Professional Documents
Culture Documents
The Last Pair 015
The Last Pair 015
Geronima’s POV
"I cannot see the point of all of these. Can you just go straight to the point? Litong lito na kami. Litong
lito!" Singhal ko sa kanya.
"Because you ruined my life! And I'll make sure I also ruin yours! At idadamay ko na ang buong Pilipinas!
In that way I can control them. And then, I will start to control also the world. Hitting two birds with one
stone right? I will ruin your life, and I can be the most powerful person in the world!" Mahabang
paliwanag ni Fatima na sinundan ng nakakakilabot na tawa.
"You're crazy! Paano ko naman sinira yang buhay mo. Eh ikaw nga ang nanira ng pamilya." Sabi ko.
"Hindi mo natatandaan? Hindi mo natatandaan na halos mamatay ako nang nasa poder ka ng ama
mo?!" Napatulala ako at napaisip.
10 years ago...
Dr. Fatima was lola’s personal doctor, stay in siya sa bahay para hindi na siya bumiyahe araw araw.
Tatlong taon na siyang doktor ni lola, and I can say she’s kind and pretty.
Close talaga kami ni Fatima dahil nilalaro niya ako tuwing busy sila mom and dad sa kani kanilang
gawain. She’s like a big sister to me.
Umalis si mommy at umuwi ng Bulacan dahil nagkasakit si lolo. Gusto mang sumama ni daddy, hindi
niya magawa dahil may problema din sa opisina.
One day, hindi ako makatulog dahil miss na miss ko na si mommy. Buti nalang Fatima was there kaya
may makakasama ako.
Fatima was reading farytale nang marinig naming may kumakalampag sa may hagdanan. Akala namin
ninanakawan kami kaya chineck iyon ni Fatima.
“Nini, just stay here huh? Titignan lang ni Dra. Fatima kung sino yun.” She said and go outside.
Sinundan ko siya, pero hanggang sa may pintuan lang ako. Nakita ko si dad na inaalalayan na ni Fatima
paakyat.
“Oh Nima! Matulog ka na. Matutulog na kami ng mommy mo.” Sabi niya at hinigit palapit sa kanya si
Fatima.
“Lasing ang dad mo Nini. Pasok ka na sa loob, I’ll take care of your dad. Don’t worry.” Paliwanag ni
Fatima.
I waited for her to come back, but she didn’t. Kaya naman nang mainip na ako sa kakahintay,
pinuntahan ko na siya sa kwarto ni dad.
Nakakailang katok na ako, pero wala paring nagbubukas ng pintuan. Kaya naman kinatok ko na sila
habang tinatawag ang mga pangalan nila.
“Dad? Fatima?” Ilang beses ko pa silang tinawag hanggang sa wakas ay may nagbukas na ng pinto.
Bumungad sa akin si Fatima na medyo gulo ang buhok at medyo lukot ang damit.
“Sorry, sumama kasi ang pakiramdam ng dad mo. But don’t worry, he’s fine now. Tara?” Paliwanag niya
at inalalayan ako papunta sa pinto.
After that incident, ang weird ng kilos ni Fatima at ni dad. Palagi silang nagnanakawan ng tingin at
parang may gustong sabihin sa isa’t isa.
“Hi Nini! I missed you my baby!” bati niya sa akin at niyakap ako. Lumapit rin si dad at hinalikan si
mommy.
Lumungkot ang ngiti ni mommy hanggang sa napaluha na ito. Nang makita ko ang luha niya ay agad ko
na siyang niyakap.
“He’s not doing well hon, lalong lumala ang kondisyon niya. Hindi ko na alam.” Hagulgol ni mommy.
Habang yakap yakap si mommy, napalingon ako sa bandang kaliwa namin. I saw Fatima looking at us
having a sad expression on her face. Agad din siyang umalis nang makitang nakatingin ako sa kanya.
The next week, nag leave muna si dad sa trabaho para masamahan si mommy sa Bulacan. Isinama na
rin nila ako para makasama si lolo. Pero, nagpaiwan nalang si lola kasama si Fatima dahil hindi naman
niya kailangan na sumama at mapapgog lang siya.
Puro pag-aalala at pighati ang naranasan namin nang umuwi sa Bulacan. Nang linggong iyon kasi,
lalong lumala ang kondisyon ni lolo at naka bed ridden na. Sobra na rin ang pag-iyak ni mommy dahil
hindi na niya kayang makita si lolo na nahihirapan.
Hanggang as isang araw, ako muna ang nagbantay kay lolo. Binabantayan naman ni dad si mom
habang nagpapahinga ito.
“Wala. May gusto lang akong sabihin sa’yo.” Pilit niyang pagsasalita.
“Ano po yun lolo?” tanong ko at umupo sa upuan na nasa tabi ng kama niya.
“Mahina na ako Nima... Ang gusto ko, lumaki ka nang mabuti at matapang sa lahat ng problemang
kahaharapin mo... Alam kong hindi mo pa ito maiintindihan pero...” Tumigil si lolo sa pagsasalita at
naghabol ng hininga.
