Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

(Intro sound effects)

Joshua: Magandang magandang magandang magandang magandang umaga sa ating mga


tagapakinig jan, tayo’y magpatuloy lang sa pagkain ng ating almusal habang nakikinig sa
ating mga maiinit na balita.

Joshua: Villanueva, Joshua nga po pala ang iyong tagapag lingkod.

Jian: magandang umaga sainyo ako si reporter Diesto, Jian na maghahatid ng mga balita
sainyo ngayong araw.

Nivrem: Isang magandang umaga talaga sainyo mga ate't kuya lolo't lola kung sino ka man
jan enjoy listening Kalinisan, Nivrem reporting.

Jian: Simulan natin ang umaga ng masaya, naniniwala akong kaya nyo yan mga kaibigan.

Nivrem: Totoo yan, ngunit znong oras nanga pala partner? Balita kong rush hour ngayong
pebrero bente otso.

Joshua: 8:40 na ng umaga mga kaibigan kaya’t gumising na, nang makahanda sa buong
araw. patuloy na makinig at magsisimula na ang ating balitang umaga sa ilang sigundo..

(sound effects)

Nivrem: Nakakaasa ang mga mamimili ng mas murang halaga ng mga gulay sa mga
pamilihan, ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura o sa tinatawag na SINAG.
Ayon naman sa presidente ng grupo na si Rosendo So,

Joshua: (normal voice) "Harvest kasi ngayon, medyo maganda ang weather maski sa
upland at lowland. Kung maganda naman ang harvest ng mga magsasaka, malaki iyong
production, talagang mas mababa ang presyo na maibibigay,"

Nivrem: Sa Mega-Q Mart sa Quezon City, Sabado, mabibili ang 1/4 kilo ng kamatis sa
halagang P15.00. P18.00 hanggang P25.00 naman ang 1/4 kilo ng calamansi. P120.00 ang
kada kilo ng lokal na puting sibuyas habang P240.00 ang pulang sibuyas.

(sound effects)

Jian: Higit 1,000 silid-aralan ang nasira dahil sa lindol sa Masbate


Magugunitang niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Masbate na sinundan ng mga
aftershock.
Nivrem: limamput syam na ang mga malubhang nasirang silid-aralan, dalwang daan at
tatlongput lima ang mga partially major o bahagyang nasira, at 773 naman ang partially
minor na nasira.

Joshua: Ayon kay Mark Anthony Rupa mula sa Schools Division Officer-Masbate,
puwedeng mag-modular learning ang mga estudyante kapag matinding pinsala ang tinamo
ng kanilang silid-aralan. Samantala, dahil wala na gaanong malalakas na aftershocks,
maaari na umanong magpatuloy ang klase sa mga hindi apektadong mga bayan.

Jian: Salamat partner na iyong inilahad, mga kaibigan kami ay magbabalik sa ilang sandali.

(cut sound effects)


(musical song of the advertisement)

Nivrem: Kapag kintab ng sahig ang paguusapan dito na tayo sa number 1!! starwax
floorwax, kintab ay to the max!!

Airiel: Tayo na’t maglinis ng sahig kumendeng kendeng ang mga misis kapag kintab ang
paguusapan dito na tayo sa number 1!!

Nivrem: Starwax ang number 1 floorwax may waterproof formula buhusan mo lang ng tubig
balik kintab ang sahig!

Airiel: Magstarwax wax starwax wax yan ang kintab na to the max max max!

(musical song of the advertisment)

Nivrem:babangon tayo..

Jian: miss kape nga.

Airiel: 3 in 1?

Jian: hindi yung puro.

Joshua: nescafe classic bunga ng 100% puro at natural, kapeng kape ang lasa at aroma
para 100% gising ang isip katawan at diwa

Zhymond: good job dude

Jian: para sa pamilya ko.


Joshua: dito kana sa 100% puro at natural.

