Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Masusing Banghay – Aralin sa Pagtuturo ng Filipino

Baitang 7

I. Layunin: Sa pamamagitan ng QAR/UTS ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakakasagot ng mga tanong pang-unawa na nagmula sa iba’t ibang UTS;


b. nakakapagbahagi ng sariling damdamin tungkol sa tekstong binasa;
c. nakakalahad ng isang malikhaing presentasyon ukol sa mensahe ng kwento.

II. Paksang Aralin: Maikling Kwento “Ang Mga Dewende” kwentong bayan mula sa Bicol

Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Sanggunian: https://mgtnhs.files.wordpress.com/2012/06/filipino-gr-7-learners-matls-q12.pdf

Kagamitan: Tsart, LCD projector, Laptop, Mga larawan, Kopya ng babasahin

Estratehiya: Ugnayang Tanong Sagot (UTS/QAR)

III. Pamamaraan/Yugto ng Pagkatuto

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Magandang hapon sa lahat! Magandang hapon po, titser!

Ako nga pala si Bb. Cagas. Bago


natin sisimulan ang talakayan sa hapong
ito, mangyaring tumayo muna ang lahat
para sa panalangin.

Balik-aral:

Klas, noong nakaraang tagpo ay


tinalakay natin ang tungkol sa mga pang-
uri.
Ang pang-uri ay mga salitang
Ano nga ba ang pang-uri, klas? naglalarawan sa tao, bagay, hayop,
lugar o mga pangyayari.

Tama! Magbigay ng mga Maganda. Si Joy na sa BFE-III ay


halimbawa ng pang-uri, klas! Gamitin ito maganda.
sa pangungusap.

Tama! Talagang nauunawaan niyo


na an gating ngaing talakayan noong
nakaraang tagpo.

A. Tuklasin

Bago Bumasa
1. Pangganyak

Mayroon akong ipapakita sa


inyong larawan.

Mga dewende po, titser!

Hindi pa po, titser!

Hindi po, titser!

Nakakatakot po kasi yong mga


mukha nila, tiser! At baka po may
gawin silang masama sa amin.

Ano ang napapansin niyo sa mga


larawan? Opo, titser!

Tama mga dewende, nakakita na ba


kayo ng mga dewende, klas?

Papangarapin niyo bang makakit


nito?

Bakit naman? Tungkol po sa mga dewende titser!

Dahil batay po sa mga ipinakita


Magaling! Dapat hindi natin niyong mga larawan karamihan po ay
papangarapin na makakita ng dewende mga dewende.
dahil hindi natin alam kung ano ang
gagawin nila sa atin.
Naiintindihan ba, klas?

B. Linangin

1. Paglalahad

Ngayon klas, batay sa mga Opo, titser!


ipinakita ko sa inyong mga larawan
tungkol saan kaya ang kwento natin
ngayong hapon?

Paano mo naman nasabi na tungkol


ito sa mga dewende?
Hanay B

Maaari, titingnan natin mamaya


kung tama ba ang inyong naging
kasagutan.

Ngunit bago natin babasahin ang


maikling kwento ay magkakaroon muna
tayo ng isang gawain na kung saan Opo, titser!
bibigyan natin ng pakahulugan ang mga
mahihirap na salita sa kwento.
Naiintindihan ba, klas?

2. Paghahawan ng Balakid Opo, titser!

Panuto: Piliin sa Hanay B ang


tamang kahulugan sa Hanay A.

Hanay A

1. Tuso
2. Kamisa
3. Saya
4. Balingkinitan
5. Gasera

Tapos na bang nasagutan lahat ng


bilang?

Magaling! Ngayon ay wawastohan


natin ang inyong naging gawain at
pagkatapos ay gamitin ito sa sariling
pangungusap. Naintindihan ba klas?
Gamitin sa pangungusap ang unang
bilang.

Gamitin sa pangungusap ang


pangalawang bilang.

Gamitin sa pangungusap ang


pangatlong bilang.

Gamitin sa pangungusap ang pang-


apat na bilang.

Gamitin sa pangungusap ang


panlimang bilang.
Opo, titser!
Magaling klas! Ang tatalino niyo.
Bigyan natin an gating mga sarili nang
“Magaling Clap”.

3. Pagbasa
Habang Bumabasa

Ngayon ay papangkatin ko ang


klase sa dalawang pangkat. Ito ang unang
pangkat at pangalawang pangkat.

Panuto: Bawat pangkat ay


babasahin ang maikling kwentong
pinamagatang “Ang mga Dewende”.

