Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Aralin 5

Panitikan: Awiting-Bayan: Himig ng Kultura


Gramatika/Retorika: Pahayag sa Pagtugon sa Mensahe

Inaasahang Bunga
• Natatalakay ang kahalagahan ng mga awiting-bayan bilang bahagi ng
kulturang Pilipino
• Naisusulat ang sariling bersiyon ng awiting-bayan sa sariling lugar gamit
ang wika ng kabataan
• Nakapagsusuri ng awiting-Pilipino batay sa inilahad na pamantayan

Tuklasin

Anong awiting-Pilipino ang gustong-gusto mong awitin? Matu-


tukoy mo kaya ang pamagat ng mga siniping bahagi ng awitin?

“Kalimutan mo na yan.
Sige-sige, maglibang
Dapat na itawa lang.”

“Andiyan, andiyan ka na “Wala nang babalikan.


naman Itigil na ang ilusyon
Di ko maiwasan tumingin Sayang lang ang oras at
sa ’yong liwanag.” panahon.”

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 203
“Di na muling luluha “Magtanim ay di-biro
Di na pipilitin pang ikaw ay maghapon nakayuko,
aking ibigin, Hanggang sa Di naman makaupo
walang hanggan.” Di naman makatayo.”

Basahin

Awiting-Bayan: Himig ng Kultura

Basahin ang teksto.


Sa paglipas ng panahon, ang awitin sa puso ng mga Pilipino ay
hindi mabubura kailanman.
Kilala ang mga Pilipino sa pagiging mahiligin sa awit. Ito ay
masasalamin sa iba’t ibang awiting-bayan. Ang awit mula sariling
bayan, iyan ang tinatawag na awiting-bayan; mga awiting batay sa
pamumuhay, tradisyon, at wika ng isang partikular na lugar.
Bagamat sa kasalukuyan, tila naglalaho na ang mga awiting-bayan
na tumatak bilang bahagi ng ating kultura. Nagiging parte na lamang
ito ng pag-aaral para gunitain at sabihing hindi natin ito tinatalikuran
bilang bahagi ng ating pagka-Pilipino. Sa kabila nito, ang mga awiting-
bayan ang pinagmulan ng mga kantahin ng ating sariling awitin o mas
kilala bilang Original Pilipino Music (OPM). Kung mayroon mang
genre ng musika sa kasalukuyang panahon, sa awiting-bayan ito nag-
ugat.
Ilan sa mga uri ng awiting-bayan
• Oyayi o Hele – Awit ito sa pagpapatulog ng bata. Ang “Oyayi”
ay tumutukoy sa liriko ng awit at ang “hele” ay ang paraan ng
pag-ugoy sa duyan.
• Suliranin/Talindaw – Awit ito sa paggaod o pamamangka.
• Kalusan – Awit ito sa sama-samang paggawa. Maaaring awitin
ito bago o pagkatapos gumawa, o habang gumagawa.


204 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
• Diona – Awit ito sa kasal na inaawit habang isinasagawa ang
seremonya.
• Kundiman – Awit ito ng pag-ibig. Maaaring ang tema nito ay
malungkot kung nabigo ang binatang umaawit at masaya naman
kapag may pag-asa ang nanliligaw. Inaawit ang kundiman
hindi lamang sa nililigawan bagkus maaari rin itong ialay sa
magulang, kapatid, anak, at kaibigan. Sa Bisaya, tinatawag itong
Balitaw, sa Ilokano ay Pamulinawen, at Uso sa mga Negrito.
• Kumintang/Tikaw Hiliraw/Tagumpay – Awit ito bago o pag-
katapos ng pakikipagdigmaan.
• Sambotani – Awit ito ng pagtatagumpay.
• Dalit – Awit ito sa mga anito na nagpapakita ng pagsamba at
paggalang o imno sa mga diyos-diyosan ng mga Bisaya.
• Dung-aw – Awit ito ng pagdadalamhati ng mga Ilokano sa
patay.
• Umbay – Awit ito ng nangungulila dahil sa kawalan ng
nagmamahal na magulang.
• Ditso – Awit ito na mula sa mga batang naglalaro sa lansangan.

