Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jimena, Rose May P. BEED-3 FIL 311(PANITIKAN) 7:00-8:30 PM Sept.

13, 2022

Teoryang Dekonstruksyon
a. Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-instrakturalismo. Ibig sabihin, hindi lamang
wika ang binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng realidad o pilosopiya at ang
pagkakahubog nito sa kamalayang panlipunan. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa
kamalayan ng gumagamit sa teksto at hindi sa teksto mismo. Habang isinusulat ang
teksto, ang kahulugan nito’y nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa oras na nasa
kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa mambabasa na.

- Ito ay isang uri ng teoryang pampanitikan kung saan ang karaniwang istraktura ng
kwento ay hindi sinusunod. Natural nitong pinadadaloy ang kamalayan at kaisipan
ng isang tao at Gabon din ang mga pangyayaring hindi karaniwang pinag- uusapan.
Lumilikha ito ng serye ng mga pangyayaring magkakaugnay subalit winawakasan
naman ng mga hindi sukat aquaplaning pangyayari. Salungat ito sa mga
nakagawiang siklo na nkakahon.

Teoryang Feminismo
a. Ang pananaw na ito ay naglalayong malabanan ang operasyon ng sistemang patriarchal sa
kababaihan. Isang teorya ng singing na naglalayong iwasto ang mga maling pananaw tungkol sa
kahalagahan, tungkulin at kahulugan ng babae sa lipunan. Isang kilusan na nag layunin ay
ipatupad ang karapatan ng kababaihan sa pulitika, ekonomiya at lipunan. Nais ng feminismo na
ilagay ang mga babae sa kanyang tamang lugar sa isang patriyarkal na lipunan kung saan hindi
pantay ang trato sa mga babae at lalake. Naglalayon din itong malabanan ang opresyon o pang-
aapi ng sistemang patriyarkal sa kababaihan at mabuwag ang de-kahong imahe na ibinibigay sa
mga babae.
- Ito ay teoryang nakatuon kapwa sa mga kababaihan bilang mambabasa at sa mga
kababaihan bilang manunulat. Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga
kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. Naglalayon din itong mawala o mabuwag ang de-kahong imaheng
ibinibigay sa babae at malabanan ang operasyon o pang-aapi ng sistemang patriyarkal sa
mga kababaihan. Tinatalakay sa teoryang feminismo ang pagsalungat sa ideya na
mahihina, marupok, pantahanan, masama, emosyonal at tanga ang mga babae.
TEORYANG PORMALISMO

a. Tumutukoy so isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang tested at


hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan, istilo, o
paraang artistiko ng teksto. Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas sa
teksto mismo, tulad ng histori, politika, at talambuhay.

- Teoryang ito ay may pananaw na ang akda o teksto ay dapat suriin at pahalagahan kung
ibig talagang masukat ang kagandahan ng akda. Layunin ng pagsusuring Formalistiko o
Formalismo ang pagbibigay pansin sa anyo ng panitikan. Ang pisikal na katangian ng
akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Naging tanyag ang pananaw na ito sa
panunuring pampanitikan dahil na rin sa dami ng mga pagsusuring ginamitan ng
ganitong pananaw. Sa pananaw na ito ay hindi lamang mahalaga ang pagbabalangkas
kundi ang pagsusuri na ring ginamit. Sa pagtalakay ng akda, dapat ang mailantad lahat
ng mahahalagang bagay mula sa simula patungo sa iba’t-ibang elementong
magkakaugnay hanggang sa katapusan. Binibigyang atensiyon din ang salita o
vokabularyo at ang kaibahan ng mga salitang pampanitikan sa pang araw-araw na salita.

You might also like