Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Laviña, Aloiza Belle E.

Bs Psych- 1
G-LIT 1

Takdang Aralin 1: Ang Panitikan (30 puntos )

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan sa antas ng kolehiyo ? (10 pts)


- Na obserbahan ko na maraming kabataan ang nahihirapan pag dating sa
sarili nating panitikan at wika kaya’t para sa akin mahalaga na pag aralan
ang panitikan at iba’t ibang panitikan ng Pilipinas kolehiyo para mas
maisapuso pa natin ang sarili nating panitikan.

2. Ano-ano ang mahalagang bagay na naimbag ng panitikan sa buhay ng tao ?


Maglahad ng 5 patunay. (10 pts)
- Simula palang sa panahon ni Rizal ang panitikang Pilipino ay malaki na
ang nagging ambag buhay ng mga Pilipino. Naging mulat ang puso at
isipan sa katotohanan para ipaglaban ang mahal nating Pilipinas mula sa
mga mananakop.
- Ang pantikan ay mahalaga sa ating mga buhay dahil ito ang naglalarawan
sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Dahil
dito, maaari nating pag-aralan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan at
magamit ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin.
- Ang mga tao ay nabibigyan ng tulay sa nakaraan na maaring isalamin sa
kasalukuyang panahon ng dahil sa ating sariling panitikan. Ng dahil ditto,
mas malinaw at mas naiintindihan natin ang ating kultura at tradisyon at
mas nabibigyan ito ng halaga sa pang araw araw nating kabuhayan.
- Ang panitikan ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ay sumasalamin sa
ating mga emosyon na kadalasan hindi nating maaaring ipalabas.
Maaring ito ay sa mga anyo ng nobela o tula. Ito din ang ginawa ni Dr.
Jose Rizal upang maging mulat tayo sa katotohanan.
- Higit sa lahat, tayo ay iisa lamang sa ating lipunan at tayo ay
pinagbubuklod-buklod ng dahil sa ating sariling panitikan.
3. Para sa iyo aling bahagi ng panitikan ang mahalagang pag-aralan? Bakit?
Ipaliwanag ang iyong sagot. (10 pts)
- Para sa akin, ang bahagi ng panitikan na mahalagang pag aralan ay ang
panitikang katutubo. Bago pa dumating ang mga dayo, ang mga dating
katutubo ng Pilipinas ay andito na. Mahalaga na pag-aralan ito para ma
laman at upang mapanatili nating ang sarili nating kultura.

You might also like