Ang mga katutubong awiting-bayan ay maituturing na yaman ng


ating kalinangan.
Basahin o kantahin ang mga awiting-bayan.

Pamulinawen
Pamulinawen Ta nagan mo kasam-itan
Pusoc indengam man No malagip ka pusok ti
Toy uma-asug Mabang-aran
Agrayod ta sadiam
Adu a sabsabong, nanway a
Koro rosrosas
Essem nga diak malapitan ta Ti adda’t ditoy
Nasudi unay a nagan Ading a mabuybuya
Uray sadin ti ayan Ngem awan man laeng
Lugar sadino man, Ti pakaliwliwaan
Aw-awagan di agsarday. No di dayta sudim ken
kapintas.

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


205
Aywen biagco indengam man Ta panagadalyo
Iyasasokko nga inaldaw Tapno inkay magun-od
Ta diak to a kayat ti sabili nga imnas kakaligumanyo
Sica laeng o biagko, itaken uray
tanemman Essem nga diak kalipatan,
No malagipca pusoc ti ta nasudi unay a nagan
Mabang aran Uray sadin ti ayan, lugar sa
dino man
Dacay nga ub-ubing Aw-awagan, di agsarday ta
Dida kam tultuluten naganmo kasam-itan
Ta dakkel kamin nga No malagipka, pusok ti
Aginnnarem mabang-aran
Ta ituloyyo

Salin sa Tagalog
Puso ko’y pakinggan mo,
Na siyang dumaraing
Nagkakagusto sa iyong kariktan.

Hindi ko makalilimutan,
Ang napakatamis mong pangalan
Kahit ako’y nasaan,
Kahit saan mang lugar
Palagi kong bibigkasin,
Ang napakatamis mong pangalan
Kung maalaala kita puso ko’y nasisiyahan.

Maraming bulaklak,
Maraming mga rosas ang naririto
Nakikita’t nalalanghap,
Ngunit wala man lamang
Makapagbibigay ng ligaya sa akin.

Kundi ikaw lamang ang ganda mo at kariktan,


Oh buhay ko pakinggan mo
Ang pagdaing ko’t pag-ibig.


206 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Talas-Salita

Piliin sa loob ng panaklong ang pinakaangkop na salitang dapat


ipuno sa patlang.

1. Sadyang kinagigiliwan ng mga Pilipino ang


mula sa sariling bayan, gaya ng pop, rock, at jazz sa makabagong
panahon.
(sayaw, awit, pagpipinta, paglililok)
2. Dahil sa mahilig ang mga kabataan sa mga kantang banyaga,
tila na sa ngayon ang awiting-bayan.
(umunlad, nanagana, naglaho, naubos, nalimutan)
3. sa kaniyang isip ang pagpapahalaga sa mga
awiting-bayan.
(bumara, naglaho, tumatak, tumakas)
4. Sa mga awiting-bayan ang halos lahat ng mga
musika sa kasulukuyan.
(nakita, nag-ugat, natanim, nagbunga)
5. Ang halaga ng mga awiting-bayan ay dapat na
sa ating henerasyon.
(nasusuri, natatanto, nababakas, naririnig)

Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang sumusunod:

1. Sino ang nagsasalita sa awit? Ibigay ang kaniyang katangian.

2. Ano ang mensahe ng huling bahagi ng awit? Makatwiran ba ang


kaniyang paalaala? Patunayan.

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


207
3. Ano ang kabuuang mensahe ng binasang awitin?

4. Saan mauuri ang binasang awiting-bayan? Bakit?

Pagpapalalim

Ang Awiting-Bayan

Ang awiting-bayan (folk song) ay itinuturing na isa sa mga pinaka-


matandang sining sa Pilipinas sapagkat nagmula pa ito sa ating mga
ninuno at walang makapagsabi kung sino ang nakatuklas nito dahil
likas ito sa mga karaniwang gawain ng ating mga ninuno. Mula sa
pagiging malikhain sa pagtula ay nilapatan ito ng ritmo at musika
upang maging awitin na madaling sabayan at matandaan.
Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay kinikilala sa buong
Mundo, lalong-lalo na sa larangan ng musika. Hindi na mabilang ang
nagbigay karangalan sa bansa dahil sa kahusayan ng mga mang-aawit
na Pilipino.

