Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Pananaliksik sa Panitikang Pilipino:

Pag-aaral sa lungsod ng Ormoc

Isang pamanahong papel na inihaharap kay

G. Jemmar Java de Asis

Ormoc City Senior High School

Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t-ibang teksto tungo sa Pananaliksik

Bryan R. Alluso

Ian Jay S. Antipuesto

Kyle Tom Vincent Q. Carrillo

Limgie E. Cartagena

Angelica P. Bolaño

Menchie Buñales

Pebrero 2019

0 0
KABANATA I

Introduksiyon

Panimula

Sa pag-usbong ng panahon iba’t ibang uri ng makabagong panitikan

ang nalilikha ngunit ang makasaysayang panitikan natin ay

naiwawaglit at hindi na nabibigyang halaga. Masakit man paniwalaan

ngunit ang ating mga mahahalagang kasaysayan ng uri at likha na

panitikan ay hindi na pinahahalagahan. Ito'y napag-iiwanan na ng

panahon dahil sa pagbabago ng pamumuhay at kultura nating mga

pilipino. Ang dating buhay at panitikang Pilipino ay unti-unting

namamatay dahil ang kasalukuyang henerasyon ngayon ay wala ng

gaanong interes sa mga nagdaang panitikan. Sapagkat ang

henerasyon ng kabataan ngayon ay naiiba, kadalasan sa mga

kabataan ngayon ay napapabayaan na ang pakikipag-usap at

pakikipagkwentuhan ng kani-kanilang pamilya. Samakatuwid, sila'y

wala ng panahon para sa kanilang mga pamilya dahil sila ay abala sa

iba pang mga gawain at ibang bagay na libangan kagaya na lamang

ng pagbpibigay oras para sa paglalaro ng kompyuter, cellphone, at iba

pa.

0 0
Hindi naman iksemsyon ang panitikan ng siyudad ng Ormoc sa

suliraning ito. Dahil sa kakulangan ng silid aklatan ng siyudad ng

Ormoc malimit lamang ang mga nailalathalang mga klase ng

panitikan. Ang ganitong kalagayan ay napapasama pa dahil walang

gaanong mananaliksik ang nangagalap ng impormasyon tungkol sa

ating mga panitikan kagpaya na lamang ng mga alamat, kwentong-

bayan, tula, awitin na mismong ang mga mamamayan ng Ormoc ang

pinagmulan.

Sa ganitong klase ng sitwasyon maaaring ang mayaman na panitikan

sa Ormoc ay mawawala at hindi maibabahagi sa ating lipunan at sa

hinaharap na henerasyon. Tiyak naman na maaaring may bagong

matutuklasan tayong mga kwento, alamat at iba pa na maaaring

makapagbibigay kaalaman at karunungan tungkol sa mayamang

kultura ng mga Ormocanon kung matutugunan ito. Ngunit sa malupit

na katotohanan hindi naman binibigyang atensyon ang pagpapaunlad

ng panitikang Ormocanon ng mga mamamayan kaya hindi possibleng

ang mga panitikan napasalin-salin sa iba't-ibang henerasyon ay

mabubura at ang ugnayan nating mga nasa kalukuyan sa kasaysayan

ay tiyak na mupuputol.

0 0
Sa pamamagitan ng edukasyon maaaring mabigyan ng pagkakataong

mapapaunlad at mapapanatili ang mga nagdaang panitikan ng Ormoc.

Sa pagkilala ng Philippine Cultural Education Program (PCEP) ng

National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang pag-aaral

daw ay daanan tungo sa pagtugon nito. Ngunit hindi maikakailang

pagkakaiba-iba ng mga learner o mag-aaral sa buong bansa bunga ng

dibersidad sa wika at kultura at ang kakulangan ng mga libro at silid

aklatan sa pampublikong paaralan ay nakakaapekto sa kanilang pag-

aaral. Kaya adhikain ng NCCA-PCEP na hubugin ang identidad ng mga

mag-aaral bilang Filipino, gayundin ang ihanda sila at bigyan ng

kasanayan sa mga hamon ng ika-21 siglo. Upang maitaguyod ito

kailangan linangin ang wikang lokal at pambansang wika upang

maitampok ang kutlura, panitikan at karanasan bilang isang Filipino.

