SG - FPL 11 - 12 Q1 0401 - Kahulugan, Layunin, at Gamit NG Sintesis

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Yunit 4: Pagsulat ng Sintesis

Aralin 1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng


Sintesis
Nilalaman
Pansinin 1
Panimula 1
Mga Layunin 2

Tuklasin 2

Alamin 4
Kahulugan at Katangian ng Sintesis 4
Layunin at Gamit ng Sintesis 6
Dalawang Uri ng Sintesis 7

Palawakin 9
Gawain 1 9
Gawain 2 10

Suriin 11

Paglalahat 16

Bibliyograpiya 16
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

Pansinin

Panimula

Lar. 1. Ang pagbuo ng sintesis ay katulad ng pagbuo ng isang puzzle.

Sa tuwing bumubuo ng isang puzzle, pinipili at tinutukoy natin kung anong mga piraso ang
magkakaugnay o may koneksiyon upang mabuo ang isang larawan o imahen. Malaki ang
pakakatulad nito sa pag-uugnay ng mga kaalaman. Marapat na matukoy ang mga ideyang
maaaring pag-ugnayin na nagiging saligan ng isang sulatin. Subalit, paano nga ba matutukoy
ang angkop na kaalaman na may kaugnayan sa pangunahing kaisipang nais ilahad sa isang
sulatin? At gaano nga ba kahalaga ang ugnayan ng mga ideya sa isang akademikong sulatin?

1
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang
● natutukoy ang kahulugan at katangian ng sintesis bilang isang akademikong sulatin,
at
● nailalahad ang mga layunin at gamit ng sintesis bilang isang akademikong sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd


nakikilala ang iba't ibang uri ng akademikong sulatin, gaya ng sintesis ayon sa: (a) Layunin (b)
Gamit (c) Katangian (d) Anyo (CS_FA11/12PN-0a-c-90)

Tuklasin

3 minuto

Pag-ugnayin ang mga salitang nasa talahanayan upang makabuo ng isang pahayag tungkol
sa pagsulat.

pagsulat kaisipan tao naglalahad ipahayag

midyum kasanayan damdamin mensahe wika

Pagkatapos ng tatlong minuto ay humanap ng katambal at ibahagi sa isa’t isa ang inyong
mga naisulat.

2
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang pahayag ng iyong kapareha?

2. Ano-ano ang susing salitang iyong ginamit sa iyong pahayag?

3. Sa pamamagitan ng iyong nabuong pahayag, paano mo ito maiuugnay sa kahulugang


tinalakay kaugnay ng akademikong pagsulat?

4. Sa iyong palagay, ano ang isang salita mula sa talahanayan ang maiuugnay sa maikli at
makabuluhang pagsulat?

3
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

Alamin

Ang pagsulat ay isang makrong kasanayan na naglalahad ng kaisipan at damdaming nais


ipahayag ng tao gamit ang pinakaangkop na mga salita upang epektibong makapaghatid ng
mensahe. Kaya naman, ang mga uri ng akademikong sulatin ay lumilinang sa kakayahang
makagpagpahayag nang mabisa, masinop, at mapanuri kaugnay sa iba’t ibang larang sa
paraang pasulat. Isa sa mga karaniwang halimbawa ng akademikong sulatin ay sintesis.
Ano nga ba ang kahulugan, layunin, at gamit ng sintesis?

Alalahanin
Ang sintesis ay isang uri ng sulatin na naglalahad ng orihinal na
teksto sa mas maikli ngunit kompleto at detalyadong paraan.
Inaasahang ang mga pinakaimportanteng parte ay naibabahagi sa
pamamagitan ng ibang salita o kataga na ginamit sa mga orihinal o
pinagbatayang mga akda.

Kahulugan at Katangian ng Sintesis

Nagmula ang sintesis sa salitang Griyego na syntithenai na binubuo ng -syn na


nangangahulugang kasama o magkasama at -tithenai na nangangahulugan namang ilagay.
Sa kabuuan, nangangahulugan ang sintesis na sama-samang ilagay. Sa larangan naman ng
pilosopiya, tinutukoy ang sintesis bilang bahagi ng metodong diyalektikal ni George Wilhelm
Friedrich Hegel kaugnay ng pagbuo ng katwiran.

Kaugnay naman ng larangan ng pagsulat, ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng


impormasyon sa pinaikling paraan upang mapagsama-sama at mapag-isa ang
magkakaugnay na datos mula sa iba’t ibang sanggunian gaya ng tao, libro, o pananaliksik
tungo sa isang malinaw na kabuuan o identidad.

Gayundin, nangangahulugan ang sintesis bilang isang uri ng akademikong sulatin na:

4
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

● pagsasama ng dalawa o higit pang buod;


● paggawa ng koneksiyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin; at
● pagsasama ng iba’t ibang akda upang makabuo ng isang akdang may malinaw na
ugnayan ng mga ideya.

