Tekbok Aralin 1 Sulating Teknikal

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

Panginoon, maraming salamat po sa mga biyayang amin

pong natatanggap mula sa inyo. Salamat po panibagong


araw na kami po ay makipagkomunikasyon upang
magbahaginan ng mga karunungan. Patuloy mo pong
gabayan at protektahan ang bawat isa sa amin sa
anomang panganib. Panatilihin mo pong malusog ang isip
at katawan ng bawat isa sa amin. Panalangin din po
naming ang maayos na koneksyon ng internet ng bawat
isa. Ang lahat ng ito’y aming itinataas sa pangalan ni
Hesus, Amen.

PANALANGIN
ARALIN 1: KATUTURAN, KAHALAGAHAN AT
PAGKAKAIBA NG SULATING TEKNIKAL –
BOKASYUNAL

PAKSA:TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA PAGSULAT
MGA LAYUNIN:
•Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagsulat ng
teknikal-bokasyunal bilang mag-aaral sa Baitang
12.
•Nabibigyang kahulugan ang teknikal-bokasyunal
na sulatin.
•Nakikilala ang pagkakaiba ng
teknikal-bokasyunal na sulatin sa iba pang mga
sulatin.
NAPAKAHALAGA NG GINAGAMPANAN NG
SULATING TEKNIKAL-BOKASYUNAL

pampublikong ahensya ng
kompanya gobyerno

Kahalagahan ng
Teknikal-Bokasyonal opisina
na Sulatin factory
pampribadong
kompanya
anomang uri ng
negosyo
ISIPIN MO ‘TO…

• Para sa iyo, ano ang sulating teknikal-bokasyunal?


• May pagkakaiba ba ang sulating teknikal sa iba pang mga sulatin o babasahin? Pangatwiranan.
• Gaano kahalaga ang pagsulat ng teknikal na bokasyunal bilang paghahanda mo sa daigdig ng
trabaho?
• May benepisyo ba itong maidudulot upang maging mahusay kang propesyunal pagdating ng
panahon? Ipaliwanag.
• Bilang mag-aaral sa Baitang 12, dapat mo bang pag-aralan ang tungkol sa sulating teknikal?
Bakit? Ipaliwanag
BALIK-TANAW (PPTP)

•Para sa iyo, ano ang kahulugan at kahalagahan ng pagbasa sa


iba’t ibang teksto?
•Sa iyong palagay, may pagkakaiba ba ang pagsulat ng iba’t
ibang uri ng teksto sa pagbuo ng sulating
teknikal-bokasyunal? Ipaliwanag.
KAHULUGAN,
KAHALAGAHAN AT
KAIBAHAN NG SULATING
TEKNIKAL SA IBA PANG
MGA SULATIN.
•Bilang bahagi ng lipunang aming ginagalawan, bilang bagitong
mamamahayag ng Matanglawin, nananawagan kami sa
Kagawaran ng Kalusugan o DOH na kung maaari,
magsagawa ng mass testing upang matukoy kung sino sa
mga Pilipino ang may COVID19. Sa pamamagitan nito,
maisasagawa ang tinatawag na Test, Trace, Treat at Isolate
upang di na lumala pa ang sitwasyon o lumobo ang bilang ng
may COVID19 sa bansa na ngayo’y umabot na sa 61, 266
(as of July 16, 2020, DOH). -marknielopez
KAHULUGAN NG SULATING
TEKNIKAL-BOKASYUNAL
•sulatin at mga grapikong representasyon
na naglalaman ng mga impormasyon,
larawan, paglalarawan, paliwanag,
instruksiyon at iba pa na may kinalaman
sa kompanya, negosyo at iba’t ibang
produkto o serbisyo para sa babasa at
gagamit nito.
•Isa itong epektibong instrumento ng
komunikasyon sa tao o grupo ng mga tao
para sa paghahatid ng mga impormatibong
impormasyon.
HAL.
•Halimbawa nito, kung nais mong malaman ang expiration
date at iba pang mga detalye ng produktong binibili,
kinakailangang basahin lamang ang nakasulat na label sa
produkto, mababasa dito ang maikling paliwanag na
nakasulat sa detalyadong pamamaraan na madaling
mauunawaan ng mamimili o magbabasa nito. Nakasulat ito
sa mga teknikal na terminolohiya.
KAHALAGAHAN NG SULATING
TEKNIKAL-BOKASYUNAL
• Madaling makikipag-ugnayan sa mga tiyak na tao sa gustong tumanggap ng
sumulat.
• Magiging mabilis ang transaksiyon kung gagamit ng teknikal na sulatin
• Hal. Sa pag-order- pagkain, gamit sa bahay o anumang produkto na
kinakailangan.
• Sa pakikipagtalastasan- pag-a-apply ng trabaho, (dito maisusulat ng
aplikante ang mga bagay na wala sa isang ordinaryong sulatin).
• trabaho, negosyo, batas, produksiyon, memorandum, research, diplomatic
protest, balita, dokumentaryo at marami pang iba na ginagamitan ng mga
teknikal na salita
•Kahalagahan ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
– mahalagang bahagi ng industriya
– tulong sa paghahanda ng teknikal na dokumento
•Katangian ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
– Naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa
malinaw, obhektibo, tumpak, at di-emosyonal na
paraan
PAGKAKAIBA NG SULATING TEKNIKAL SA IBA
PANG MGA SULATIN
• Napakalaki nang pagkakaiba ng sulating teknikal-bokasyunal sa iba pang mga sulatin.
• Hindi makikita ang mga salitang ginagamit sa mga liham pangkaibigan, love letter,
maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan, salawikain, kasabihan sa mga sulating may
kinalaman sa transaksiyon.
• Gumagamit ng mga teknikal term o salita sa pagbuo ng mga sulating
teknikal-bokasyunal.
• Napakapormal ng mga ginagamit na salita sa pagbuo ng mga pangungusap at talataan
sa sulating ito.
• Madalas itong isulat ng mga propesyunal na tao.
• Kadalasang Wikang Pambansa ang ginagamit na wika sa mga sulating teknikal habang
sa ibang mga sulatin ay gumagamit naman ng mga Wikang Pampanitikan.
•Batayang Simulain ng Mahusay na Sulating
Teknikal-Bokasyonal
–Pag-unawa sa mambabasa
–Pag-alam sa layunin ng bawat artikulo o ulat
–Pag-alam sa paksang-aralin
–Obhektibong pagsulat
–Paggamit ng tamang estruktura
–Paggamit ng etikal na pamantayan
WHAT’S ON
YOUR MIND?
1. Isa sa mga
katangian ng teknikal
na pagsulat ay
emosyonal.
2. Isa sa mga layunin ng
teknika na pagsulat ay
maglahad ng
impormasyon.
3. Di gaanong
mahalagang pag-aralan
ang teknikal na pagsulat
sa mag-aaral na kagaya
ko.
4. Isa sa mga batayang
prinsipyo ng mabuting
teknikal-bokasyonal na
sulatin ay nakabatay sa
pananaliksik.
SUSING SAGOT
DUGTUNGANG PAGSASALAYSAY