Kombensiyon sa Pagsulat ng Awitin


Sa pagsulat ng awit, maraming kailangang bigyang-pansin upang
higit na maging maayos ang nilalaman at kariktan ng liriko nito.
Nahahati ito sa mga sumusunod na mga elemento.
1. Sukat – Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Halimbawa: kariktan = tatlong (3) pantig
2. Tugma – Ito ang nagpapaganda ng diwa ng tula. Nagtutugma
ang dulong pantig ng mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g,
p, t, s. Ang mga nagtatapos naman sa l, m, n, ng, w, r, y ang
magkakatugma.


208 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Halimbawa: “Piliin Mo ang Pilipinas”
Kayamanan niyang likas
Piliin mo ang Pilipinas
– ni Angeline Quinto
3. Tayutay – Ang paggamit ng pagtutulad (similé), pagwawangis
(metaphor), pagsasatao (personification) ay ilang paraan upang
ilantad ang talinghaga sa tula.
4. Paksa – Isang partikular na nilalaman ang pinag-uusapan sa
isang awit.
5. Persona – Tinutukoy nito ang nagsasalita sa awit. Maaari itong
nasa una, ikalawa, o ikatlong panauhan. 

Dagdag Kabatiran

Basahin o kantahin ang isa pang awiting-bayan.

Atin Cu Pung Singsing Ako Ay May Singsing


Atin cu pung singsing Ako ay may singsing
Metung yang timpucan, May batong kay inam,
Amana ke iti Binigay sa akin
Kang indung ibatan, Ng mahal kong nanay,
Sangkan keng sininup Sa tapat ng dibdib
King metung a kaban Iningat-ingatan,
Mewala ya iti Kung san nawaglit'
Eku kamalayan. Di ko na nalaman.
Nawala ang singsing
Ing sukal ning lub ko 'Di ko na nakita,
Susukdul king banwa Abot hanggang langit
Pikurus kong gamat Ang taglay kong dusa.
Babo ning lamesa; Sino mang binata
Ninu mang manakit Ang makakukuha,
Keng singsing kong mana, Ang abang puso ko
Kalulong puso ko Ay magiging kaniya.
Mangino ya kaya.

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon



209
Pagtibayin

Sagutin nang pasalita ang sumusunod:

1. Ano ang mensahe sa awiting-bayang “Atin Cu Pung Singsing?”


Ano ang pinahahalagahan ng awit?
2. Ano ang sinisimbulo ng singsing sa awitin?
3. Saan mauuri ang binasang awiting-bayan? Bakit?

Paghambingin ang mga awiting-bayan ayon sa hinihingi sa hanay.

Pamagat ng Rehiyong
Persona Paksa
Awiting-Bayan Pinagmulan

“Pamulinawen”

“Atin Cu Pung
Singsing”

Gramatika/Retorika

Pahayag sa Pagtugon sa Mensahe


Basahin.

“Kamusta ang pinanood ninyong konsiyerto?" tanong ng ina sa


dalawang anak.
“Ang ganda po Inay, sulit ang paghihintay namin,” ang masayang
sagot ng mga anak.
“Talaga? Sino-sino ba ang mga kumanta?
“Naroon po si Sarah Geronimo, Regine Velasquez, Gary
Valenciano at Ogie Alcasid. Naroon din ang Pinoy Boy Band na
nagpasigla sa konsiyerto.”
“Punong-puno po ang buong Araneta dahil lahat ay nag-enjoy sa
panonood,” pagbibida ng bunsong anak.
“OPM ang lahat ng kinanta ng mga singers,” dugtong ng kapatid.
“Sana pala nakasama ako,” ang panghihinayang ng ina.


