Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang wikang Cebuano kilala rin sa tawag na binisaya,bisdak, bisaya, at sugbuhanon ay ang katutubong

wika sa isla ng Cebu. Ito ay nabibilang sa Malayo-Polynesian na pamilya ng wikang Awstronesyo na


sinasalita sa Pilipinas. Ang wikang ito ay katutubong sinasalita ng mga naninirahan sa Cebu, Bohol,
Negros Oriental at sa ilang bahagi ng Leyte at Samar at sa kabuuan ng Mindanao. Umusbong ang Wikang
Cebuano sa maraming lalawigan at bayan kung kaya’t marami ang gumagamit nito. Ang wikang ito,
kagaya ng iba’t ibang lengguwahe at diyalekto sa Pilipinas, ay kabilang sa grupo ng mga lengguwahe na
kilala sa katawagang ‘’agglutinative’’. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas na
Cebu, na hinulapi ng Kastilang – ano o nangangahulugang likas o isang lugar. Ito ay may iba't ibang
barayti. Binul-anong Binisaya na isa sa varayti ng wikang Cebuano at ito’y sinasalita ng grupong Bol-anon
(tinatawag ring Boholano) sa Bohol, ang varayting Negrensing Binisaya na laganap sa iba’t ibang bahagi
ng Negros Oriental, ang Binisayang Siquijor na sinasalita sa iba’t ibang bayan ng Siquijor, ang
Masbatenyong Binisaya na sinasalita sa Isla ng Burias at sa mga bayan sa timog at timog-kanlurang
bahagi ng Masbate. Ang Binisayang Mindanaw na sinasalita sa Agusan del Norte, Agusan del Sur,
Bukidnon, Camiguin, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Dava Occidental, Isla ng Dinagat,
Lambak Compostela, atbp. ay varayti rin ng Wikang Cebuano.

Nang dumating si Antonio Pigafetta, Ang kasamahan ni Ferdinand Magellan sa kanyang First Expedition,
nakapagtala siya ng mga 160 Sugbuanon na salita na may katumbas sa wikang Italyano.

Marami sa mga salitang ito ay ginagamit pa rin ngayon at may parehong kahulugan kumpara sa 500 taon
na ang nakakaraan. Ang ilan ay bahagyang nagbago at ang ilan ay hindi na ginagamit.

Dahil na rin sa impluwensiya ng pananakop ng mga Kastila ay maraming salitang Cebuano na hango sa
wikang Kastila, tulad ng krus (cruz), swerte (suerte) at brilyante (brillante).

Ang wikang Cebuano ay kabilang sa ika-47 na nangungunang wika sa mundo, ito ay isang laganap na
wika sa Pilipinas na mapapatunayan ng dami ng mga migranteng pangkat-etnikong Pilipino na
nagsasalita nito, pati ng rin ng mga dayuhang pangkat-etniko sa iba’t-ibang mga bahagi ng mundo.

You might also like