Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 1 – IKATLONG KWARTER

Pangalan:
Pangkat: Guro:
Ikatlong Markahan: Sa Ating Paaralan

Aralin 4: KATUNGKULAN NG MGA TAONG BUMUBUO SA


PAARALAN
Modyul 4: Tungkuling Ginagampanan ng mga Taong
Bumubuo sa Paaralan

KASANAYAN
Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga taong
bumubuo sa paaralan (eg. Punong-guro, guro, mag-aaral, nars,
doktor, dyanitor, guwardiya at iba pa)

Kumusta ka na? Nasasabik ka na ba sa


ating aralin?Tiyak na magugustuhan mo
silang makilala. Halika ating alamin.

INAASAHAN

Sa araling ito ay mailalarawan natin ang mga


tungkuling ginagampanan ng mga taong bumubuo sa ating
paaralan (eg. punong-guro, guro, mag-aaral, doctor at nars,
dyanitor, etc)

Paunang Pagsusulit

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Alin ang larawan ng


mga taong bumubuo sa paaralan batay sa tungkuling
kanilang ginagampanan.
1. Namamahala at namumuno sa buong paaralan.

AP1-Qrt.3 Week 4
1
ARALING PANLIPUNAN 1- IKATLONG KWARTER
2. Nagtuturo sa mga mag-aaral upang matuto ng
mga aralin.
3. Nag-aral mabuti upang matuto.
4. Pinapanatili niya ang kalinisan ng paaralan.
5. Namamahala at naghahanda ng mga
pagkain ipinagbibili sa kantina ng paaralan

A. B. C.

D. E.

Tapos mo na ang pangunang pagsusulit. Kapag 5 ang score


mo – napakagaling mo na pala, 4 – magaling – galing ka, 3 –
magaling, 2 – kailangan mo pang pagbutihan, 1 – maitataas mo
pa naman. Halina! Pag-aralan natin. Handa ka na ba
sa gawain. I push mo yan!

BALIK TANAW

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.


1. Ano ang epekto sa pag-aaral ninyo kung tahimik ang kapaligiran?
a. Madaling maintindihan ang aralin c. Nakakalitong mag-aral
b. Mahirap mag-aral d. Magulong mag-aral

2. Kapag malinis ang kapaligiran habang nag-aaral


a. Mapanganib mag-aral c. Masarap mag-aral

AP1-Qrt.3 –Week 4
2
ARALING PANLIPUNAN 1- IKATLONG KWARTER
b. Nakakatakot mag-aral d. Nakalulungkot mag-aral

3. Ano ang iyong pakiramdam kung malinis at maayos ang inyong


paaralan
a. nakasimangot b. masaya

c. malungkot d. takot

Maikling Pagpapakilala
ng Aralin

Tayo ay pumapasok sa paaralan. Dito tayo ay natututo ng mga


aralin at nagkakaroon ng mga kasanayan. Ito’y binubuo ng mga
tauhang nagtutulungan para sa kapakanan at kabutihan ng mga
mag-aaral na katulad mo.
Sino-sino ba ang mga taong bumubuo at naglilingkod sa

ating mga paaralan? Ano-ano ba ang mga tungkulin nilang

ginagawa dito?

Masdan ang mga larawan. Ating kilalanin ang mga taong

bumubuo ng paaralan at ang mga ginagampanan nila sa loob nito.

AP1-Qrt.3 –Week 4
3
ARALING PANLIPUNAN 1- IKATLONG KWARTER

Mga Taong Bumubuo ng Paaralan at ang Kanilang mga Tungkulin

TAGAPANGASIW
MAG- GURO
A NG SILID- AARAL
Nagtuturo ng
AKLATAN Nag-aaral ng aralin at
mga aralin, mga
Namamahala, nag- natututo ng mga
kaalaman at
aalaga at nag- bagong kaalaman.
mabuting
aayos ng
pag-uugali
silid- aklatan

NARS AT DOKTOR
DYANITOR PUNONG-GURO
Tumutulong sa mga
Pinuno,
Siya ang tagalinis
namamahala at nasasaktan o
ng buong
gabay sa paaralan
paaralan nasusugatan sa loob
ng paaralan at
nagkakasakit.

AP1-Qrt.3 –Week 4
4
ARALING PANLIPUNAN 1- IKATLONG KWARTER

GAWAIN

Panuto: Punan ng tamang titik ang patlang upang mabuo ang


salita. Kilalanin ang mga tauhang bumubuo ng paaralan batay sa
kanilang tungkuling ginagawa.

1. Sinisiguro niyang ligtas ang mag-aaral at mahigpit


siyang nagbabantay sa loob ng paaralan.

