Script For Balitaan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Magandang araw po sa inyong lahat, ako po si Ryan Reese David nagbabalita

Sinabi nitong Linggo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang gobyerno ng Pilipinas ay
naghahanap ng mga paraan upang matulungan ang mga biktima ng lindol hindi lamang sa
Turkey kundi maging sa Syria.

Sinabi niya na nakatanggap siya ng mga ulat mula sa koponan ng bansa sa Turkey, na binanggit
na marami ang nagbigay ng tulong matapos ang mapangwasak na magnitude 7.8 na lindol na
yumanig sa Turkish city ng Kahramanmaras noong Lunes.

"Nag-set up na sila ng ospital at marami na ang na-rescue. Pero tuloy pa rin sila," sinabi niya sa
media interview sa kanyang paglipad pabalik ng Maynila pagkatapos ng kanyang limang araw na
pagbisita sa Japan.

"I am trying to find a way kasi hindi lang Turkey ang tinamaan. Apektado din ang Syria. At alam
naman natin na hindi rin maganda ang sitwasyon sa Syria. That is why I am hoping to do
something to help them," Idinagdag niya.

Nagpadala ang Pilipinas ng 82-kataong team para tumulong sa paghahanap at pagsagip ng mga
awtoridad sa Turkey.

Ang grupo ay binubuo ng mga tauhan mula sa Office of Civil Defense (OCD), National Disaster
Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of Health (DOH), Philippine
Army, Philippine Air Force, at Metro Manila Development Authority (MMDA), at iba pa.

Sinabi ng Pangulo na kabilang sa mga mahahalagang gamit na ipapadala sa Turkey at Syria ay


ang mga kumot at mga damit para sa taglamig. Inihayag din niya na ang pamahalaan ay
nakatanggap ng isang pangako mula sa Turkish airways upang dalhin ang mga gamit sa Turkey.

“I already have the assurance also of the Turkish airways that they will be the ones to bring our
people and our equipment and our goods to I suppose Ankara first and to be distributed properly
in Turkey,” Sinabi ni Pangulong Marcos.

Nag alay si Marcos ng mga kaisipan, panalangin, at tulong sa Turkey at Syria matapos ang daan
daang tao na nasawi sa 7.8 magnitude na lindol na tumama sa magkabilang panig noong Lunes.

Muli, ako po si Ryan Reese David nagbabalita.

You might also like