Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Aralin 1

Panitikan: Kaligirang Pangkasaysayan ng Koridong


“Ibong Adarna”
Gramatika/Retorika: Mga Elemento ng Tula

Inaasahang Bunga
• Naipamamalas ang kakayahan sa pag-unawa sa kaligirang pangkasaysayan
ng koridong "Ibong Adarna" bilang anyo ng panitikan
• Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng korido
• Nasusuri ang mga elemento ng tula bilang anyo ng panitikan
• Nakabubuo ng isang tula tungkol sa mahahalagang pangyayaring
natutuhan sa "Ibong Adarna" batay sa mga pamantayan sa pagbuo ng
mainam na tula

Tuklasin
Gawing elegante ang Ibong Adarna sa tulong ng pagkukulay.


224 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Ano ang nalalaman mo tungkol sa “Ibong Adarna?”

1. 2.

3. 4.

Basahin

Kaligirang Pangkasaysayan ng Koridong “Ibong Adarna”

Noong panahon ng panana- “Ibong Adarna” na tumatalakay


kop ng mga Kastila, ang “Ibong sa kabayanihan, pag-ibig, at
Adarna” ay pinaniniwalaang na- kababalaghan.
karating sa Mehiko at di-naglaon
Ayon kay Gng. Pura Santillan-
ay nakaabot sa Pilipinas. Noon ay Castrence, isang tanyag na ma-
mas kilala ito sa tawag na "Corrido nunulat at diplomat sa kaniyang
at Buhay" na pinagdaanan ng tat- panahon, ang kasaysayan ng
long prinsipeng magkakapatid “Ibong Adarna” ay maaaring hango
na anak nina Haring Fernando sa mga kuwentong bayan ng iba’t
at Reina Valeriana sa Kahariang ibang bansa, tulad ng Alemania,
Berbania. May malaepikong Denmark, Romano, Austria,
estilo ng pagkakasalaysay ang Finland, Indonesia at iba pa.
Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
 225
Ayon pa rin kay Castrence, Gabi, ang pagkakahawig na ito
taglay ng “Ibong Adarna” ang na sinasabi ng mga poklorista
motif at cycle na matatagpuan sa (folklorist), ang mga kuwentong-
mga kuwentong-bayan o folklore. bayan saanmang dako ng Daigdig
Ito ay ang sumusunod: may sakit ay may iisang motif o may sinu-
ang ina (isang reyna) o ama sunod na balangkas. Dahil dito’y
(isang hari) at kailangan ng isang nagkakaiba sa mga detalye ang
mahiwagang bagay upang guma- mga kuwentong-bayan, ngunit
ling, tulad ng ibong umaawit, kung pakasusuriin ay may iisang
tubig ng buhay, halaman, at iba pangkalahatang paksa at ba-
pa. Maglalakbay ang tatlong anak
langkas.
ngunit ang bunso ang magtata-
gumpay (dahil matulungin) na Nagsimulang maging popular
makakukuha ng lunas na bagay sa ang Ibong Adarna sa Pilipinas
tulong ng matandang ermitanyo. nang ito’y isalin sa katutubong
Pagtutulungan siya ng nakatatan- wika. Ang bawat kopya ng akdang
dang mga kapatid upang agawan ito ay ipinagbibili sa mga perya na
ng karangalan at magdaranas karaniwang nagpapalipat-lipat sa
siya ng maraming hirap, ngunit mga bayang nagdiriwang ng pista.
magtatagumpay rin sa huli. Marami noon ang di-marunong
Mapapansin na sa mga ku- bumasa kaya’t iilan lamang ang
wentong tulad ng Ang Maputing mga kopyang napalimbag. Sa
Kalapati (1808) na isinulat ni kabutihang palad, di-nagtagal
Gretchen Wild at Tatlong Prinsipe ito’y itinanghal sa mga entablado
sa Tsina mula sa Isang Libo’t Isang gaya ng komedya o moro-moro.

Talas-Salita

Piliin sa talaan ng mga pagpipilian ang malayo sa kahulugan ng


salitang nasa unahan. Bilugan ang wastong sagot.