“Huwag ka sanang lumaki na marunong magtanim ng sama ng loob... Kailangan marunong kang
magpatawad kahit gaanong kalaki pa ang kasalanang nagawa sa iyo ng mga taong nakapaligid sa
iyo...” Tumigil ulit siya upang maghabol ng hininga tsaka tumingin sa mga mata ko.
“Kinausap ako ng daddy mo... Ang laki ng ginawa niyang kasalanan sayo at sa mommy mo. Posible pang
magbunga ito at madagdagan ng problema... Pero... pero... Pinatawad ko na siya, kahit na masakit sa
akin dahil iyon nalang ang magagawa ko para sa kanya...” Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay
ko.
“Kahit anong mangyari Nima. Kung ano man ang mangyari sa inyo ng mommy mo—ng anak ko...
Alagan niyo ang isa’t isa... Alam kong mapapatawad mo rin ang ama mo hindi man ngayon o sa
susunod na mga araw... Pero balang araw, mapapatawad mo siya...” Naghabol nanaman siya ng
hininga niya.
“Hindi ginusto ng daddy mo ang magiging kapalaran niyo... Mahal na mahal niya kayo Nima... Mahal na
mahal din kita... Huwag kang magtanim ng galit sa puso mo. Huwag na huwag...”
Pagkatapos noon, unti unting lumuwag ang pagkakawahak sa akin ni Lolo at unti unti rin siyang
pumikit.
“Lolo gising na!” Sigaw ko sa kanya habang inaalog ang katawan niya.
Narinig kong may pumasok sa kwarto, nakita kong si daddy at si mommy na umiiyak nang lumapit sa
amin.
Lumuhod siya sa gilid ko, habang si mommy ay nasa kabila at niyayakap ang tatay niya.
“I’m sorry papa...” Rinig kong bulong ni dad na hindi narinig ni mommy.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon at libing ni Lolo, hindi na masyadong umiimik si mommy. Laging
nakaalalay si daddy sa kanya sa kahit anong gawin nito.
Isang araw, habang nililibang ko si mommy nakaramdam ako ng uhaw kaya pumunta ako sa kusina.
“Mommy kukuha lang po ako ng juice! Gusto niyo po ba niyon?” Tanong ko sa kanya.
Medyo maayos na si mommy ngayon at unti unti nang bumabalik ang lakas niya. Masaya ako dahil
doon, kasi bumabalik na ang dating mommy ko.
Bago pa ako makapasok sa kusina, may narinig akong nag-uusap. Mukhang pribado ang pinag-uusapan
nila kaya babalik nalang ulit sana ako kay mommy. Dahil ang turo sa akin, huwag makikinig sa usapang
matanda. Pero natigil ako nang marinig ang boses ni dad. Kausap niya si Fatima.
“Mali ang lahat ng nangyari ng gabing yon Fatima. Kaya pwede ba, wag ka nang bumuntot sa akin. May
asawa’t anak ako!” Pigil na sigaw ni dad.
“Wala akong boyfriend ilang taon na! At... wala akong ibang nakasama ng gabi bukod sayo! May
nangyari sa atin Leon for pete’s sake!” hagulgol ni Fatima.
Naabutan namin si Fatima na nakahawak sa braso ni dad, wala man siyang luha, bakas sa mata niya na
umiyak siya.
“Anong wala? Bakit nakahawak ka sa asawa ko? Umiiyak ka pa! Tell me what’s the problem.” Prankang
tanong ni mommy.
“Leon?”
Ganoon nga ang nangyari. Nagkaroon ng meeting sa pagitan nila mom, dad, Fatima at lola.
“No. Dito lang siya. Sabihin mo na yung dapat sabihin mo.” Sabi ni mommy na nanginginig na ang
boses.
“Mom?” Tawag ko sa kanya at niyakap siya habang nakaupo.
Pagkasabing pagkasabi niya noon, agad na lumapit si mommy at binigyan ng malutong na sampal si
daddy.
I called the maids and asked them to bring lola to her room first.
“Mommy. Fatima’s pregnant? And my daddy is the papa of her child?” Takang tanong ko.
“I’m sorry. The thing Fatima and I did is a mistake. Please forgive me.” Dugtong niya.
“But why Fatima?! It should have been mommy, dad. She’s my mom and your wife! Not Fatima!” Sabi ko
at umiyak na ng tuluyan.
“Sorry Nini.” Sabi ni dad at yayakapin sana ako pero tinulak ko siya.
“Lasing po si sir Leon noon ma’am, wala po siyang kasalanan.” Sabi ni Fatima at agad siyang sinampal
ni mommy.
“At ikaw?! Hindi ka lasing diba?!” Sigaw ni mommy sa mukha ni Fatima na umiiyak.
“You should’ve known better! Dapat una pa lang umiwas ka na! Lumayo ka na! Tumanggi ka na! Asawa
ko yan eh!” Sigaw ni mommy hanggang sa humagulgol na siya.”