Lar. 2. Grapikong representasyon ng pagbibigay-kahulugan sa pagsulat ng sintesis

Samantala, maituturing ding isang ebalwasyon o pagsusuri ang sintesis. Sinusuri nito ang
mga ebidensiya ng isang partikular na paksa upang makatulong sa pagpapasya sa pagbuo
ng mga patakaran. Isa itong pamamaraan kung saan ang isang manunulat, akda, at/o
tagapagsalita ay inilalahad ang mga orihinal na teksto sa mas maikli ngunit kompleto at
detalyadong pagpapaliwanag.

Ang pagsulat ng isang sintesis ay hindi lamang pagpuputol-putol ng mga pangyayari o hindi
lamang basta-bastang pagbabanghay. Kinakailangang pag-aralang mabuti kung alin ang

5
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

mga pinakaimportanteng bahagi na dapat pagsamahin. Matagumpay na naipahahayag at


naipapasa ang mga impormasyon at detalye sa sintesis kahit hindi ito kasinghaba ng
orihinal na teksto.

Layunin at Gamit ng Sintesis


Matutukoy na ang pagsulat ng sintesis ay ginagawa para sa mga tekstong naratibo. Ilan sa
mga halimbawa nito ang pagbubuod ng maikling kuwento, akademikong sulatin, at iba pang
anyo ng sulating tuluyan o prosa. Mahalaga ang sintesis sapagkat inilalahad nito ang
kabuuang nilalaman ng isang akda sa mas mabisang pamamaraan upang maunawaan ng
mga mambabasa. Layunin ng pagbuo ng sintesis na mabigyang-pansin ang sumusunod:
1. Paglalahad ng wasto o angkop na impormasyon mula sa mga pinaghanguan o
sanggunian.
2. Organisadong mailahad ang kabuuang nilalaman ng akda ayon sa maayos na
pagkakasunod-sunod nito.
3. Mapagtibay ang nilalaman ng akda o teksto at mapalalim ang pang-unawa ng mga
mambabasa kaugnay nito.

Tandaan
Kinapalolooban ang sintesis ng mahahalagang impormasyon mula sa
orihinal na teksto. Mahalaga ang organisasyon ng mga ideya sa
pagbuo nito dahil maaaring nanggaling ang mga impormasyong
inilalahad nito sa iba’t ibang batis ng kaalaman.

Dalawang Uri ng Sintesis


May dalawang uri ang sintesis batay sa layunin ng pagkakasulat nito. Una, ang sintesis na
explanatory na naglalayong tulungan ang mambabasa na maunawaan ang paksa.
Pangalawa ay ang sintesis na argumentative na naglalayong maglahad ng pananaw ng
sumulat.

6
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

Nasa talahanayan ang mas tiyak na paghahambing sa dalawang uri ng sintesis:

Talahanayan 1. Paghahambing sa sintesis na explanatory at argumentative

Explanatory Argumentative

Layunin Ipinaliliwanag nito ang tiyak na May isang argumento tungkol


paksa ng isang akda o teksto. sa paksa at
binibigyang-katwiran o
pinagtitibay ito upang
mahikayat na sumang-ayon
ang mga mambabasa sa
inilalahad.

Katangian Nagtataglay ito ng mga Nagtataglay ito ng mga


totoong detalye at opinyon na batay sa mga
impormasyon. impormasyong nasaliksik ng
manunulat.

Paglalahad Naglalahad ng impormasyon at Gumagamit ang manunulat


hindi gumagamit o hindi ng mga salitang naglalahad ng
nagdaragdag ng opinyon o kaniyang sariling opinyon o
pananaw sa mga ito. pananaw tungkol sa paksa.

Mahalagang maunawaan ang layunin ng isusulat na sintesis at kung paano makasusulat


nang naaayon sa anyo nito. Sa kasunod na aralin ay detalyadong tatalakayin ang
pagkakaiba ng dalawang uri na ito ng sintesis.

Mga Tip

● Hindi madali ang sumulat ng isang sintesis lalo na kung ito ay nasa

7
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

uring argumentative, subalit tandaan na magiging madali at mabisa


ito kung magbabasa at mananaliksik.
● Ang pagbasa ang pinakamainam na gawin upang makapangalap ng
mga angkop o wastong impormasyon tungkol sa mga paksang ating
isinusulat.
● Mahalaga sa pagsulat ng sintesis ang pag-uugnay-ugnay o
pagsasama-sama ng mga impormasyong nasaliksik kaya naman
ang susi upang maraming impormasyon at madaling
mapag-ugnay-ugnay ang mga ito ay ang kasanayan sa mapanuring
pagbabasa.
● Ang karanasan at kaalaman sa paksa ang pinakamabisang
instrumento sa pagsulat.

Palawakin

Gawain 1
Pumili ng alinman sa tatlong paksa. Magbasa ng mga teksto o artikulo tungkol dito.

8
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

Pag-aralan ang mga ito at subukang sumulat ng sintesis.


a. Epekto ng pagpapalaganap ng fake news sa social media
b. Pagdedeklara ng World Health Organization (WHO) na nasa kalagayang pandemic ang
buong mundo dahil sa COVID-19

Gabay sa Pagsagot
● Upang maging matagumpay ang pagsulat ng sintesis, mahalagang
magbasa at suriing mabuti ang mga susing salita sa paksa.
Makatutulong ito upang mas mapalawak at mapadali ang
pag-uugnay-ugnay ng mga sasaliksiking ideya.

