Walang Pamagat Na Dokumento

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

PANGKAT 4/ROOM 4

1. Dahilan ng pagkakasulat ng awit


- Ang Florante at Laura ay kahawig ng mga pangyayari sa kanyang buhay, lalo na noong
siya ay nakulong. Isinulat niya ito upang iparating ang paghihirap ng mga Pilipino sa
panahon ng rehimeng Espanyol. Ang pinaka dahilan ni Balagtas sa pagsulat ng
Florante at Laura ay upang kanyang isiniwalat ang kanyang galit o himagsik laban
sa mga kastilang mananakop. Isa sa mga rason kung bakit sinulat ni Francisco
Balagtas ang Florante at Laura ay dahil sa labis na sakit, kaapihan, at ang kawalang
katarungan na naranasan niya dahil lamang sa maling pagbibintang sa kanya ng
kanyang karibal na si Nanong Kapule sa isang bagay na hindi niya ginawa at
pinakulong siya ng walang kasalanan at katarungan.

2. Dapat ba talagang ituro ang Florante at Laura sa Baitang 8?


- Mahalaga ang pag-aaral sa akda ng Florante at Laura dahil naglalaman ito ng
mahahalagang aral na magsisilbing gabay nating mga Pilipino. At sapagkat ito ay
nagtuturo ng mga magagandang aral na may kaugnayan sa pagrespeto ng mga
desisyon at sitwasyon ng ibang tao at ito rin ay akma para sa edad ng mga
estudyante lalo na sa kanilang grado. Isa pang dahilan ay marami ito itinuro na
magandang asal na nakaka influensya nang mabuti sa mga bata nang baitang 8 at
importante ito sa kasaysayan nang ating bansa at ito ay dapat matutunan nang lahat
nang bata nang baitang 8. Dahil ang kwentong ito ay nagtuturo sa atin kung paano
tayo dapat gumalang at maging responsable bilang isang mag-aaral ito ay
napakahalagang pagtuturo sa mga estudyante para sa atin na dumaan sa yugto ng
pagbibinata magandang turo ito na makakatulong sa atin paglaki.

You might also like