Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Name: Rose May P. Jimena Subject: FIL 311 (Panitikan) Schedule: TTH (7:00 P.M. – 8:30 P.M.

Sagutin at ipasa sa GCR (Stream)


1. Ano ang Panitikan?
- Ang Panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,
mgakaranasan, hangarin at diwa ng mga two. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawanlalo
na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
- Ang salitang Panitikan ay nanggaling sa salitang “pang-titik-an" na kung saan ang
unlaping "pang" ay ginamit at hulaping “an". At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na
nangunguhulugang titik.
- Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may
kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

2. Ano ang 2 Anyo ng Panitikan?

a. Tuluyan o prosa (Ingles: prose) – maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng


pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

b. Patula o panulaan (Ingles: poetry) – pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang


binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang
ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

3. Ano ang 2 Uri ng Panitikan?

a. Piksyon (fiction) – ang mga na akda mula sa imahinasyon ng manunulat. Ang mga kwento ay hindi
totoo kagaya ng maikling kwento, nobela atbp.

b. Di-piksyon (non-fiction) – ito ay mga akdang batay sa tunay na pangyayari, katulad ng talambuhay,
awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.

4. Ano-ano ang mga akdang tuluyan?

- NOBELA - isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.

- MAIKLING- KWENTO - salaysaying may isa o ilang tauhan na may isang pangyayari sa kakintalan.

- DULA - itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.


- ALAMAT - ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan.  Isang uri ng panitikan na nagkukuwento
tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

- PABULA- mga salaysayin ding hubad sa katotohanan na ang mga tauhan ay mga hayop. Ang la
yunin ng pabula ay gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang
ugali at kilos.

- ANEKDOTA - mga likhang - isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na
ang tanging layunin ay makapagbigay aral sa mga mambabasa.

- SANAYSAY - ito'y nagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may akda tungkol sa isang suliranin
o pangyayari.

- TALAMBUHAY- isang tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.

- BALITA - isang paglalahad ng mga pang- araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan,


mga industriya at agham, mga sakuna at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa.

- PARABULA – o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa
Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.

- KWENTONG BAYAN - (Filipino:   folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan
na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o
kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

- TALUMPATI - isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng


pagsasalita sa entablado.

5. Ano ang apat na uri ng Akdang Patula?

A. TULANG PASALAYSAY - naglalarawan ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay tulad


ng kabiguan sa pag-ibig, mga suliranin sa buhay at panganib sa pakikipagdigma o kagitingan ng mga
bayani.

* EPIKO

*AWIT AT KURIDO

*BALAD

B. TULA NG DAMDAMIN O LERIKO - ito'y tulang inaawit.

*AWITING BAYAN

*SONETO

*ELEHIYA

*DALIT
*PASTORAL

*ODA

C. TULANG DULA o PANTANGHALAN - tula na itinatanghal sa entablado.

*KOMEDYA

*MELODRAMA

*TRAHEDYA

*PARSA

*SAYNETE

D. TULANG PATNIGAN - palipahan ng husay sa pagbigkas ng tula.

*KARAGATAN

*DUPLO

*BALAGTASAN

6. Ano ang 12 Akdang Pampanitikan na nakakaimpluwensya sa daigdig?

1. Banal na kasulatan

2. Koran

3. Iliad at Odyssey

4. Mahabharata

5. Divina Commedia

6. El Cid Campeador

7. Awit ni Rolando

8. Aklat ng mga Araw

9. Aklat ng mga Patay

10. Sanlibo’t isang Gabi

11. Centerbury Tales

12. Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher

You might also like