Natutukoy ang kontradiksyon sa napakinggang pahayag Natutukoy and di-sapat na impormasyon at iba pang pagpapakahulugan ng nagsasalita

4.

Napauunlad ang kasanayan sa maunawang pakikinig na may layuning transaksyunal (pagkuha ng impormasyon o mensahe) 4.1 4.2 Natutukoy ang mga tiyak na detalye sa isang diskurso Nakukuha ang batayang impormasyon sa diskursong napakinggan 4.3 Natutukoy ang pangunahing ideya sa diskursong narinig 4.4 Naisasagawa ang layon o intensyon sa isang diskurso: pakikiusap pagpapayo pag-uutos

4.5 4.6

pagsunod sa ipinagagawa

4.7 4.8 4.9 4.10

Natutukoy ang pangunahing punto o mahahalagang detalye sa narinig Nakukuha ang ibat ibang tala mula sa narinig sa pamamagitan ng: ugnayang pamaksa pagsasalin sa pagsipi pagsulat kung ano ang narinig ugnayang sunuran ( pagkakasunud-sunod o antasan) pagbibigay-diin o empasis revisyon, pagsisingit, pagbubura Naisasaayos ang mga impormasyong napakinggan batay sa antas nito Naililipat sa isang dayagrama ang mga impormasyong napakinggan Nabibigyang-kahulugan ang napakinggan sa pamamagitan ng paglilipat nito sa grap Nabubuo ang grid - pang-impormasyon kaugnay ng textong napakinggan

B.

Pagsasalita 1. Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na makatutulong sa pagtatamo ng efektiv na pasalitang komunikasyon 1.1 1.2 1.3 Nakikilala ang salita/ pangungusap ayon sa formalidad ng pagkakagamit Nakabubuo ng salita ayon sa tindi ng pagpapahayag Nagagamit nang wasto ang mga cohesive devices na: anaphora katapora Nagagamit nang wasto ang ibat ibang panandang diskurso Nagagamit nang wasto ang mga panandang kohesyong gramatikal Nagagamit nang wasto ang mga panandang leksikal at sintaktik Natutukoy ang mga panuring na ginagamit sa modifikasyon ng pangungusap Natutukoy ang mga pahayag/pangungusap na nagpapakilala ng pahiwatig Nakikilala ang mga pahayag na ang layon ay interaksyunal Nagagamit nang wasto ang mga salitang nagpapahiwatig na paghihinuha Nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng: pagpapaliwanag pangangatwiran

1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 1.9 1.10 1.11

1.28

Napipili ang mga salita o lipon ng mga salita na nagpapakilala ng: pagpapaliwanag pangangatwiran 1.13 Napipili ang mga pangungusap/pahayag na tumutukoy sa pagbibigay-kahulugan at pag-iisa-isa 1.14 Natutukoy ang mga salita na ginagamit sa pagkuha ng mga impormasyon 1.15 Nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapakilala sa aktwal na intensyon 1.16 Nagagamit nang wasto ang mga salita/ pangungusap na nagpapakilala ng paghahatid ng mensahe 1.17 Napipili ang mga salita/ pangungusap na nagpapakilala ng paglalagom 1.18 Natutukoy ang mga pangungusap/ pahayag na nagpapakilala ng pagbibigay proposisyon 1.19 Napipili ang mga salita/ pangungusap na kaugnay ng iba pang salita/pangungusap na nakapaloob sa isang pahayag 1.20 nakabubuo ng mga pangungusap na nabuo mula sa isa o higit pang pangungusap 1.21 Nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng argumento 1.22 Natutukoy ang mga salita/ pangungusap na naghuhudyat ng opinyon 1.23 Nakabubuo ng mga salita/ pangungusap na nagpapakilala ng alternativ na solusyon 1.24 Nakabubuo ng mga salita/ pangungusap na nagpapahayag ng implikasyon 1.25 Nakabubuo ng mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng pagkakatulad ng ideya 1.26 Nakabubuo ng mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng pagsasalungatan ng ideya 1.27 Nakagagamit nang wasto ng mga pangungusap na: nagpapahayag ng patanggi nagpapahayag ng pagtanggap Nakabubuo ng mga pangungusap na: pabuod pasaklaw

1.12

2. Naipapamalas ang kahusayan sa paggamit ng Filipino tungo sa efektiv na pasalitang komunikasyon 2.1 Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan at pag-aatubili