(cut sound effects)


(showbiz sound effects)

Jian: Pinaliwanag ni Vice Ganda kung bakit siya naging emosyonal sa kanyang contract
signing sa ABS-CBN. Sa episode ng "It's Showtime" nitong Huwebes, hindi niya muli
napigilan ang kanyang emosyon nang magbalik tanaw sa kanyang karera.

Nivrem: "Doon na ako naiyak, nung sinabi kong 14 years, ang hirap nun ah? Dun tumulo na
'yung luha ko kahapon. Pero totoo naman, jusko. Marami po kayong hindi alam na
nangyayari sa programang ito na pinagsasalu-saluhan naming lahat,"

(sound effects)

Nivrem: Inaaasahan na ni Carl Tamayo na muli silang magkakaharap ng kanyang


basketball rival na si Kai Sotto ngayong kapwa sila maglalaro sa Japan B.League. Parte na
ng Ryukyu Golden Kings si Tamayo samantalang pumirma na rin sa Hiroshima Dragonflies
ang dating National Basketball League player na si Sotto. Aniya, "excited" siyang muling
buhayin ang high school days nila sa UAAP juniors kung saan sila unang nagkatunggali.

Jian: “It will be fun and it’ll be exciting seeing Kai and me playing in the pro league at the
same time,”

(sound effects)

Joshua: nagtipon-tipon na sa Switzerland ang mga Kapuso at Kapamilya artists habang


naghahanda sila sa shooting ng GMA at ABS-CBN collaboration series na "Unbreak My
Heart." Sa mga larawang inilabas ng producer na Dreamscape Entertainment noong Lunes,
ang lead stars na si Jodi Sta. Sina Maria, Richard Yap, Joshua Garcia, at Gabbi Garcia ay
nakikita sa transit at sa mga magagandang lugar sa bansang Europeo.

Jian: Kabilang sa mga ipinakita sa mga larawan ang batang aktor na si Jeremiah Lisbo,
isang bagong ipinakilalang miyembro ng cast ng "Unbreak My Heart," gayundin ang mga
creative at production head ng inaabangang teleserye.

(cut ound effects)


(musical song of the advertisement)

Nivrem: anong hanap nyo sa gamot kung may sakit ng ulo at lagnat? ung malakas o yung
maingat? pano kung di mona kailangan mamili? ganyan pag pinili mo ang biogesic sing
galing ng malakas na gamot pero maingat magpagaling.
Zhymond: "buti nalang may biogesic!"

Nivrem: ang galing ng alagang biogesic. Ingat!

(cut sound effects)

Joshua: magandang umaga po, narito na ang mga balita mula sa ANZ double J weather
forcast, asahan ang maulang panahon ngayong araw dahil sa low pressure area at hanging
amihan muling namataan ang nasabing lpa 40 kilameters silangan ng masbate city ayon sa
pagasa mababa parin ang chance nito maging bagyo sa loob ng bente kwatro oras base po
sa datos ng metra weather katamtaman hanggang malalakas na ulan ang mararanasan sa
malaking bahagi ng luzon pati narin sa bisayas at mindanao, kaya maging IAmAware sa
possibleng baha o pagguho ng lupa hanggang gabi rin posible ang ulan dito sa metro
manila

(cut sound effects)

Nivrem: Mga kaibigan kami’y nagpapasalamat at umabot kayo hanggang dulo, live din kami
sa ibang radio channels at kami ay nagstrestream lunes haggang linggo, 8:40 hanggang
8:50 ng umaga.

Joshua: Paglilingkod, paglalahad, pagbibigay ng mga impormasyon, mga balita ang aming
maibibigay sainyo araw araw sa susunod sa umaga!

Jian: Broadcaster Diesto Jian

Joshua: Broadcaster Villanueva Joshua

Nivrem: Broadcaster Kalinisan Nivrem, ay matatapos na ang aming programa. Bukas na


ulit!

Airiel: Guingab airiel, salamat sa pakikinig

Zhymond: Grupong pangalwa nasa gradong walo ay nagpapasalamat sainyo.

(outro sound effects)

You might also like