Kailangan niyong basahing mabuti


ang teksto dahil may mga katanungan
kayong sasagutin habang binabasa niyo
ang kwento,ngunit ako ang pipili kung
sino ang sasagot.

Naunawaan ba?

Ito ang tsart ng Ugnayang Tanong-


Sagot/ UTS na magiging gabay niyo sa
pagsagot ng mga katanungan.
Nasa Teksto Nasa Isipan
Nasa teksto mismo Ikaw at ang Awtor

Ang sagot ay nasa teksto at madaling Wala sa kwento ang sagot. Kailangang
hanapin. Ang mga salitang ginagamit sa tanong gamitin mo ang dating kaalaman at kung ano
at ang mga salitang gagamitin sa pagsagot ay ang sinabi ng awtor sa teksto at pag-uugnayin
nariyan mismo. ang dalawang ito.
Isipin at Hanapin Sa Aking Sarili

Ang mga sagot ay nasa kwento ngunit Wala sa kwento ang sagot. Masasagutan
kailangan mong pag-ugnayin ang iba’t-ibang mo ang tanong na hindi kailangang basahin ang
bahagi ng kwento para makita ang tamang kwento. Gagamitin mo lamang ang inyong
sagot. Ang mga tanong at sagot ay di tuwirang karanasan.
makikita sa isang pangungusap o talata. Galing
ito sa iba’t ibang bahagi ng kwento.

Naiintindihan ba, klas? Opo, titser!

Magaling!

Ito ang mga inihanda kong tanong


ukol sa kwentong inyong babasahin.

Sasagutin niyo ang tanong na ito


habang kayo ay nagbabasa. Gawing
gabay ang UTS sa pagsagot sa mga
kwento.

Panuto: Sagutan ang mga


sumusunod. Gawing gabay ang UTS.

Gabay na tanong: Unang Pangkat

Nasa Teksto Nasa Isipan


Nasa teksto mismo Ikaw at ang Awtor
Isipin at Hanapin Sa Aking Sarili

Gabay na tanong: Ikalawang Pangkat

Nasa Teksto Nasa Isipan


Nasa teksto mismo Ikaw at ang Awtor

Isipin at Hanapin Sa Aking Sarili

Ngayon, simulan niyo ng basahin


ang kwento.

Ang mga Dewende


Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol

Malalim na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang magkapatid na babae.


Tinatahi nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila para sa isang misa kinaumagahan.
Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing nakasara ang pinto at mga bintana ng kanilang bahay,
kundi ay papasok ang duwende, na bumibisita sa kanila tuwing hatinggabi. Upang malaman ng
kaniyang mga anak kung ano ang duwende, ikinuwento niya ito:
“Katulad lang ng mga ordinaryong tao ang mga duwende. Tuso man silang mga nilalang,
ngunit matulungin din. Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa nila ay ang pagsira sa mga muwebles
at mga larawan, pagbasag sa mga salamin, baso, plato, at tasa. Kung hindi sila makahanap ng
mga bagay na sisirain o babasagin, kinukurot nila ang mga pisngi, braso, at katawan ng mga
tulog na babae, upang maging mabigat ang pakiramdam nila pagkagising. Kung hindi kinaasaran
ng mga duwende ang mga nakatira sa bahay na madalas nilang bisitahin, nagpapakita sila ng
kabaitan sa mga ito. Sinasabing dinadalhan nila ang mga kaibigan nila ng mga masasarap na
pagkain at ipinagtatanggol sila mula sa mga masasamang nilalang. Maraming tao tuloy ang sabik
ngunit balisang makakilala ng duwende. Itinuturing nila ang mga nilalang na nagtataglay ng
kakaibang karunungan dahil sinasabing alam na alam nila ang mga lihim at ikinikilos ng mga
tao. Ngunit kung sakaling ang mga naging kaibigan ng duwende ay biglang nagsabi ng anumang
masama o nagbalak ng masama sa kanila, kahit pa hindi sila marinig ng mga duwende, ay
parurusahan sila at hindi na muling babalikan.

“Ang duwendeng binabanggit ko rito ay madalas sa bahay namin habang ang nanay ko, o
ang lola ninyo, ay buhay pa. Parati niyang sinasabi sa aming isara ang pinto at mga bintana bago
kami matulog. Isang gabi, nang nagtatahi rin kami ng kapatid ko ng kamisa at saya, nakalimutan
naming isara ang mga bintana at pinto. Ilang segundo bago maghatinggabi, naroon ang isang
maliit na nilalang na nakatayo sa aming pinto. Maliit siya, kasinliit lamang ng isang dalawang
taong gulang na bata; pula ang kaniyang mukha; mayroon siyang mahabang bigote at maputing
kulot na buhok. Maigsi ang mga braso niyang balingkinitan, ngunit malaki ang mga kamay
niya--malaki para sa kaniyang braso.”

