Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Buwis kailangan bang bayaran?

Sa nakalipas na mga taon maraming kaso ang nababalita tungkol sa mga mamamayang
tumatangi o hindi nag babayad ng buwis isa sa mga ito ay ang mga negosyante, politicians, artist,
actors, at iba pang personalidad.
Kinukuwestyon rin ang buwis ng ilang mamamayanan, nagagamit ba ito at maayos ba ang
paggamit dito ang ilan sa mga katanungan ng mga tao.
Ang buwis na sinisingil ng ating pamahalaan ay ginagamit sa:
Pagbili ng mga produkto at serbisyo tulad ng serbisyong medical, edukasyon at pasahod sa
kawani ng pamahalaan. (Government final consumption expenditure)
Pagpapagawa ng mga imprastruktura tulad ng kalsada, paaralan at pagamutan.
(Capital spending)
Pondo para sa mga pamilyang kapos ang kita sa pamamagitan ng mga cash transfer.
(Transfer payment)
Itinuturing din ang buwis na instrumento upang matiyak na pantay ang pamamahagi ng yaman sa
bansa, maisaayos at makontrol ang mga polusyon at monopoly na maarinf maka apekto sa ating
ekonomiya at magbigay ng proteksyon sa mga mamimili at local na mga negosyante.
Nag-aambag din ang mga buwis sa gross domestic product (GDP) ng isang bansa. Dahil sa
kontribusyong ito, ang mga buwis ay nakakatulong sa pagsulong ng paglago ng ekonomiya na
may epekto naman sa ekonomiya ng bansa; pagtataas ng antas ng pamumuhay, pagtaas ng
paglikha ng trabaho, atbp.
May ilang nagrereklamo o nagdadahilan na masyadong mataas ang buwis na sinisingil.
Ang mataas na buwis ay maaaring makapagpahina ng pag-iimpok, pamumuhunan, at pagbabago,
habang ang mga partikular na kagustuhan sa buwis ay maaaring makaapekto sa paglalaan ng
mga mapagkukunang pang-ekonomiya. Ngunit ang mga pagbawas sa buwis ay maaari ring
makapagpabagal ng pangmatagalang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagtaas ng
mga deficit.

You might also like