2. Siya ang nagtuturo ng mga aralin o leksyon sa mag-aaral.

3. Makikita siyang naglilinis ng mga bahagi ng paaralan.

4. Pinuno at namamahala sa buong paaralan.

P -----------------

5. Tumutulong sa mga nagkakasakit na mag-aaral

N___

AP1-Qrt.3 –Week 4
5
ARALING PANLIPUNAN 1- IKATLONG KWARTER
GAWAIN B
PANUTO: Pagtapatin ang hanay A sa Hanay
B. I Piliin ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B

1. Nag-aaral ng aralin a.

2. Ginagamot ang mga maysakit na b.


mag-aaral.

3. Nagsisikap na matuto ang c.


mga mag-aaral

4. Nangangasiwa ng paaralan d.

5. Nangangasiwa ng pangkalusugan
sa kantina. e.

AP1-Qrt.3 –Week 4
6
ARALING PANLIPUNAN 1- IKATLONG KWARTER

Mahalaga ang ginagampanan ng bawat taong bumubuo ng

paaralan. Sila ay tulong-tulong upang maisakatuparan ang

mabuting layunin para sa ikabubuti ng ating mag-aaral gaya ng

pagkatutong pangkaisipan at mabuting asal. Pagkalinga, proteksyon

at pangkalusugan ng mag-aaral ang dahilan para sa ating punong

guro, guro, tagapangsiwa ng silid aklatan at kantina, guwardya, nars

at doktor dyanitor na gampanan ang gawain nila.

Sila ay may kani- kanilang tungkuling ginagampanan.

Bilan

g mag-aaral ating pahalagahan ang mga bumubuo ng ating paaralan.

Pag-alam sa Natutuhan

Binabati kita! Ako ay nagagalak at natapos mo ang ating aralin.

Alamin nga natin ang natutuhan mo?

Bilang pagpupugay sa mga taong nangangalaga at namamahala

sa ating paaralan, sumulat ng isang liham na nagpapahayag ng iyong

pasasalamat sa kanilang mga ginawa para sa mga mag-aaral na

katulad mo. Buoin lamang ng mula tatlo (3) hanggang limang (5)

pangungusap lamang ang iyong liham. Ilagay ito sa iasang malinis na

papel.

AP1-Qrt.3 –Week 4
7
ARALING PANLIPUNAN 1- IKATLONG KWARTER

Alam kong mahusay mong


masasagot ang pagsusulit.
GOODLUCK SA IYO!

PanghulinPgA Pagsusulit
PANGHULING PAGSUSULIT

PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa loob ng hugis puso


kung sino ang binabanggit sa mga sumusunod na pangungusap.

a. Punong-Guro b. Guro c. Dyanitor

d. Mag-aaral e. Nars

AP1-Qrt.3 –Week 4
8
ARALING PANLIPUNAN 1- IKATLONG KWARTER

1. Sinisiguro niya ang pagkatuto ng mag-aaral.

2. Kalinisan at kagandan ng paligid ang una


niyang isinasagawa.
3. Nagpapakita ng pagiging pinuno at gabay ng mga
mag- aaral, guro at magulang ng mag-aaral.

4. Palagi niyang unang tungkulin ay ang pagbigay


ng paunang lunas sa mga may sakit.
5. Tungkulin niyang mag-aral na mabuti.

PAGNINILAY

Ang paaralan ay bahagi na ng ating buhay. Ito’y may mga tauhang

may kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan para sa kapakanan

ng mag-aaral. Hinubog nila ang ating sarili kaya nararapat lamang na

atin silang pahalagahan.

Kompletuhin ang kaisipan sa ibaba.


Maipakikita ko ang pagpapahalaga sa kanila sa
pamamagitan ng

AP1-Qrt.3 –Week 4
9
ARALING PANLIPUNAN 1- IKATLONG KWARTER
PALASAGUTANG PAPEL-Week 4

Pangalan
Pangkat: Guro
PAUNANG PAGSUSULIT: Panuto: Piliin ang titik ng tamang
sagot. Alin ang larawan ng mga taong bumubuo sa
paaralan batay sa tungkuling kanilang ginagampanan.

1. 2. 3. 4. 5.
BALIK-TANAW: Piliin ang titik ng tamang sagot.
.
1. 2. 3.
GAWAIN A: Panuto: Buoin ang salita. Kilalanin ang mga
tauhang bumubuo ng paaralan batay sa kanilang tungkuling
ginagawa.

1. 3 5.

2 4.

GAWAIN B: PANUTO: Pagtapatin ang hanay A sa Hanay B.


Piliin ang titik ng tamang sagot

1. 2. 3. 4. 5.

PANGHULING PAGSUSULIT Isulat ang titik ng tamang sagot

1 2. 3 4. 5.

PAGNINILAY

Kompletuhin ang kaisipan sa ibaba.


Maipakikita ko ang pagpapahalaga sa mga taong
bumubuo ng paaralan sa pamamagitan ng

AP1-Qrt.3 –Week 4

You might also like