Nang marinig ng mga dalaga ang kuwento ng kanilang ina, natakot sila. Nang
maghatinggabi, narinig nila ang mga tunog: takla, takla, takla. Gawa ito ng duwende. Takot na
takot ang dalawa. Lumingon ang panganay, at nakita niya ang duwende na pumapasok sa pinto.
At katulad ng inaasahan, tumakbo at tumalon siya papasok ng bahay, papunta sa mga dalaga.
Dahil doon, nasipa niya ang isang gasera, na nagpaliyab sa mga kamisa at saya.

Mula noon, naging maingat na ang magkapatid at ang buong bayan ng Legaspi sa
duwende. Isinasara na nila ang kanilang mga pinto at mga bintana bago sila matulog sa gabi.

Pagkatapos Bumasa
1. Pagtalakay Pang-unawa

a) Pangkatang
Presentasyon

Naunawaan niyo ba ang inyong Opo, titser!


binasa?

Ngayon upang malaman ko kung


naunawaan niyo ba talaga ang inyong
binasa ay ibabahagi niyo sa klase ang
inyong mga nabuong kasagutan sa (Sagot ng unang pangkat)
pamamagitan ng pag-uulat.
1.

2.

3.

4.

Mahusay ang naging kasagutan ng


unang pangkat. Ngayon ay pakinggan
(Sagot ng pangalawang pangkat)
naman natin ang pangalawang pangkat.
1.

2.

3.

4.

b) Panubaybay na tanong

Ano ba ang inyong napansin sa Sa simula po ay madali lang sagutin


mga katanungang aking pinasagutan sa ang mga katanungan dahil makikita
inyo? lang po sa teksto ngunit unti-unting
naging mahirap ang mga katanungan
sa huli.

Tama!

Nakakatulong ba ito upang lubos Opo Ma’am, dahil mag-iisip po kami


niyong maunawaan ang tekstong inyong ng mabuti at nagagamit namin ang
binasa?Bakit? aming karanasan o kaalaman sa
pagsagot.

Magaling! Kung gayon ay


naunawaan niyo talaga ang kwento.

C. Pagnilayan

1. Pagpapahalaga

Ano ang inyong mga natutunan sa


ating tinalakay ngayon?

Magaling!

Ano pa ang inyong natutunan?

Mahusay!

Ano ba ang iyong naramdaman


matapos basahin ang kwento? Bakit?

Ano pa?

Magaling!

Kayo nga ay nakinig nang mabuti,


bigyan natin ng Wow, galing clap ang
bawat isa.

D. Ilipat

Ngayon ay magkakaroon na naman


tayo ng isang bagong pangkatang gawain.

Panuto: Gumawa ng isang


malikhaing presentasyon kaugnay sa
karapatan ng mga mamayan. Kayo ay
mamarkahan batay sa inihandang
pamantayan.
GRASPS

Goal Makagawa ng isang malikhaing presentasyon kaugnay sa karapatan


ng mga mamamayan.

Role Mga piling kalahok sa gaganaping pagtatanghal bilang paggunita sa


EDSA Revolution.

Audience Ang guro at ang mag-aaral.


Situation Pagtatanghal ng isang malikhaing presentasyon tungkol sa
gaganaping EDSA Revolution.

Product Malikhaing presentasyon

Standard Kayo ay mamarkahan batay sa pamantayan:

Nilalaman- 5
Pagkamalikhain- 5
Kooperasyon- 5
Hikayat sa madla- 5_
Kabuuan- 20

Hindi
Lubos na Hindi
Pamantayan Naipamalas masyadong
naipamalas naipamalas
naipamalas
Nilalaman
-Nailahad nang
maayos ang 5 4 3 2
sitwasyong
iminungkahi
Organisasyon
-Maayos na
nailahad mula
5 4 3 2
simula, gitna
hanggang wakas

Kooperasyon
- Lahat ng kasapi
5 4 3 2
ay tumulong

Hikayat 5 4 3 2
-Nasiyahan o
nagustuhan ba
ng madla.

Kabuuang Marka = 20 pts.

IV. Kasunduan

Panuto: Gumawa ng sanaysay na tumatalakay sa karapatang pantao.

Inihanda ni:

April Joy J. Cagas


SST – I

Ipinasa kay:

Martin B. Pajo, Jr.


Principal

You might also like