Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

ANG KAKAIBANG

MUNDO
Nakasisilaw na liwanag ang hindi inaasahang
bumulaga sa akin. Tumambad sa harap ko ang
isang lugar na di ko pa nararating. Hindi mabilang
ang malalaki at maliliit na mga robot na kumikilos
tulad ng mga tao. May makukulay na mga
sasakyang panghimpapawid na animo
saranggolang nakasabit sa langit. Marami ang
mga sasakyang hindi ko malaman kung kotse o
dyip.

Iginala ko pa ang aking paningin. Malinis ang


paligid, abala ang mga tao. Matiwasay at
masayang namumuhay ang komunidad.

Napadako ako sa malawak na hardin. May


kakaibang hugis at laki ang mga gulay at prutas.
Makikita rin ang iba’t ibang uri ng hayop, matataba
at malulusog, malalaki at maliit. Tunay na kakaiba
ang mundong ito!

“Ahhh, ano naman kaya ang makikita

sa gawi roon?” “Anak, gising na!

Bangon na!,” marahang tapik ni Ina.


Pangalan:_____________________________ Grade & Section:_________

Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento?

a. Ang Mundo
b. Ang kakaibang mundo
c. Ang mundo ay kakaiba

2. Sino ang tinutukoy ng nagkuwento sa pahayag na ito”


matataba at malulusog, malalaki at maliit”?

a. Ang mga tao


b. Ang mga hayop
c. Ang mga halaman

3. Napadako ako sa malawak na hardin. Ang ibig sabihin ng


napadako ay _______

a. Nagulat
b. Nasiyahan
c. Napatingin

4. Tumambad sa harap ko ang isang lugar na di ko pa


nararating. Ang ibig sabihin ng tumambad ay _______ .

a. dumaan
b. lumantad
c. nang-aakit

5. Ano ang nararamdaman ng nagkuwento sa kanyang sinabi?

a. Masaya
b. Malungkot
c. Namangha
6. Alin ang HINDI nasasaad sa kuwento?

a. May kakaibang halaman sa hardin.


b. Maraming saranggola ang lumilipad sa langit.
c. Iba’t iba ang laki ng mga robot sa lugar na iyon.

7. Sa iyong palagay, paano napunta sa kakaibang


mundo ang nagkukuwento?

a. Nag-iisip siya ng ganitong mundo.


b. Dulot ito ng kanyang imahinasyon.
c. Nakatulog siya ng mahimbing at nanaginip.

8. Ano kaya ang nararamdaman ng naglalahad ng kuwento?

a. Nalilito siya.
b. Nagtataka siya.
c. Natataranta siya.

9. Ano ang layunin ng sumulat ng kuwento?

a. Hangad nitong mang-aliw.


b. Hatid nito ang isang balita.
c. Taglay nito ang bagong kaalaman.

10. Ano ang ginamit ng sumulat ng kuwento para ihatid ang


mensahe nito?

a. Gumamit ito ng makukulay na mga salita sa paglalarawan.


b. Kaakit-akit na mga lugar ang dinayo ng tauhan sa kuwento.
c. Maganda ang palitan ng pag-uusap ng mga tauhan sa
kuwento.

Reference: https://brainly.ph/question/23923292
PAHIYAS FESTIVAL
Malapit na ang Pahiyas Festival! Isinasabuhay
ito ng mga taga-Lucban, Quezon tuwing ika-15 ng
Mayo.

“Lubos na ipinagmamalaki natin ito,” sabi ni


Nanay Sepa.

“Inaalala dito ang patron ng magsasaka na si


San Isidro Labrador,” wika ni Mang Kanor.

“Balita na ito hanggang kabisera. Walang tigil


ang mga kababayan natin sa paghahanda,” dagdag
ni Nanay Sepa.

Buong bahay ay nilalagyan ng mga palamuti.


Nagmumula ang mga palamuti sa mga ani sa bukid.
Gamit din bilang dekorasyon ang makukulay at iba’t
ibang hugis na kiping na mula sa bigas. Ang
pinakamagandang bahay ay makatatanggap ng
malaking gantimpala.

“Ihahanda ko rin ang ating kalabaw”,sabi ni


Mang Kanor. “Pababasbasan natin ito para malayo
sa sakit.”

“Sana maging masagana ang ating ani sa


darating na panahon.
Hihilingin natin ito sa Dakilang Lumikha,” wika ni
Nanay Sepa.