9
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

● Gumamit ng iba’t ibang sanggunian upang mapagtibay ang ideyang


inilalahad.

Gawain 2
Mula sa napiling paksa sa Gawain 1, subukang sumulat sa unang pagkakataon ng isang
sintesis na argumentative kung saan mailalahad ang iyong opinyon o pananaw tungkol sa
napapanahong paksang napili. Maaari gamiting gabay sa paglalahad ng iyong opinyon ang
sumusunod:
a. Paglaganap sa social media ng mga hindi totoong pahayag ng mga politiko
b. Paraan ng pag-aksyon ng pamahalaan sa krisis na dulot ng COVID-19

Gabay sa Pagsagot
● Pag-aralang mabuti ang dalawang panig na magkatunggali kaugnay
ng paksa. Alamin ang mga posibleng argumentong ilalahad at
talakayin at sagutin ang mga ito sa sintesis na isusulat upang walang
maiwang tanong sa isip ng mga mambabasa.

10
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

● Ayusin ang paglalahad ng ideya batay sa iba’t ibang argumento at


hindi ayon lamang sa nilalaman ng bawat tekstong nasaliksik.

Suriin

A. Sagutin ang sumusunod na tanong. Ipaliwanag nang


mahusay ang sagot.

1. Paano naiiba ang pagsulat ng sintesis sa pagsulat ng isang buod?

2. Bakit maituturing ding isang paraan ng ebalwasyon ang pagsulat ng sintesis?

11
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

3. Bakit mahalagang wasto o angkop ang mga sangguniang paghahanguan ng mga


impormasyon sa bubuuing sintesis?

4. Bakit mahalagang ilahad sa sariling pamamaraan ang sintesis at hindi lamang


pagsama-samahin ang mga ideya mula sa iba’t ibang sanggunian?

5. Paano makatutulong ang pagsulat ng sintesis sa pagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip


o pagpapahayag?

12
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

B. Sagutin ang sumusunod na tanong. Ipaliwanag ang sagot


sa sariling pangungusap.

1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang organisado ang mga ideyang ilalahad sa isusulat
na sintesis?

2. Sa iyong palagay, ano-ano ang kakayahang nalilinang sa pagsulat ng sintesis?


Ipaliwanag kung paano nalilinang ang bawat isang kasanayan sa pagbuo ng sintesis.

13
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

3. Kinakailangan bang samahan ng malikhaing pagsulat ang pagsulat ng sintesis?


Pangatwiranan.

4. Paano nakaiimpluwensiya ang kasanayan sa pagsulat ng sintesis sa pakikilahok sa


isang napapanahong isyu sa lipunan?

14
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

5. Sa iyong palagay, paano lubos na nakatutulong ang mahusay na kakayahan sa


pagbasa at pagsulat ng isang sintesis?

Paglalahat
___________________________________________________________________________________________

● Mahalaga ang pagsulat ng sintesis sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pagbasa at

15
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis

pagsulat sapagkat sa sintesis ibinubuod o pinagsasama-sama sa organisadong paraan


ang mga magkakaugnay na ideya o impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian upang
makabuo ng isang pangkalahatang kaalaman.
● Maituturing ang pagsulat ng sintesis na isang mabisang paraan upang mabigyan ng
ebalwasyon o overview ang isang akda o teksto, piksyon man o hindi piksyon.
● Maituturing ang dalawang uri ng pagsulat ng sintesis na dalawang paraan kung paano
sinusuri ang mga impormasyon mula sa mga tekstong binasa at hinanguan ng
impormasyon.
___________________________________________________________________________________________

Bibliyograpiya

“Writing An Argumentative Synthesis Essay,” Essayagents. Nakuha sa


https://theplagiarism.com/articles/why-academic-writing-is-important,
Marso 22, 2020.

Fontanilla, Hazel Donnabelle at Mark Janperson Datumanong. “Sintesis,” Kapag Nagbasa Ka,
Matututo ka Blogspot, Agosto 12, 2018. Nakuha sa https://bit.ly/31lcida.

Jennika. “Explanatory and Argument Synthesis,” English 101 Blogspot, Oktubre 7, 2007.
Nakuha sa https://bit.ly/3gpzsTW, Marso 22, 2020.

Mohinog, Arrhiane. “Pagsulat ng Buod at Sintesis.” Prezi, Hulyo 24, 2017. Nakuha sa
https://prezi.com/5rnbkuln8xi0/pagsulat-ng-buod-at-sintesis/, Marso 21, 2020.

Nato, Rochelle S. “Hawig, Lagom, Presi, Sintesis,” Slideshare, Oktubre 25, 2017. Nakuha sa
https://www.slideshare.net/RochelleNato/hawig-lagompresisintesis, Marso 21, 2020.

16

You might also like