Gawain 1 AP 6 March 6 2023

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Sto.

Tomas de Villanueva Parochial School


Evangelista St., Santolan, Pasig City
Araling Panlipunan 6
S.Y. 2022-2023
Learning Material
Ikaapat na Markahan
Name:
Grade/Section: Score:

Aralin 6:

“Mga Pangunahing Pinuno ng Katipunan”

Andres Bonifacio
Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan kung kaya nakilala siya bilang "Ama ng Katipunan" at
tinawag siyang "Supremo." Ipinanganak si Bonifacio noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Maynila.
Dahil maagang naulila sa mga magulang, sa murang edad ni Bonifacio ay sinikap niyang maitaguyod
ang kaniyang mga kapatid sa pamamagitan ng paggawa at pagbebenta ng mga tungkod at abaniko.
Naging mensahero rin siya sa Kompanyang Fleming at naging bodegero rin sa Kompanyang Fressel

Dahil sa kahirapan, hindi nakatapos ng pormal na edukasyon si Bonifacio ngunit nakahiligan niya ang
pagbabasa. Ilan sa mahahalagang akdang kaniyang nabasa ay ang Noll Me Tangere at El Filibusterismo
ni Jose Rizal, The Wondering Jew ni Eugene Sue Les Miserables ni Victor Hugo, at ang kasaysayan ng
rebolusyong Pranses. Naging masugid din siyang tagasubaybay ng mga akda ni Marcelo H. del Pilar na
may temang sumusuporta sa adhikain ng Katipunan, Nagsilbing Inspirasyon ni Bonifacio ang mga
akdang ito sa paglulunsad ng isang rebolusyon para sa ganap na kalayaan.
GAWAIN #1

Panuto: Basahin ang bawat pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang “Ama ng Katipunan”?


a. Andres Bonifacio
b. Jose Rizal
c. Marcelo H. Del Pilar

2. Kailan pinanganak si Andres Bonifacio?


a. Nobyembre 30, 1862
b. Nobyembre 30, 1863
c. Nobyembre 30, 1865

3. Ano ang naging trabaho ni Bonifacio upang maitaguyod ang kaniyang mga kapatid?
a. Isa siyang labandero.
b. paggawa ng mga alahas.
c. paggawa at pagbebenta ng mga tungkod at abaniko.

4. Kaninong mga akda ang masugid na sinubaybayan ni Bonifacio?


a. Graciano Lopez Jaena
b. Marcelo H. Del Pilar
c. Mariano Ponce

5. Natapos ba ni Andres Bonifacio ang kaniyang pag-aaral?


a. Walang interes sap ag-aaral.
b. Oo, ngunit di naging pasaway sa pag-aaral.
c. Hindi, ngunit naging ngunit nakahiligan niya ang pagbabasa.

Inihanda ni: Bb. Rizalyn O. Gularez

Paalala: Ang pagpaparami, pamamahagi , pagpapadala at pagpapalimbag ng anumang bahagi nito gaya ng pag-
photocopy , pagtatala at paggamit ng elektronikong gadget sa gabay ng pag-aaral na ito ay kinakailangang ng
pahintulot ng may-ari ng gumawa nito

You might also like