•Ang mga matatawag na mag-aaral ay magbabahagi ng


mahahalagang kaisipan tungkol sa
teknikal-bokasyonal. Isang salita lamang ang
bibigkasin ng bawat mag-aaral at para matapos ang
pangungusap, kailangang umupo ng isang mag-aaral
bilang pagtatapos ng pangungusap.
• (Maglagay ng pic sa dugtungang pagsasalaysay)
TEKNIKAL-BOKASYONAL NA SULATIN,
SAMA-SAMANG SALIKSIKIN
•Anong katangian nito?
•May sinusunod ba itong simulain?
•Kailangan ko ba ito? Bakit?
PANGKATANG-GAWAIN:
o Pangkat _ -- Kahulugan ng Tek-Bok na Sulatin - Paggawa ng
PICTIONARYO/ PHOTOBLOG
• Pangkat _ – Simulain ng Tek-Bok na Sulatin - Paggawa ng VIDEO
BLOG
• Pangkat _ – Katangian ng Tek-Bok na Sulatin – Paggawa ng TEXT
BLOG
• Pangkat _ – Kahalagahan ng Tek-Bok na Sulatin – Pagbuo ng ART
BLOG
• Pangkat _ - Gamit ng Tek-Bok na Sulatin – Paggawa ng PHOTO
BLOG
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

• Tuon at Detalye-20
• Organisasyon-20
• Malinaw ng pagpapahayag ng layunin-20
• Pagpili ng angkop na salita-20
• Estruktura, gramatika, bantas, pagbabaybay- 20
• KABUUAN – 100 puntos
• (Irebisa ang criteria. Iba iba dapat hanggat maaari
• Magpakita ng halimbawa
• Video kung paano gumawa ng blog)
KASUNDUAN:

•Ilimbag sa websayt ang ginawang blog ng pangkat,


ipasa ang link nito sa ahisshsfil@gmail.com/ facebook
group ng klase
MGA MUNGKAHING WEBSAYTS:

•www.app.seesaw.me
•www. blogger.com
•www.weebly.com
•www.wordpress.com
•www.tumblr.com
• (Double check kung lahat libre sa websites)
KASUNDUAN
ALAMIN ANG LAYUNIN, GAMIT, KATANGIAN, ANYO AT TARGET NA
GAGAMIT NG MGA SS. NA TEKNIKAL-BOKASYONAL NA SULATIN:
•Pangkat _ :
o Manwal
o Liham-Pangnegosyo
•Pangkat _ :
o Flyers/leaflets
o Promo materials
•Pangkat _:
o Deskripsyon ng produkto
o Feasibility study
•Pangkat _:
o Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/ produkto
o Naratibong ulat
•Pangkat _:
o Paunawa/babala/
o Anunsyo
•Bunutan kung kanino mapupunta ang ss. na natira
o Menu ng pagkain
GABAY SA PAGSUSURI

• Pamagat: _________
• May-akda: __________
• Layunin: __________
• Gamit: ___________
• Katangian: _________
• Anyo: _____________
• Target na Gagamit: ___________
• (Magdala ng aklat)

You might also like