Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Wikang Katutubo Tungo sa Isang Bansang Filipino

Ni: Tula ng Buhay

Wikang katutubo,
Wikang katutubo na natutunan ko;
Natutunan ko simula ng magkamalay ako.
Wikang katutubo na simula sa kamusmusan
ay akin ng nakaringgan.

Wika na aking nagamit, nagamit upang makasabay;


Makasabay sa agos ng buhay.
Maraming nagsasabi, ingles ay pahalagahan.
Pahalagahan daw ika nga, para daw magamit sa pakikisalamuha sa mga
banyaga.

Kaya naman ako'y napatawa, napatawa sa aking napakinggan na sambit ng


mga mangmang sa sarili nilang wika.
Sariling wika na nais nila itatuwa.
Itatwa, na parang animo' y di kanilang wika.
Ang sariling wikang kanilang itinatatwa.
Animo'y di naituturo sa paaralan gamit ang
edukasyon na mapagpala.

Sa edukasyon ginagamit ang wika,


Wika nq mapagpala at naghahawi;
Naghahawi sa mga mangmang sa sariling wika.

Kaya aking napagtanto, at natanong sa sarili ko.


Sino? Sino ba sila? Sino ang mga taong ito?
Mga taong nasa sariling bansa ngunit salitang banyaga ang pinahahalagahan
na maging wika.

Kaya naman, aking nabatid.


Nabatid at napagtanto sa aking pagninilay-nilay.
Na kung ang sariling wika, ay kalilimutan ng mga mga taong naninirahan sa
bansang ang ginagamit ay wikang katutubo.
Wikang katutubo na dapat mapagtanto.
Mapagtanto na ito ang sumisimbolo;
Sumisimbolo ng kanilng pagkatao at mapagkikilanlan,
Kung sino at saan ang kanilang lahing pinagmulan.

Marapat lamang na aking ipaalam,


Ipaalam sa mga taong nakalilimot;
Nakalilimot sa mga pinagdaanan na sakripisyo
Ng mga Bayaning Pilipino,
Bayaning Pilipino upang mapalaya lamang tayo.
Mapalaya sa kamay at matatalim na kuko;
Kuko ng mga dayuhan na dumurak sa ating pagka Pilipino.

Kaya, kaya nman ngayon aking mga kapwa Pilipino.


Ating pahalagahan Wikang katutubo na mapagkikilanlan ng ating lahi at
pagkatao.

Wikang Katutubo tungo sa isang bansang Filipino.


Pilipino tayo;
Mahalin ang wikang Tagalog ng mga Pilipino.
Pilipinas nakatira ay mga Pilipino;
Pilipino na may pagkakaisa,
Pagkakaisa na magtatanggol sa wikang katutubo na mapagkikilanlan ng lahing
Pilipino.

Halina at magkaisa tayo.


Magkaisa tayo na buhayin at palaguin pa;
Palaguin natin;
Wikang katutubo
Tungo sa Isang
Bansang Filipino

You might also like