Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

IKATLONG KWARTER

IKAAPAT NA LINGGO (2)

ALAMIN, SUKATIN AT SUNDIN

Kasanayan

Most Essential Learning Competency


Arrange objects one after another in a
series/sequence according to a given attribute (size,
length) and describe their relationship
(big/bigger/biggest or long/longer/longest).
(MKSC-00-10)
Sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa upang malinang ang
kakayahan ng mga batang Kindergarten na tulad mo na
mapagsunod-sunod ang mga bagay ayon sa kanilang
katangian. Sa bawat gawain makinig na mabuti sa inyong
guro at magulang upang masagutan ninyo nang maayos
ang lahat ng pagsasanay dito.
Sa magulang:
Ang modyul na ito ay ginawa at dumaan sa masusing
pag-aaral ng mga guro at kinauukulan upang lubos na
maunawaan ng inyong mga anak.
Ang inyong lubos na suporta at wastong paggabay sa
inyong mga anak ay kinakailangan upang masagutan
nang maayos ang lahat ng pagsasanay na nakapaloob
dito..

Inaasahan

Sa araling ito, ang mga mag-aaral sa Kinder ay


inaasahang:
a) Matutukoy ang pagkakasunod-sunod ng bawat
bagay ayon sa tamang sukat;
b) Maihahambing ang mga bagay sa tamang
panuntunan;
c) Mapagsusunod-sunod ang mga bagay ayon sa laki,
haba at taas;
d) maiaayos ang mga bagay ayon sa tamang laki at
sukat.

2
Unang Pagsubok

Ayusin ang mga larawan ayon sa laki at sukat ng mga


ito. Iguhit sa patlang ang mga larawan.

__________ __________ __________


malaki mas malaki pinakamalaki

__________ __________ __________


mahaba mas mahaba pinakamahaba

3
Balik-Tanaw

Pagsunod-sunorin ang wastong pangyayari. Tingnan


ang mga larawan sa ibaba. Isulat ang bilang 1, 2, 3, 4 sa
loob ng bilog.

Ang Bulaklak ni Ana

4
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Ang mga bagay ay maaaring mapagsusunod-sunod


o maisaaayos ayon sa kanilang katangian katulad ng
laki, sukat, o pagkakaugnay. Nagagamit at nalilinang
ang mga salitang malaki, mas malaki, pinakamalaki, o
mataas, mas mataas, pinakamataas, at mahaba, mas
mahaba, at pinakamahaba upang mapaghambing,
maisaayos at mapagsusunod-sunod ang bagay ayon sa
katangian. Tingnan ang mga susunod na halimbawa.
(1) mahaba
(1) malaki

(2) mas mahaba (2) mas malaki

(3) pinakamahaba (3) pinakamalaki

Gawain 1
Lagyan ng bilang 1-3 ang mga kahon ayon sa
pagkakasunod-sunod ng haba nito.

5
Gawain 2
Kulayan ang pinakalamaking larawan sa bawat hanay.

6
Gawain 3

Bilugan ang mga bagay na hinihingi sa bawat bilang.

1. Pinakamataas

2. Pinakamababa

3. Pinakamataas

7
Gawain 4

Lagyan ng tsek (√) ang dalawang bagay na magkasinglaki

8
Tandaan

Sa araling ito ay natutuhan mong maisaayos ang


mga bagay batay sa kanilang laki, at haba. Natukoy mo
din ang kani-kanilang pagkakaiba at naiugnay ang bawat
isa. (malaki, mas malaki, pinakamalaki o mahaba, mas
mahaba o pinakamahaba)

Pag-alam sa mga Natutuhan

Ano-ano ang mga bagay na nakikita mo sa iyong


paligid? Ihambing ang mga ito.

Pangwakas na Pagsusulit

Ikahon ang sagot sa bawat tanong.

1. Alin ang mas mahabang lapis?

2. Alin ang mas maliit na tatsulok?

3. Alin ang mas malaking bag?

4. Alin ang mas maiksing ruler?

5. Alin ang mas malaking bahay?

9
Pagninilay

Nalaman mo sa araling ito na may kaniya-kanyang


katangian ang mga bagay sa inyong paligid na maaari
mong mapagsunod-sunod. May mga bagay din na
maaari mong paghambingin ayon sa kanyang laki, haba,
taas at iba pa.

Sa loob ng kahon, iguhit mo ang mga bagay na


natanggap mo noong nakaraang Pasko at paghambingin
ito ayon sa laki at haba.

10

10

You might also like