Name:_____________________________ Grade & Section:_________

“ Mga Tanong:

1. Kailan dinaraos ang Pahiyas Festival?

a. tuwing ika-15 ng Mayo


b. tuwing ika-15 ng Agosto
c. tuwing ika-15 ng Enero

2. Sino ang inaalala sa Pahiyas Festival?

a. Si San Isidro Labrador


b. Si Isidro Labrador
c. Si Ginoong Isidro

3. Saan ipinagdiriwang ang Pahiyas Festival?

a. Sa Lucban, Batangas
b. Sa Tarlac City, Tarlac
c. Sa Lucban, Quezon

4. Sino si San Isidro Labrador?

a. Isang magsasaka
b. Isang Pare
c. Isang mayaman

5. Ano ang HINDI ginagawa tuwing Pahiyas Festival?


a. May parada ang lahat ng kalabaw na may sakit.
b. Binabasbasan ang mga magsasaka at mga kalabaw.
c. May paligsahan ng pinakamagandang palamuti sa mga
bahay.

Isinasabuhay ang Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.

6. Ano ang ibig sabihin ng isinasabuhay sa pangungusap na ito


“Isinasabuhay ang Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon” ?
a. Naalala ang patron ng mga magsasaka sa Quezon.
b. Kinikilala ang mga taga-Lucban, Quezon.
c. Mabubuhay muli ang patron ng Pahiyas Festival.

7. Ano kaya ang makikita sa mga bahay sa Lucban tuwing


Pahiyas Festival?

a. Iba’t ibang uri ng mga patron ang inihahanda rito.


b. May kiping at mga ani na palamuti sa mga bahay.
c. May makukulay at masasarap na tindang pagkain.
8. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao sa kuwento?

a. Nalilito sila.
b. Nasasabik sila.
c. Nagugulat sila.

9. Ano ang layunin ng sumulat ng kuwento?

a. Nais nitong magbigay ng kaalaman.


b. Hatid nito ang bagong balita.
c. Hangad nitong mang-aliw.

10. Ano ang ginamit ng sumulat ng kuwento para ihatid ang


mensahe nito?

a. Gumamit ito ng maingat na paglalarawan.


b. Isinalaysay nito ang paulit-ulit na pangyayari.
c. Sinundan nito ang mahabang pinagmulan ng Pahiyas.
Reference:http://mellecphilippinefestivals.blogspot.com/2011/04/pahiyas-festival.

May Magagawa ba sa
Isang Tambak na Basura?

May napapansin ka bang pagbabago sa inyong


lugar? Ang dating malinis at malinaw na ilog, marumi
na ba ngayon? Ang maayos na mga daan, naging
tambakan na ba ng basura?

Sino ang may sala sa mga pagbabagong ito sa


ating kapaligiran? Huwag na tayong magsisihan at
magturuan. Magtulungan nalang tayo upang hindi
lumala ang sitwasyon. Hindi pa huli ang lahat.
Paghiwalayin ang mga basurang nabubulok at
di-nabubulok. Ang basurang nabubulok ay maaaring
pampataba ng lupa na pagtataniman ng mga
halaman. Pumili ng isang lugar at humukay ng
pagtatapunan ng basurang nabubulok tulad ng balat
ng prutas at tuyong dahon.
Muling magagamit ang ibang basurang di-
nabubulok tulad ng mga basyo ng lata, plastic, o
bote. Maaaring gawing alkansya o plorera ang mga
basyo ng lata. Ang mga sirang bombilya naman ay
nagagawang palamuti. Ito ang pagreresaykel o ang
paghahanap ng maaari pang gamit ng ating mga
itinatapon.
Malaki ang matutulong natin sa pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan sa ganitiong paraan. Bukod
dito, kikita pa tayo dahil, “may pera sa basura”.
Name:_____________________________ Grade & Section:_________

“ Mga Tanong:
1. Ano ang maaaring gawin sa mga sirang bombilya?

a. Pwede gawing laruan


b. Gagawing palamuti
c. Itatapon nalang kasi sira na

2. Ano ang pwedeng gawin sa mga basurang nabubulok?

a. Pwede gawing pampataba


b. Sunugin nalang
c. Ihalo sa mga di-nabubulok na basura

3. Sino ang sinisisi ng nagkukuwento sa binasa?

a. Ang mundo
b. Ang lahat ng may buhay
c. Ang mga tao

4. Ano ang magagawa sa mga basurang di-nabubulok upang


maging kapaki-pakinabang? Maaring
__________________________ ang mga basurang di-
nabubulok.

a. itago sa kahon
b. ilagay sa hukay
c. gawing pandekorasyon
5. Bakit kailangang ibukod ang mga basurang nabubulok sa
mga basurang di nabubulok?
a. May paggagamitan ang mga basurang ito.
b. Matagal mabulok ang basura sa paraang ito.
c. Maiiwasan ang masamang amoy kapag ginawa ito.

6. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng may sala sa


pangungusap sa kahon?Sino ang may sala sa hindi
magandang pagbabago sa ating kapaligiran?
a. may kagagawan
b. nagsimula
c. sumuporta
7. Ano ang ibig sabihin ng “may pera sa basura”?

a. Maaaring makakuha ng pera sa basura.


b. Magkakapera kapag pinaghiwalay ang basura.
c. Maaaring pagkakitaan ng pera ang mga basura.

8. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon?


Tinalakay sa seleksyon ang
______________________________.

a. sanhi ng pagbabago
b. bunga ng maraming basura
c. maaaring gawin sa mga basura
9. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe
nito?

a. Tinalakay ang mga sanhi ng pagtambak ng basura.


b. Malinaw na isinaad ang suliranin at solusyon sa seleksyon.
c. Isinalaysay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.

10. Alin kaya sa sumusunod ang HINDI magiging bunga kapag


tayo ay nagresaykel?

a. Magkakaroon tayo ng pagkakakitaan.


b. Mababawasan ang suliranin sa basura.
c. Maaaring patuloy na dumami ang basura.

Reference: https://www.studocu.com/ph/document/cotabato-state-university/business-
economics/ppa-2021-2022-reading-materials/29645086

Iligtas ang Kapaligiran


Dumaan ng habagat sa Luzon. Nagdulot ito ng
pinsala sa tao. Maraming lugar sa Maynila,
Pampanga, Quezon, at Aurora ang lumubog sa
baha. Nagmistulang malaking karagatan ang mga
ito. Lumutang din at natangay ng baha ang tambak
na basura. Malaking halaga ang nawala sa libo-
libong mamamayan. Maraming pananim ang nasira
sanhi ng malakas at patuloy na pag-ulan. Marami
ring buhay ang nakitil. Nasira ang mga bahay, tulay,
at malalaking gusali. Isang dahilan nito ay ang
pagguho ng lupa o landslide.

Maiiwasan sana ang pagguho ng lupa sa mga


kabundukan kung isasagawa ng mga tao ang
programa ng Kagawaran ng Pangangalaga sa
Kapaligiran at Likas na Yaman. Ang muling
pagtatanim ng puno sa gubat o reforestation sa mga
nakalbong kabundukan ay makatutulong sa pag-iwas
ng pagguho ng lupa.

Malaki ang magagawa nating mga kabataan.


Iwasan natin ang paggamit ng mga plastik at ang
pagtatapon ng basura kung saan-saan.Mag-umpisa
tayong maglinis ng paligid at magtanim ng mga puno
sa mga bakanteng lupa ng ating bakuran. Gawin
itong luntian upang maging maganda ang
kapaligiran.

Name:_____________________________ Grade & Section:_________

“ Mga Tanong:
1. Alin sa mga sumusunod na lugar ang nabanggit sa
kuwento?

a. Manila
b. Pangasinan
c. Batangas

2. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng kabataan


para alagaan ang kapaligiran?

a. Mag-alaga ng hayop
b. Mag sipag sa pagtratrabaho
c. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan
3. Alin dito ang nakakatulong para maiwasan ang matinding
pagbaha?

a. Magtapon ng basura sa tamang basurahan


b. Ipaghalo ang mga nabubulok at hindi nabubulok
c. Sunugin ang lahat ng basura
4. Ano ang sanhi ng paglubog ang mga bahay at pananim?
a. Natumba ang mga puno.
b. Malakas ang hanging habagat.
c. Dumaan ang habagat sa maraming lugar.

5. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng pangungusap sa


kahon? Nagmistulang malaking karagatan ang maraming
lugar.

a. Maraming lugar ang lumubog sa karagatan.


b. Maihahambing sa karagatan ang nangyari sa maraming
lugar.
c. Malapit sa malawak na karagatan ang lugar na nabanggit.

6. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakitil sa binasang


seleksyon?

a. nawala
b. nagkasakit
c. nagulo

7. Ano kaya ang sanhi ng pagguho ng lupa?

a. Walang bakod ang mga lupain.


b. Maraming mga puno ang pinuputol.
c. Kulang sa paghahanda ang mga tao.

8. Bakit kailangang alagaan ang kapaligiran? Kailangang


alagaan ang kapaligiran upang
__________________________.

a. maiwasan ang habagat


b. maiwasan ang pagbabaha
c. makatulong sa komunidad

9. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyon?


Tinalakay sa seleksyon ang
_______________________________.

a. sanhi ng habagat
b. habagat at ang mga dulot nito
c. pangangalaga sa habagat

10. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang


mensahe nito?
a. Tinalakay ang bunga at solusyon ng paksa.
b. Ibinigay ang mga problema tungkol sa paksa.
c. Inilahad ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.

Reference:https://docs.google.com/document/d/
1EkusxrcMUjuhJUWE8AFogkRJu3MgUTvf/edit?rtpof=true
Pagsasanay sa Pagbasa
sa Filipino 4

You might also like