Sa bisa ng Republic Act No. 9155 (11 Agosto 2001), ang dating

Department of Education, Culture and Sports (DECS) ay naging

Department of Education (DepEd). Ang batas ding ito ang nagbunsod

sa NCCA para likhain ang PCEP upang tugunan ang mga nawalang

tungkulin ng DepEd at upang tiyaking ang kurikulum sa batayang

edukasyon ay nakasandig sa kulturang Filipino. Mahalaga ang Kultura

dahil ito ang tumutulong sa atin maghulma sa ating isip at nagbibigay

sa atin ng kakayahang makilala, magbigay-kahulugan, at mamuhay sa

0 0
mundo. Ang mga pakikipag-usap, pag-aaral, pag-alala, at

pangangarap ay bahagi ng pagkasangkot natin sa isang kultura. Kaya,

mahalagang maging ubod o pundasyon ng edukasyon, pamamahala,

at kabuhayan ang edukasyong nakasandig sa kultura. Samakatuwid

ang Kultura at tradition ang sumisimbolo sa ating paraan ng

pagpapalawak ng isipan, nagbibigay sa ating ng kakayahang bumuo

ng iba't-ibang uri ng panitikan na hango sa ating kaligiran at sariling

karanasan.Maraming pagsisikap ang ahensiya tulad ng pagbibigay

kapasidad sa mga guro na gamitin ang kultura sa iba’t ibang larang;

pagkakaloob ng mga oportunidad sa pagmumulat sa mga mag-aaral,

lokal na opisyal ng pamahalaan, media, manggagawang pangkultura,

at mga institusyon sa kahalagahan ng wika, kalikasan, pamana ng

lahi, sining, kasaysayan, at panitikang pamana ng ating mga ninuno.

Higit namang importante ang pagpapahalaga ng ating panitikang

pilipino upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating

minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinohan ng lahing ating

pinagmulan, upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang

tradisyon na nagsisilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga

kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa, upang mabatid

natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay at

maiwasto ang mga ito, at malaman ang ating mga kagalingan sa

0 0
pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad. Bilang

mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling

kultura at panitikan.

Layunin ng Pag-aaral

Panitikan, meron pa bang matitirang buhay na panitikan ang nagmula

pa sa kasaysayan hanggang sa kasalukuyan? Paano kung wala? Ano

nalang kaya ang maaring kaugnayan natin sa kasaysayan kung ang

mga natitirang mga panitikan natin ay mawala? Layunin ng pananliksik

na ito na pag-aralan ang panitikang natitira sa siyudad ng Ormoc at

ikilum ito ng sa ganoo'y mapaunlad at mapangalagaan ito para sa

kinabukasan pang henerasyon. Nais din ng mananaliksik na alamin

kung ano ang mga panitikan mayroon ang Ormocanon. Para ang mga

panitikan ng Ormocanon ay mapangalagaan at maipatuloy pang

maibahagi at maunawaan ng mga tao kung anong mayamang

panitikan mayroon ang Ormoc sa kaugnayan nila sa kasaysayan. Kung

gaano ka-masining ang mga Ormocanon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral sa pantikan ng Ormoc ng saganoon ay

magkaroon tayo ng kabatiran tungkol sa mga mayamang panitikan ng

0 0
Ormoc at mailathala ang mga ito at maibahagi ito sa Panitikang

pilipino. Ang pananaliksik ring ito ay magiging daan para sa pagbibigay

buhay ng mga nakaraang panitikan at mapangalagaan ito.

Pagbuo ng Konseptuwal at Teoritikal

Nakapagpahaba ng interes ng mambabasa ang mga sulating

pampanitikan. Nagsasalaysay ito tungkol sa buhay, pamumuhay,

lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay

ng iba’t-ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,

kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak

at pangamba. Isa itong uri na mahalagang panlunas na tumutulong sa

tao upang makapagplano ng sari-sariling buhay, upang matugunan

ang kanilang mga suliranin at upang maunawaan ang diwa ng

kalikasan ng pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang

kayamanan ng isang tao at maging ang kanyang pagiging makabayan,

subalit hindi ang panitikan. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-

aralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Sa aklat na isinulat

nina Atienza, Ramos, Zalazar, at Nazal (2001) na pinamagatang

Panitikang Filipino, ipinapahayag na ang tunay na panitikan ay yaong

walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang

ganti niya sa reaksyon sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap

upang mabuhay at lumigaya sa kanilang kapaligiran at gayundin sa

0 0
kanyang pagsusumikap na makita ang Maykapal. Sa aklat nina

Arrogante, Ayuyao at Lacanlale (2004) na pinamagatang Panitikang

Filipino, sinasabing ang maikling kwento o kwentong bayan ay isang

masining na anyo ng panitikan. Itoy isang paggagad ng realidad.

Saklaw at Limitasyon

Ang gagawing pananaliksik ay nakatuon sa pag-aaral tungkol sa mga

panitikan ng siyudad ng Ormoc. Pag-aaralan din kung anu-ano ang

mga panitikan mayroon ang Ormoc.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Panitikan- ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga

damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin

ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o

tuluyan at patula. Ito ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na

kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa

salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na

ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangangahulugang titik.

0 0

You might also like