1. tanyag na pamumuhay
a. sikat c. di-pansin
b. kilalang-kilala d. bukambibig

2. kababalaghan
a. nakatatawa c. nakapananabik
b. nakamamangha d. nakapagtataka


226 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
3. pagkakahawig
a. malapit sa katotohanan c. kakambal
b. halos kamukha d. walang pinagkaiba

4. napalimbag
a. naiguhit c. napaimprenta
b. naisulat d. naikalat

5. itinanghal
a. pinanood c. ipinasilip
b. ipinakita d. pinaalis

Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang mga tanong.


1. Paano nakarating sa Pilipinas ang koridong “Ibong Adarna” ?

2. Paano naging popular ang “Ibong Adarna” sa Pilipinas?


3. Paano natutulad at naiiba ang “Ibong Adarna” sa iba pang korido


sa iba't ibang dako ng Mundo?

4. Ano ang katangiang taglay ng isang korido?

Puso’t Isip
1. Magbigay ng pansariling pagtataya kung bakit dapat isama sa kuri-
kulum o pag-aaral ang koridong “Ibong Adarna.”

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 227
2. Ano-ano kaya ang maiaambag sa iyong pagkatao ng pag-aaral ng
“Ibong Adarna?”

Pagpapalalim

Ang "Ibong Adarna" ay nabibilang sa tulang romansa o romance.


Ang tulang romansa ay isang uri ng tulang pasalaysay tungkol sa
pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang mga maharlikang
tao ang nagsisiganap.
Nagsimulang lumaganap ang mga tulang romansa sa Europa
noong Edad Media o Middle Ages at sinasabing nakarating ito sa
Pilipinas mula sa Mehiko noong ika-17 dantaon. Subalit noong ika-18
dantaon lamang ito kinilala sa ating bansa kasabay ng pagpapakilala
ng imprenta at pagkatuto ng ating mga ninuno ng alpabetong Romano.
Isa sa mga paraang ginamit ng mga Kastila sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo ang panitikan. Kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan
na dinala ng mga prayle at sundalong Kastila ay ang pagpapalaganap
ng mga tulang romansa na galing sa Europa. Karaniwan sa mga ito,
kabilang ang “Ibong Adarna,” ay may paksang panrelihiyon.
Ang tagpuan sa tulang romansa ay karaniwan sa isang kaharian sa
Europa. Nagsisimula ito sa panalangin o pag-aalay sa Mahal na Birhen
o sa isang santo. Nananawagan sa Diyos ang mga tauhan sa akda at
nagtatagumpay naman ang mga nananalig sa Diyos.
Ang "Ibong Adarna" ay isang dayuhang panitikan. Bagama’t hindi
naitala kung sino ang nagsalin nito sa wikang Filipino ay masasalamin
dito ang pagiging malikhain ng manunulat. Patula ang paraan ng
pagsasalaysay na dati nang ginagamit ng ating mga ninuno sa panitikang
saling-bibig tulad ng bugtong, salawikain, at iba pa. Napupuno ito ng
mga talinghaga at mga pagpapahalagang likas sa ating kultura katulad
ng pagmamahal sa sambahayan, pagtulong sa mga nangangailangan,
pagpapatawad, at pagtawag sa Diyos sa gitna ng kagipitan.


228 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Dalawa ang anyo ng tulang romansa—ang awit at ang korido. Ang
korido ay mula sa “corrido” ng Mehiko, na hango naman sa Espanyol
na “occurido” na nangangahulugang “nangyari.”
Ang “Ibong Adarna,” bilang isang korido ay nagtataglay ng
sumusunod na mga katangian.
• Mayroon itong walong (8) pantig sa bawat taludtod.
• Isinulat ito upang basahin at hindi upang awitin.
• Binibigkas ito na may tiyempong mabilis o allegro dahil maikli
ang mga taludtod.
• Inilalarawan dito ang mga tauhang may kapangyarihan o
kakayahang gumawa ng mga kababalaghan o supernatural.
• Inilalarawan ang mga kagila-gilalas na pakikipaglaban ng mga
pangunahing tauhan alang-alang sa pag-ibig.
• Ikinakalat nito ang butil ng karunungang nagtataglay ng aral sa
buhay.
• Ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong
mangyari sa totoong buhay.

