Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ating henerasyon – sa atin ang desisyon!

Dumating na ang araw kung saan sa una lang tayo kilala

Sumapit na ang oras na hawak natin ang pasya

Sino nga ba ang ilulokok ng taong masa?

Mga kandidatong magaling lang sa una, o mga pulitikong may pagmamalasakit sa bansa?

Teka lang saglit, ‘di ba’t henerasyon namin ito?

Huwag nang magpatianod sa mga pangakong malabo naman magkatotoo

Panahon namin ito!

Tuldukan na ang bulok na sistema at harapin na ang tunay na pagbabago

Subalit paano haharapin ang pagbabago?

Kung madali kang mawalan ng dangal at prinsipyo

Lapagan ka lamang ng kakarampot na salapi

Ay mistulan ka nang pipi’t bingi

Hindi pa ba tayo nagsasawa?

Walang pagsulong na nagaganap sa ating bansa

Kaya, ikaw! Nasa iyo ang pagbabago

Pumili ng karapat-dapat na pangulo -yaong kaya tayong ipaglaban hanggang dulo!

You might also like