Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magandang Kaugalian, Magandang Kinabukasan

Ang kaugaliang Pilipino ay natatangi sa buong mundo. Mabait, magaling mag estima ng bisita,
responsable at magalang. Wag nalang ipokus ang pagiging huli sa mga selebrasyon o kahit ano pa. Ang
Pilipinas ay nagawa sa ating magandang kaugalian, pero nakikita na kahit saan na nawawala ito sa mga
kabataang pinoy. Sa kalye, sa silid-aralan regular man o ang mga espesyal na seksyon, nakikita ang
pagiging walang galang, maingay, at pagiging mapanakit. Ano kaya ang nangyayari sa bansang ito? Ano
ang nangyayari sa lupang sinilangan? Bakit kaya nagiging ganito ang mga batang pinoy? Ano kaya ang
posibleng epekto nito sa bansang Pilipinas?

Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago, nagpapakita ng malaking mentaidad na kolonyal, at


nakukuha ang pinakamadami niyang pera sa kalakalan at pagmamanupaktura. Pero, turismo ay isa din
sa pinaka importanteng parte ng pilipinas. Natatangi ang Pilipinas sa kaugalian ng mga Pilipino. Ang
pilipino ay palaging magalang, responsable, at pagiging mabait sa mga dayuhan. Ang bansang Pilipinas
ay maganda at malinis, isang dahilan ng pagkaunlad ng turismo, pero, ano ang gamit nito kung ang mga
tao ay walang magandang ugali, walang galang, at pagiging hindi responsable.

Ang magandang kaugalian ng Pilipino ay kasing importante ng ating mga likas na yaman. Ang
ating bansa ay mayroon malaking mentalidad na kolonyal, ang pagiging depende sa ibang bansa. Upang
maging maunlad ang Pilipinas, nagdedepende ito sa ibang bansa para sa tulong pinansiyal, sa
internasyonal na kalakalan at sa tulong militar. Kulang pa sa kaunlaran ang Pilipinas, mas maganda na
nagsasarili tayo, pero, kailangan pa natin ng madaming tulong bago tayo maging Developed Country sa
mata ng World Bank.Para makuha pa natin ang tulong ng iban bansa, kailangan maging mabait, magaling
at magalang ang Pilipinas sa ibang bansa. Dahil kung wala tayong tulong ng ibang bansa, mahihirapan
ang ating ekonomiya,

Ngayon, sagutin natin, bakit ang respeto at paggalang sa Pilipinas ay bumababa sa pagkalipas ng
mga henerasyon, anokaya ang mga epekto nito sa pang internasyonal at pangbansang nangyayari. Ang
mga bata at tinedyer ngayon ay naninibago na. Ang magalang at pagrespeto ng tao ay pinapasa ng
magulang paunta sa anak. Pero, ang ibang Pilipino, tinatanggihan nila ang mga dating paraan, at
ginagawa ang bago at sinisira ang mga estereotipo ng bansa. Ang bansa kung saan tayo ay nakatira ay
kailangan ang magandang ugali, di lang para sa moralidad, kundi para sa pagkaunlad ng ating lupang
hinirang.

Ang ating bansang ito ay ginagamit ang kanyang mga likas na yaman, magandang lugar at ang
kanyang tao upang umunlad. Pero, sumasama ang ugali ng mga Pilipino. Maingay, ayaw makinig, walang
galang at nakakabwisit sinasabi ng mga magulang at guro. Ang ating bansa nawawala na ang isang
dahilan natatangi siya sa turismo. Ang ating bansa ay depende sa ating kaugalian, dahil pag wala ito,
wala din tayong kinabukasan.

You might also like