Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANGELA A.

ANGELES

G11-VILLANUEVA

BUOD

Ang denims (maong na Pinoy) ay isang uri ng matibay at makapal na telang buhat sa sinulid na
bulak. Dahil sa orihinal na kulay ay naging angkop ito sa gawaing pampabrika. Ang ngalan ng tela ay
buhat sa serge de nimes, o telang buhat sa Nimes, na isang pook sa Pransiya. Hindi mapasubaliang ang
may tangan ng korona sa larangan ng moda sa damit ay maong o denims. Tila uniporme ng Pinoy ang
pantalong maong lalo na sa mga siyudad at matatagpuang namamayani sa mga kampus, pabrika,
opisina, subdibisyon, at pook-iskwater. Ito’y isibusuot ng traysikel boy at executive, disc jockey, at kanto
boy, naka-Mercedes Benz at naka-dyip, babae, matron, at mukhang tatay, estudyante, at drop-out. Tila
lagareng Hapong kumakagat pasulong man o paurong, ang makapal na telang ito’y pwedeng pambahay,
pang-eksursiyon, pantrabaho, pamparty, at pamporma. Maaaring makakita ng straight cut, bellbuttons,
de-baston, de-rimatse, at burdado. Isang sastre ang narinig na napapalatak, puro maong daw ang
dinaanan ng kanyang gunting sa buwan ng pasukan ngayong Hunyo. Katunayan, may tatak ng etsa-
puwera ang hindi nakamaong sa paaralan. Ngunit hindi tent ni bubong ang kailangan ng minero kundi
pantalong may matibay na tela , tahi at di-rimatseng bulsa para tumagal sa harabas na trabaho. Nag-
empleo si Strauss ng maraming sastre at ang malauna’y denims na ang ginamit. Nanatiling damit na
pantrabaho ang denims o maong. Isang paring Hesuwita na nakatalaga sa Marikina ang naging tampulan
ng paghagikgik at pagkagulat ng komunidad pagkat sa pagbabasbas ng bahay, kotse, o patay ay nakasuot
ng pantalong denims. Bakit nga naman, nasa ganitong pagdadamit ang identipikasyon sa taong-bayan.
Hindi lamang karaniwang mamamayan ang nagsusuot ng maong. Sa pagpasok ng dekada sesenta,
naging simbolo ito ng rebelyon para sa mga kabataang taga-Kanluran dahil sa alyenasyong dulot ng
mabilis na industriyalisasyon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maruming tingnan, gusot, at
kupas na maong ang suot ni James Dean at ng beatnik na naging idolo ng kilusang walang direksyon ng
mga kabataan noon. Pinag-aalsahan nila ang istritktong moralidad at mahigpit na pamantayan ng middle
class. Suot naman noon ng establisimiyento ang mukhang laging plantsadong wash and wear tetoron at
double knit, na tineternuhan ng kurbata. Ang establisimiyento ay larawan ng lipunang sakal ng kurbata
ng moralidad at ballot ng batas na ayaw magsuot tulad ng wash and wear. Naghanap ang kabataan ng
kataliwasan ng damit ng middle class, yaong hindi maporma, mukhang marumi at hindi nagtatago ng
kahirapan. Nasuhayan ng espiritu ng 1970 ang pagyakap ng mga kabataan sa maong. Yaon ang panahon
ng demonstrasyon. Para sa ilang matanda, D.O.M man o hindi, ang kulay asul at pangharabas nito’y
nagbibigay ng damdaming macho. Kung idaragdag pa rito ang salaping pumapasok sa mga satreng
tumatahi ng solo bawat parukyano, ang negosyo ng pantalong denims ay magkakahalaga ng humigit-
kumulang na isang bilyon. De-baston ito noong 1960, hanging bell bottoms pagpasok ng 1970 at
ngayo’y muli na naming nagiging de-baston. Ito’y mayabang na nakabitin sa sampayan ng mga
nanghihikahos na distrito ng Tundo at malinis na nakahanger sa cabinet ng tagaForbes Park.

You might also like