Pagtibayin

1. Isa-isahin ang mahahalagang impormasyong nakuha sa binasang


akda sa tulong ng mga pamatnubay na tanong.
a. Ano ang pinapaksa ng “Ibong Adarna?”

b. Paano nagamit ng mga Kastila ang “Ibong Adarna” para sa


pagpapalaganap ng Kristiyanismo?

c. Paano lumaganap ang pagbabasa ng akdang “Ibong Adarna?”

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


229
2. Isa-isahin ang katangian ng “Ibong Adarna” bilang isang korido.


3. Ibigay ang bisa ng pag-aaral ng “Ibong Adarna” sa makababasa
nito.


4. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makahanap o makahuli sa
“Ibong Adarna,” ano ang magiging kahilingan mo sa kaniya? Bakit?


5. Buuin ang diwa ng pangungusap.
Ang “Ibong Adarna” ay masasalamin sa likas na kultura ng
mga Pilipino gaya ng , ,
, , at .

Gramatika/Retorika

Mga Elemento ng Tula


Ang tula ay isang pagbabagong hugis sa buhay — isang paglalarawan
ng buhay na hinango sa guniguni, na pinararating sa ating damdamin
at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tugma, ng aliw-iw,
at lalong mainam kung matatagpuan at mababasa sa mga sukat at
taludtod (Alejandro at Pineda).

• Sukat – Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang


karaniwang sukat ng isang tula ay wawaluhin at lalabindalawahin.

• Tugma – Tumutukoy ito sa pagkakapareho ng huling tunog ng


salita sa bawat taludtod.

 230 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


May dalawang uri ng tugma.
1. Ganap – kapag magkatulad ang tunog, at ang diin ng huling
salita sa bawat taludtod
2. Di-ganap – kapag halos magkatulad lamang ang tunog ng
huling salita (dahil sa mabibilang ang mga ito sa iisang pamilya
ng tunog)

• Tayutay – Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga


pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa
ang pagpapahayag.

• Larawang Diwa (imagery) – Ito ay mga salitang binabanggit


sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan
ng mambabasa.

• Simbolismo – Ito ay salita sa tula na may kahulugan sa


mapanuring isipan ng mambabasa.

Gawaing Komunikatibo

A. Basahin ang mga sumusunod na mga taludtod at suriin ayon sa mga


binanggit na elemento ng tula.

Ako’y isang hamak lamang,


Taong lupa ang katawan,
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw.

a. sukat
b. tugma
c. larawang diwa
d. simbolismong gamit

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


231
2

Ang dangal ng tao’y katumbas ng hiyas


Dapat mahalin at ingatang ganap;
Marangal na tao ay maitutulad,
Sa isang brilyanteng laging kumikislap.

a. sukat
b. tugma
c. larawang diwa
d. simbolismong gamit

B. Bumuo ng isang tulang binubuo ng apat na taludtod at may sukat na


wawaluhin. isulat ito sa iyong kuwaderno. Ibahagi ito sa klase.

Gawaing Pasulat

Gawain 1
Bumuo ng maliliit na pangkat. Sumulat ng isang tula tungkol sa
mahahalagang pangyayaring natutuhan sa kaligirang pangkasaysayan
ng “Ibong Adarna.” Isaalang-alang ang dapat tandaan sa pagbuo ng
isang maayos na tula.

Isaalang-alang ang sumusunod na mga pamantayan sa pagbuo ng


tula.

• Pagkakabuo ng tula ayon sa mga elemento nito


• Kalinawan sa pagkakalahad ng mga pangyayari
• Kaangkupan ng mga pangyayari sa orihinal na teksto
• Pagkamalikhain ng pangkat sa pagkakalahad ng mga pangyayari
sa anyong patula


232 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon

You might also like