210 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
“Naku! Nanay may repeat performance sila dahil sa tagumpay ng
konsiyerto!” ang sabay na pagbabalita ng mga anak.
“Sasama ako sa inyo sa susunod nang makapagrelaks naman,”
masayang tugon ng ina.

Sagutin nang pasalita ang sumusunod:

1. Ano ang balitang natanggap ng ina mula sa mga anak?


2. Ano-anong pahayag ang tumutugon sa
a. pangungumusta?
b. pagtugon sa pagbati?
c. pagpapakita ng pagsang-ayon?
3. Aling bahagi ng usapan ang tumutukoy sa tuwirang sinasabi ng
nag-uusap? Ano-anong bantas ang ginamit dito?
4. Paano tinugon ang mga mensahe ng nagsasalita? Isa-isahin ang
tuwirang tugon at di-tuwirang tugon sa usapan.
• Tuwirang tugon:

• Di-tuwirang tugon:

Makikilala sa tulong ng dalawang bahagi ang bawat pangungusap


sa tuwirang pahayag. Naglalaman ito ng parirala ng pananalita at ang
tuwirang pag-uulit ng pahayag. Ikinukulong sa panipi (“ ”) ang tuwirang
pahayag.
Halimbawa
Parirala ng pananalita: tanong ng ina sa dalawang anak.
Tuwirang pag-uulit ng pahayag: “Ang ganda po Inay, sulit ang
mahabang paghihintay namin.”

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon



211
Matutukoy sa tulong ng dalawang pangungusap ang di-tuwirang
pahayag. Ito ang pandiwa ng pananalita (Halimbawa: ibinalita) at ang
kaganapan ng pandiwang ito na hinango sa isang pahayag.
Halimbawa: Ibinalita ng mga anak na maganda at sulit ang
mahabang paghihintay sa konsiyerto.
Pandiwang Pananalita: Ibinalita ng mga anak sa ina.
Kaganapan ng Pandiwa: Ibinalita ng mga anak sa ina na maganda
at sulit ang mahabang paghihintay nila sa konsiyerto.

Gawaing Komunikatibo

A. Lapatan ng angkop na pahayag ng pagtugon ang mensahe. Pag-


katapos ay isulat muli sa di-tuwirang pahayag.

“Lorna, grabe ang pinanood naming sayaw-awit na inihandog


ng “The Boy Band,” ang pagmamalaki ni Rhoda.
1. “ ? ang daya mo bakit hindi mo ako isinama”
ang ni Lorna.
2. Di-tuwirang pahayag



3. “Ay naku, lang ‘yun, isinama
lang ako ng kapatid ko,” ang pagpapaliwanag ni Rhoda.
4. Di-tuwirang pahayag



“Ang sarap pakinggan ng mga awiting kundiman na inawit
nila,” ang sabi ni Rhoda.


212 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
“Oo naman, Friend. Wala pa ring tatalo sa galing nating
mga Pilipino kung musika lamang ang pag-uusapan,” ang
mapagmalaking tugon ni Lorna.
5. Di-tuwirang pahayag


B. Basahin at kantahin ang awiting-bayang “Ang Pipit.” Bigyang-


kahulugan at ilahad ang mensahe ng awitin. Bumuo ng mga pahayag
ng pagtugon sa mensahe.

May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy


At nahagip ng bata ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog, ngunit parang taong bumigkas,
“Mamang kay lupit, ang puso mo’y di na nahabag,
Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak.”

Mga pahayag ng pagtugon sa mensahe ng awiting – “Ang Pipit”

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 213
Gawaing Pasulat

Pagsusuri ng Awiting-Pilipino
Magsaliksik ng isang awiting-Pilipino at gumawa ng pagsusuri
hinggil dito ayon sa mga sumusunod na pamantayan.

1. Ano ang tema ng awit?


2. Ano ang layunin ng sumulat ng awit?
3. Ano ang halaga ng nasaliksik na awitin na iyong
nakikita sa kasalukuyang panahon?
4. Nasusunod ba ang kombinasyon sa pagsulat ng
awitin sa nasaliksik na kanta? Alin-alin dito ang
nasunod? Bakit?


214 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon

You might also like