Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

“MGA KABATAAN: NOON AT NGAYON”

IPINASA NI:

SHALEAH ROCHELLE MAGADAN

IPINASA KAY:

MS. VANNESA FUERTES

ARAW NA IPINASA:

MARSO 06, 2023


“MGA KABATAAN: NOON AT NGAYON”

Sa sinasabi nilang “Ang mga kabataan ang pag-asa nang bayan,” hanggang sa

“Ang mga kabataan sa panahong ito’y salot sa lipunan.” Sa mga katagang ito marami

na ang nagbago, tama? Ayon sa ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, “The

Youth is the hope of our nation” (1) pero anong nangyari? Ano ba ang pinagkaiba sa

mga kabataan noon at ngayon? Noon, sinasabi nila na ang mga kabataan ang pag-

asa nang ating bayan. Subalit, sa panahong ito’y mukhang nag-iiba na ang turing

nang mga tao o mga nakatatanda sa mga kabataan ngayon (2). Dahil sinasabi na nila

na ang mga kabataan sa panahon ngayon ay ang siyang nagiging salot nang bayan,

hindi ba’y ang laki nang pagkakaiba?

Ang mga kabataan noon ay masunurin, may respeto, tiyaga at katapatan at

sikap. Mga kabataang nakadepende sa tao, bagay, at kapaligiran na kanyang

ginagalawan (3). Siya na sumusunod at susundin ang patakaran ng bansa, ng

kanyang pamilya, at lalo na sa ating Panginoon. Siya ay hinding nagmamadali at

makapaghinhintay ng tamang panahon, gawin it sa tamang lugar at kasama ang

nararapat na tao (4). Ang mga kabataan noon ay higit na gumagalang sa kanilang

mga nakatatanda. Nirerespeto ang bawat desisyon ng mga taong kanyang minahal at

iginagalang.(5) Sila ay simple, tunay, orihinal kumpara sa mga karamihang kabataan

ngayon na puros kagandahan at papormahan lang ayon kay Pedro Alagano (6).

Pero ngayon, nakakikita ba ninyo ang kagandahang dulot ng mga kabataan?

Ang mga kabataan ngayon ay mas pinapahalagahan ang mga materyal na

bagay. Mabilis nilang igiit ang kalayaan at ang kanilang mga karapatang pantao,

habang ang nakatatandang henerasyon ay higit na nakasentro sa mga

pagpapahalagang moral, mabuting asal at paggalang sa kapwa (7). Bagaman ang

mga kabataan ng kahapon ay karaniwang mahiyain, magalang at masunurin, ang

mga kabataan ngayon ay matapang, walang pasensya at malakas ang loob (8).
Madalas sa kanila ay napapabarkada na o nagbibisyo alak man o sa pagsisigarilyo.

Lakad doon, labas diyan na hindi lamang humihingi ng paumanhin sa mga

magulang. Mga kabataang babae na makikita mo na kung kani-kaninong mga lalaki

ito kung sumasama o napababarkada. Sinusuway ang payo nang kani-kanilang mga

magulang at minsa’y inaabot na nang umaga sa bahay nang ibang tao.

. Hindi ba’t ang dami talagang pinagkaiba nang mga kabataan noon sa mga

kabataan ngayon. Pero kahit na ganoo’y may iba pa rin naman na hindi

nakakalimutan ang mga nakasanayang tradisyon ng ating mga ninuno noon. Marami

pa ring kabataan ang hindi nagagawang labagin ang utos nang kani-kanilang mga

magulang. Hindi nakikipag kaibigan sa mga kabataang alam nila na hindi maganda

ang dulot sa kanila. Nariyan pa rin ang mga kabataan na walang ibang inisip kundi

ang makapag tapos nang pag-aaral at makatulong sa mga magulang, balang araw.

Hindi nakakalimot sa mga hirap na kinaharap nang kani-kanilang magulang. At sa

kung anong sakripisyo ang ginawa nang mga ito para lang maitaguyod sila at mapag-

aral nang maayus (9).

Samakatuwid, may malaki talagang pinagbabago ang mga kabataan noon

kumpara ngayon. Sa panahong ngayon kaunti na lamang ang natitirang mabubuting

mga kabataan lalo’t na marami na ang tumatalikod sa kanilang pinanggalingan ayon

pa sa ating bayani (10). Dahil dito, maapektuhan ang sumumusunod na henerasyon

ng mga kabataan ngayon. Hindi ito ang mga kabataan na gusto ni Jose Rizal na ang

pag-asa ng bayan na halos nga hindi nagsisimba. Sa palagay ko rin, meron pa ding

pagkakataon na pwede pang mapaunlad at mapabago ang ating henerasyon ngayon

ssa pamamagitan ng pagtuturo o kaya’y pagtutulongan natin ang mga kabataan sa

pag papalago ng kanilang sarili. Iwawasto ang kanilang mga maling ginagagawa

upang maunawaan nila kung gaano ka importante ang pagbabago. At higit sa lahat,

ang pag respeto at handang isakripisyo ang kanyang bansang isinilangan.


SANGGUNIAN

(1) DR. JOSE RIZAL

(2) ROSEANNE DELOS SANTOS

(3) IAN OCAMPO

(4) JIAN MONTALLANA

(5) C. B. MANALASTAS

(6) PEDRO ALAGANO

(7) EDGAR ARTATES

(8) RODULFO TALLEDO

(9) ROSEANNE DELOS SANTOS

(10) DR. JOSE RIZAL

You might also like