“Sorry Nini...”
“I hate you Fatima! Get out of our house, or I’ll make you and your child’s life miserable!” Sabi ko at
agad nang tumakbo paakyat sa kwarto ko, at doon nagkulong.
Pag-upo ko, kita kong nagsisimula na pala silang kumain, at nakita ko sa katapat ng inuupuan ko si
Fatima.
“Why are you still here? Didn’t I tell you to leave?” Kaswal na sabi ko.
“Mommy, I don’t want to eat here with her. I’ll just eat inside my room.” Sabi ko at ambang tatayo na
nang tumayo din si Fatima.
“No, Nini. Stay here. Tapos na rin naman akong kumain. Ma’am, don’t forget to take your medicine
after.” Sabi ni Fatima at umalis na.
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko habang tinatanong sila mommy about kay Fatima.
“I don’t care, she doesn’t deserve my respect anyway.” Walang pakialam na sabi ko habang sumusubo
ng kanin.
“Well she’s worse. She made a baby with you, when she shouldn’t!” Sabi ko habang puno ang bibig.
“Hindi kayo matatalo ng apo ko sa talino niya kaya tumigil na kayo.” Singit ni lola while she’s taking her
medicine.
“Yes apo. She is here because of the baby.” Si lola ang sumagot.
“So if there’s no baby na nabuo, papalayasin mo siya mom?” Tanong ko kay mommy.
Nang matapos ang breakfast, buong araw kong pinag-isipan kung paano mapapalayas si Fatima.
I started to be rude at her. But, ilang araw na ang nakalipas hindi parin siya nagbabago. Mabait parin
siya.
One day, I saw her beside pool. Then, naisip ko na lagyan ng tubig na may dish-soap ang sahig ng
patago para madulas siya. Thinking na in that way, malalaglag ang baby.
I know that’s bad! Pero anong magagawa ko? Gabi gabing umiiyak si mommy habang pinapatulog niya
ako. I felt like my family is not the same anymore. Because of Fatima and the baby!
Ganun na nga ang ginawa ko. Nang paalis na si Fatima sa pool side, papunta sa direksyong tinataguan
ko, nadulas nga siya! Pagkasigaw niya, agad akong tumakbo paakyat sa kwarto at doon nagkulong at
kunwaring naglalaro.
“Nini, your dad and Fatima left. Dinala si Fatima sa ospital.” She said calmy.
“Nini, hindi kita tinuruan na maging bad sa kapwa mo. Bakit ka nagkakaganyan?” Kalmado parin na
pagkakasabi ni mommy.
“I just don’t want to see you cry anymore mom. Tsaka I want our family to be happy again.”
Kinagabihan, umuwi si dad at si Fatima. Okay naman daw ang baby, which makes my sad and angry.
Pinagalitan din ako ni dad nang gabing yon at kinulong ako sa kwarto.
Weeks have passed at palala ng palala ang ginagawa ko kay Fatima. Until ginawa ko sa kanya ang
dahilan kung bakit kami pinaalis sa mansyon.
Hapon noon. Pababa na ako sa hagdan ng makita ko si Fatima na pababa na rin ng hagdan. May umbok
na rin ang tyan niya kaya dahan dahan na siya kung bumaba. Hinintay kong maka-kalahati siya sa
pagbaba nang dali dali akong bumaba.
Patakbo akong bumaba at itinulak ng kaunti si Fatima. Pero hindi ko inaasahan na mapapalakas ang
pwersa ko kaya mabilis siyang nagpagulong gulong pababa.
Malakas na napasigaw si Fatima. Nakita ko si mommy na palapit kaya tumakbo ako at nagtago sa likod
niya.
Nakita kong may dugo na lumabas kay Fatima habang namimilipit siya sa sakit.
“Geronima! Anong ginawa mo!” Galit na sigaw ni dad at agad na dinala si Fatima sa ospital.
“Fatima and the baby is okay.” Agad na sabi ni dad at tumingin sa akin.
I started to cry.
“No dad! It YOUR fault. You let that woman live here!” sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.
The next day, we left. Doon na mas lumala ang galit ko sa kanila.
Ilang beses pang nag makaawa si mommy, pero sumuko na rin siya.
Present...
Nakakuyom na ang kamao ko sa galit, at mas lalong nagalit pa ng marinig ko ang kwento ni Fatima
tungkol sa kanila ni Dr. Reyes. Umiiyak na rin si Kiko at galit na galit dahil naka kuyom na rin ang kamao
niya.
“Anong pwedeng gawin para hindi mo na kami idamay sa kabaliwan mo?” Tanong ko habang
nakakuyom ang kamao sa likod ko.
“Nima wag!” Tinignan ko lang si Kiko at hindi nagbigay ng kahit na anong ekspresyon.
“Oh that? Sure! Don’t go to your classes and come with me sa Cebu.” Sabi niya.