2.8

2.15

2.18

Nasasabi nang maayos ang pagsang-ayon o di-pagsangayon sa mga pangangatwirang narinig o nabasa 2.2 Nakapagbibigay ng mga panuto sa pagsasagawa ng isang bagay nang buong linaw 2.3 Nakapagpapahayag nang buong linaw ng mga tagubilin 2.4 Nakukuha ang kailangang impormasyon sa pamamagitan ng pasalitang sarvey 2.5 Naipaliliwanag nang maayos ang damdamin tungkol sa paksang pinag-usapan 2.6 Nailalahad nang buong husay ang mga tiyak na ideya at konseptong narinig/nabasa 2.7 Nailalahad nang maayos ang pansariling pangangatwiran, dahilan at saloobin Nagagamit nang wasto ang angkop na istratehiya sa: pagbubukas ng isang usapan pagsasaaayos ng kahinaan sa pagsasalita pagpapanatili ng usapan pagtatapos ng usapan 2.9 Natutukoy ang aktwal na intensyon/layon ng nagsasalita batay sa tono ng pagsasalita 2.10 Naipapahayag ang damdamin at nais na mensahe sa pamamagitan ng hulwarang intonasyon 2.11 Nabubuo ang pagpapasya ayon sa mga patunay at katwirang inilahad 2.12 Nailalahad ang mga patunay na makaiimpluwensya sa pagbubuo ng desisyon 2.13 Naisasagawa ang paglilinaw bago bumuo ng desisyon 2.14 Naipaliliwanag ang pagkakasunud-sunod ng mga hakbang sa pagsasagawa ng isang gawain Naihahatid ang mensahe sa tuwiran at di-tuwirang paraan 2.16 Naipahahayag nang maayosa ng matinding reaksyon sa mga bagay na di nagugustuhan 2.17 Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinion at saloobin Nakabubuo ng mga: pasubali proposisyon Pagbasa 1. Napauunlad ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala sa kahulugan ng salita o idyom 1.1 1.2 1.3 Nakikilala at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang nagtataglay ng di-lantad na kahulugan Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ang kahulugan ay nakapaloob sa pagitan ng mga salita Nabibigyang-kahulugan ang mga piling parirala/pahayag batay sa konteksto ng pagkakagamit nito
5

2.1

C.

1.4

Nabibigyang-hinuha ang kahulugang maaaring ipinahihiwatig ng pamagat

2.

Napauunlad ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala sa kahulugang taglay ng salita Naipaliliwanag ang kahulugan ng matatalinghagang salita at mga idyom 2.2 Nakalilikha ng bagong salita mula sa dalawang salitang pinaikli at pinagsama Natutukoy ang kahulugan ng salita: magkasingkahulugan magkasalungat na kahulugan magkahawig na kahulugan 2.1

2.3

3.

Napalalawak ang talasalitaan sa tulong ng ibat ibang paraan ng pagbibigay-kahulugan sa salita 3.1 3.2 3.3 Naisasama ang isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan ( collocation) Nakikilala ang pagkakaugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinapahayag ( clining ) Naisasagawa ang ibat ibang paraang ginagamit sa pagpapakahulugan sa salita tulad ng: pag-uugnay sa sariling karanasan ayon sa sitwasyong pinaggagamitan sa pamamagitan ng pahiwatig na tono Nabubuo ang bagong salita mula sa ibinigay na salitangugat sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit at pagtatambal batay sa kahulugang nakasaad Napapangkat ang mga salita ayon sa formalidad ng pagkakagamit Nakikilala ang mga salitang kaugnay ng isang salita o paksang ideya

3.4 3.5 3.6

4. Nalilinang ang kakayahang umunawa sa texto 4.1 Natutukoy kung ang texto ay : isang deskriptiv isang narativ isang ekspositori isang informativ isang argumentativ 4.2 Natutukoy at nailalarawan sa imaheng viswal ang mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa texto Naiisa-isa ang mga tiyak na layon ng texto 4.4 Nakikilala ang tono ng textong binasa sa tulong ng mga tiyak na bahagi

4.3

5. 5.1

Nalilinang ang kakayahang umunawa sa textong binasa batay sa mga tiyak na katangian Napapangkat ang mga magkakatulad na ideya at kaisipan 5.2 Napagsasama-sama ang mga magkakasalangutang ideya at kaisipang nakapaloob sa binasa 5.3 Napapangkat ang mga ideya upang makabuo ng isang mabuting balangkas ng binasa 5.4 Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa binasa

6.

