Maraming negatibong epekto ang naidudulot ng deporestasyon sa kapaligiran
at ekonomiya. Ang pagkawala ng mga puno ay siya ring kabawasan ng mga benepisyong natatamasa ng mga tao at ng kapaligiran. Napakahalaga ng kagubatan sa iba’t ibang mga kadahilanan, kabilang na ang katotohanang ito ang tumatanggap ng carbon dioxide na nagmumula sa mga tao at kapaligiran. Kapag mas kaunti ang mga punong nagsasala ng carbon dioxide mula sa atmospera, ang mga greenhouse gas ay maaaring maipon sa mga nakakapinsalang paraan. Ang pandaigdigang epekto ng mga aktibidad ng tao ay nagdudulot ng tagtuyot na nakakaapekto sa maraming bahagi ng mundo. Nililimitahan nito ang kakayahan ng mga tao na magtanim, makakuha ng mga suplay ng tubig, at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan araw-araw. At kung patuloy ang pagpuputol ng mga puno upang lumikha ng mas maraming espasyo at malalaking bahagi ng lupa para sa pagsasaka, rantso, plantasyon, o pastulan ng agrikultura, ang mga panandaliang kita na kakaharapin ay magiging utang na papasanin ng mga susunod pang henerasyon. Ang deporestasyon ay nakakaapekto rin sa temperatura ng mundo at kondisyon ng panahon. Nagdudulot ito ng mas mainit na klima sa bansa at mas maraming sikat ng araw ang umaabot sa kagubatan, na nangangahulugan ding may kabawasan sa init na nananatili lamang sa oras ng gabi. Ito ay isang kawalan na nagdudulot ng mas matinding pagbabago sa mga pandaigdigang temperatura dahil may mas kaunting mga impluwensya sa lugar na kayang mapanatili ang normal na temperatura. Dapat na maunawaan na ang madalas at malubhang pagbabago sa klima ay direktang nauugnay sa pag-aalis ng puno. Ang deporestasyon ay maaari ring humantong sa mga isyu sa pagkalipol ng mga uri ng hayop. Kapag ang tirahan ng mga hayop ay naapektuhan nito, kinakailangan nilang umangkop sa kanilang bagong kondisyon ng pamumuhay upang manatili sa mundong ito. Ang World Wildlife Federation ay naglabas ng isang ulat noong 2018 na kinabibilangan ng 59 na siyentipiko mula sa buong planeta. Nakaulat sa kanilang konklusyon na: mula noong 1970, inalis ng mga tao ang 60% ng mga uri ng hayop dahil sa lumalaking pagkonsumo ng mga mapagkukunan at pagkain. Dapat na mapagtanto na ang kalikasan ay ang sistemang sumusuporta sa buhay ng lahat sa halip na maging isang bagay na magandang taglayin. Ang deforestation ay maaaring makagambala sa kabuhayan ng buong kultura. Mayroong higit sa 1.2 bilyong tao sa mundo ngayon na umaasa sa forest biome para sa kanilang kanlungan. Nagkakaroon din ng seguridad sa tubig at pagkain dahil sa responsableng paggamit ng mga puno. Halos 750 milyong tao ang aktwal na nakatira sa kagubatan, kabilang ang 60 milyong katutubo. Ang pagkilos ng deporestasyon ay nakakagambala sa lahat ng mga buhay na ito, kadalasan ay may mapangwasak na mga kahihinatnan kapag nangyari ito. Ang mahihirap sa kanayunan sa Brazil ay naakit na palabas sa kanilang mga nayon upang magtrabaho sa mapang-abuso, sapilitang kondisyon sa mga plantasyon bilang isang anyo ng modernong pang-aalipin. Sa rehiyon ng Mekong ng Timog- silangang Asya, ang pagkilos na ito ay humantong sa pandarayuhan ng populasyon, salungatan sa lipunan, at mas mataas na antas ng karahasan. Ang deporestasyon ay humahantong sa pagtaas ng antas ng pagbaha at pagguho ng lupa. Ang mga puno ang nagpapanatili sa katatagan ng lupa na siyang kailangan dahil sa hindi magandang kalidad ng lupa. Madaling dumaloy ang tubig sa mga mababang kalidad ng lupa, na humahantong sa pagbaha. Kung wala ang presensya ng mga puno, maaaring bumaba ang antas ng pagsipsip ng tubig. Ang mahinang drainage nagreresulta ng mas mataas na antas ng pagbaha at pagguho dahil wala ng natitira upang pigilan ang paggalaw ng tubig. At ang sobrang tubig ay dumadaloy sa mga sapa at ilog, na nagiging sanhi ng pagbaha sa ibaba ng agos para sa mga komunidad na daan-daang milya ang layo mula sa kung saan nagaganap ang mga gawaing deporestasyon. Ang pagkilos ng deforestation ay lumilikha ng limitadong kita para sa mga nakikilahok sa aktibidad na ito. Ang pag-alis ng mga puno ay lumilikha ng isang tiyak na gastos na naglilimita sa epekto sa ekonomiya na kailangan ng ating pandaigdigang lipunan. Ayon sa impormasyong inilathala ng BBC, hanggang $5 trilyon ang nawawala bawat taon dahil sa aming pagsisikap na alisin ang mga kagubatan. Ang kabuuang kawalan na nararanasan ng marami sa pananalapi ay katumbas ng halos buong GDP mula sa lahat ng mga bansa na nakikilahok sa mga aktibidad ng deporestasyon. Pinipigilan ng deforestation ang patuloy na pananaliksik. Ang mga kagubatan ay nagbigay ng maraming benepisyong medikal na nagpabago sa paraan ng pag-iisip ng nakararami tungkol sa kalusugan. Iminungkahi ng kamakailang pananaliksik na hanggang sa 70% ng buhay ng halaman na matatagpuan sa mga rainforest ay nag-aalok ng potensyal na mga katangian ng paggamot sa kanser. Kasalukuyan gumagamit ng mahigit 200 halaman para sa mga gamot na ginagamit ngayon dahil sa mga pagsusuring ginawa sa rainforest noong mga nakaraang henerasyon. Hindi lamang ihihinto ang mga pagsulong ng medikal sa hinaharap sa mga aktibidad sa deporestasyon, ngunit inaalis din ang mga kasalukuyang opsyon sa paggamot para sa mga taong may sakit. Ang proseso ng deporestasyon ay maaari lamang tumagal ng napakatagal. Anumang oras, mayroon lamang tiyak na bilang ng mga puno dito sa mundo. Kung patuloy puputulin ang mga ito para sa ibang layunin, sa kalaunan ay mawawala silang lahat. Malinaw na naipaliwanag ang mga maganda at hindi magandang epekto ng deporestasyon. Kung ipagpapatuloy ang pagiging iresponsable sa mga kagubatan ngayon, ang mga susunod na henerasyon ang magbabayad ng halaga sa mga gawaing iyon. Anong uri pa ng planeta ang masasaksihan ng mga susunod na henerasyon kung hindi ito matitigil?