Napauunlad ang kahusayang magpakahulugan sa nabasang texto Naibibigay ang reaksyon sa nabasa batay sa datihan ng mga kaalaman tungkol dito 6.2 Naibibigay ang pangkalahatang impresyon sa textong binasa paksa tema tono layon paraan ng paggamit ng mga salita Nakabubuo ng hinuha batay sa: mga pangyayari dating kaalamang kaugnay sa binasa 6.4 Natutukoy ang posibleng layon ng may-akda sa paglalahad ng mga kaaalaman 6.1

6.3

7.

Nalilinang ang kasanayang maging mapanuri kaisipan, ideya at kaalamang inilahad sa texto 7.1 7.2 7.3

sa mga

7. 4

Nakapaghahambing ng mga ideya o kaisipang nakasaad sa binasa Nakapag-uuri-uri ng mga ideya o kaisipang nakasaad sa binasa Naiuugnay ang implikasyon ng akda sa mga tiyak na pangyayari sa : sarili sa kapaligiran sa ibang tao Nasusuri ang texto batay sa paraan ng pagkakasulat istilo sa pagbubuo ng salita istilo sa pagbubuo ng mga pangungusap

8.

Napauunlad ang kakayahang maging mapanuri sa textong binasa Nakikilala ang mga panandang diskurso ( discourse marker) na nagbibigay-linaw sa mahihirap na bahagi ng texto: panandang naghuhudyat ng pagkakasunudsunod panandang naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskurso panandang naghuhudyat sa pananaw na ginamit ng may-akda Natutukoy ang ginamit na paraan sa pagbubuo ng talata istilo sa panimula istilo sa pagpapalawak istilo sa pagwawakas Nasusuri ang paraan ng pagkakagamit ng salita ayon sa: pagiging formal pagiging di-formal 8.4 Naipaliliwanag ang ibat ibang pakahulugang napapaloob sa texto: konseptwal proposisyonal kontekstwal pragmatic 8.5 Natutukoy ang mga gamit na pang-ugnay (cohesive devices) sa pag-unawa sa binasa: anaphora katapora Napipili ang mga salita sa texto na: iisa ang kahulugan maraming kahulugan magkasalungat ang kahulugan Nasusuri ang paraan ng pagkakasulat ng texto batay sa: kinakausap at nagsasalita relasyon ng texto at sa sumulat relasyon ng texto sa mambabasa 8.8 Naibibigay ang opinion sa dapat na maging wakas ng texto 8.9 Naipahahayag ang katwiran sa napiling opsyon sa mga alternativ na solusyon sa suliraning inilahad sa texto 8.10 Napipili ang mga bahagi ng textong may tuwirang kaugnayan sa realidad Naihahambing ang texto sa iba pang uri ng texto: 8.1

8.2

8.3

8.6

8.7

8.11

D. Pagsulat 1.

batay sa paksa batay sa layon batay sa tono batay sa pananaw batay sa paraan ng pagkakasulat pagbubuo ng salita pagbubuo ng pangungusap pagtatalata

Naipakikita ang mayamang imahinasyon sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng paglalahad 1.1 Naipamamalas ang pagkamalikhain sa pagsulat ng isang balita 1.1.1 Nagagamit ang mga tiyak na pamantayan sa pagsulat ng balita Nakasusulat batay sa tiyak na uri 1.1.3 Nakasusulat ng isang balita batay sa isang orihinal na balita 1.2 Naipakikita ang pagkamalikhain sa pagsulat ng isang editorial Nakikilala ang ibat ibang uri ng editorial 1.2.2 Nagagamit nang wasto ang mga tiyak na istrukturang gramatikal sa paglalahad ng pansariling opinion 1.2.3 Nakakapag-iiba-iba ng uri ng editoryal batay sa mga tiyak na katangian nito 1.3 Nakasusulat ng isang kathambuhay batay sa mga tiyak na katangian nito batay sa tiyak na format batay sa kawastuang pangnilalaman Naipamamalas ang pagkamalikhain sa pagsulat ng isang salaysay Nakapipili ng isang napapanahong paksa Nakabubuo ng maayos na pagbabalangkas 1.4.3 Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon 1.4.4 Nakapagpapangkat-pangkat ng mga magkakaugnay na ideya at impormasyon

1.1.2

1.2.1

1.4 1.4.1 1.4.2

1.4.6

1.4.5 Nabibigyang-halaga ang pagbubuo isang kaakit-akit na pagsisimula Nakabubuo ng isang di-inaasahang pagwawakas 1.4.7 Naipamamalas ang kahusayan pagpapalawak ng kaisipan

ng sa

2.

Naisasagawa ang mga kasanayan sa paggamit ng Filipino sa paraang pasulat Nagagamit nang wasto ang panuntunan sa pagbabaybay ng salita batay sa binagong alfabeto 2.2 Nakasusulat ng sariling reaksyon at saloobin batay sa isang tiyak na paksa Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pagsulat format nilalaman kawastuang gramatikal 2.4 Naipamamalas ang kahusayan sa pagbubuo ng magkakaugnay na kaisipan 2.5 Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na komunikasyon: wastong baybay wastong bantas wastong istruktura kawastuang gramatika Nakabubuo ng maayos na balangkas 2.7 Nakapag-uugnay-ugnay ng mga makabuluhang impormasyon sa pagbubuo ng talata 2.8 Nagagamit ang kaalamang gramatikal tungo sa wastong pagsulat 2.9 Napahahalagahan nang wasto ang ibat ibang sangkap sa efektiv na pagsulat tulad ng: kaisahan kapayakan kawastuan ng kontent kawastuang gramatikal 2.10 Naipapahayag ang pansariling opinion, damdamin, saloobin sa pasulat na paraan 2.11 Nabibigyang-halaga ang kaayusang teknikal sa pagsulat tulad ng: pagpapahalaga sa tamang bantas pagpapahalaga sa tamang istruktura pagpapahalaga sa maayos na pagsulat pagpapahalaga sa wastong baybay 2.1

2.3

2.6

10

MGA KOMPETENSING LILINANGIN SA PAGSUSURI NG FLORANTE AT LAURA (may laang dalawang linggo bawat markahan) 1. 1.1 Nakikilala at nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na katangian nito Nasusuri ang akda batay sa pagkakabuo nito. pagsunod sa bahagi bilang awit pagsunod sa banghay ng isang awit pagsunod sa istruktura ng awit 1.2 Nakapagpapahayag ng pansariling pananaw tungkol sa pagkakabuo ng akda alinsunod sa tatlong bahagi ng isang awit 1.3 Nakapagbabahagi sa klase ng pagsang-ayon at pagsalungat sa mga ideyang may kinalaman sa mga bahagi ng awit bilang akdang pampanitikan Nasusuri ang banghay batay sa: kaugnayan sa sariling karanasan mga suliranin at solusyon sariling paglalagom sariling interpretasyon 2. 2.1 Napahahalagahan ang akdang pampanitikan batay sa mga dati ng kaalaman Nasusuri ang mga tiyak na kabanata sa pamamagitan ng: pagbibigay ng opinion sa mga pangyayaring inilahad pag-uugnay sa mga pangyayari sa aktwal na karanasan pag-uugnay sa mga pangyayari sa mga karanasan ng iba pagbibigay solusyon sa mga suliraning inilahad pag-uugnay ng suliranin sa aktwal na suliranin 2.2 Nakabubuo ng lagom ng kabanatang binasa sa tulong ng mga kaugnay na karanasan

1.4

11

2.3

Naiuugnay ang akda sa mga tiyak na karanasan ng sumulat

3. Napahahalagahan ang akda batay sa mga tiyak na detalye 3.1 3.2 Nakabubuo ng pansariling konklusyon sa kabisaan ng ginawang wakas Naibibigay ang mga punong kaisipan sa bawat kabanata sa tulong ng pamagat

3.3

3.4

Nakapag-uuri-uri ng mga ideya/kaisipang inilahad sa akda panlipunan pampamilya pampamahalaan pansimbahan Napahahalagahan ang paraan ng pagsasalaysay na ginamit ng may-akda dayalog monolog tuwirang pagsasalaysay

4.

Nasusuri ang akda sa pamamagitan ng ibat ibang pananaw pampanitikan Naihahanay ang mga tiyak na pangyayari sa akda sa mga aktwal na pangyayari sa kasaysayan ng bansa 4.2 Natutukoy ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa akda Nasusuri ang akda sa romantesismong pagtingin 4.4 Naihahanay ang mga tiyak na bahagi ng akda sa pananaw klasisismo Nasusuri ang pagka-naturalistik ng akda 4.6 Natutukoy ang mga tiyak na bahagi na nagpapatunay ng humanistikong karakter ng akda 4.7 Nakabubuo ng mga matulaing imahe batay sa mga tiyak na bahagi 4.1

4.3 4.5

12

You might also like