Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Malaki ang naging epekto ng pagpasok ng mga bagong

kaalaman sa Europe bunga ng panahon ng eksplorasyon ;


pagtaas ng antas ng kuryosidad na dulot ng Renaissance; at
paghamon sa mga turo ng Simbahan na makikita sa
Repormasyon, sa pag-usbong ng Rebolusyong Siyentipiko, at
sa Enlightenment.
Ang Rebolusyong Siyentipiko o Scientific Revolution na
nagwakas sa mga paniniwalang namayani sa Middle Ages.
Sinasabing nakabuo ang ilang mga iskolar ng mga teorya sa
pilosopiya na naging batayan ng konseptong pamahalaan,
demokrasya, at edukasyon sa modernong panahon. Ang
panahong kinapapalooban ng mga nasabing iskolar ay
nakilala bilang AGE of ENLIGHTENMENT o panahon ng
kaliwanagan.
Ang agham ay hindi naimbento sa panahon ng rebolusyong
siyentipiko. Ginagamit ng mga Greek bilang Scientia na ang
ibig sabihin ay “KAALAMAN”. May dalawang Greek na may
pananaw sa pagtingin sa kalawakan ito ay sina Ptolemy at
Aristotle, ayon kay Ptolemy ang “daigdig ang sentro ng
kalawakan at ang ibang heavenly body ay umiikot dito sa
pabilog na pagkilos”. Ang nasaad na teorya ni Ptolemy ay
nakilala sa tawag na Geocentric View na sinang-ayunan ng
mga kristyano dahil sa paniniwala na ang Diyos ang nga-
disenyo nito.
Sinasabing si Aristotle ay isa sa magagaling na Philosopher na maraming
naiambag sa larangan ng scientia at isa sya sa nagbigay ambag sa teoya ni
Ptolemy na ayon sa kanya malaki ang pagkakaiba ng komposisyon ng mga
bagay na matatagpuan sa kalangitan at sa daigdig.
Ang teorya ni Ptolemy ay hinamon ng isang astronomer na nag mula
sa Poland sya ay si Nicolaus Copernicus at ayon sa kanya “hindi daigdig ang
sentro ng kalawakan kundi ang araw”.

Sa Rebolusyong Siyentipiko, makabuluhan ang mga ideya nina Copernicus,


Galileo, Newton, Brahe, Kepler, Descartes, at Bacon sa pagtatangkang
maipaliwanag sa pamamaraang siyentipiko at makatotohanan ang
kalikasan ng daigdig. Mahalaga rin ang mga pag-aaral nina
Vesalius, Leeuwenhoek, Linnaeus at Harvey sa agham pangkalikasan o
Natural Science.
Rebolusyong Siyentipiko at ang Panahon ng Enlightenment
Rebolusyong Siyentipiko – tumutukoy sa panahon ng
malawakang pagbabago sa pag-iisip at paniniwala
na nagsimula sa kalagitnaan ng ika-16 siglo hanggang
sa ika-17 siglo

Mga salik sa Pag-usbong ng Rebolusyong Siyentipiko


• - Renaissance
-Repormasyon
-Mga eksplorasyon ng mga Europeong manlalakbay

Ang heliocentric na pananaw ni Copernicus tungkol sa daigdig.


Nicolaus Copernicus – isang astronomer na mula sa Poland na nakilala sa
kanyang heliocentric view sa kalawakan. Ayon sa kanya, hindi daigdig ang
sentro ng kalawakan kundi ang araw at ang daigdig ay umiikot sa paligid nito
Galileo Galilei – nakaimbento ng teleskopyo na ginamit niya sa pag-aaral ng
Kalawakan

Tycho Brahe – isang Danish na siyentesta, pinatunayan niyang ang kometa ay ay hindi
lamang penomenong atmosperiko, bagkus, ang kometa ay representasyon ay ng
pagbabago sa kalawakan

Johannes Kepler – isang German na naglathala ng akda ni Brahe, natuklasan


niyang ang paggalaw isang planeta sa orbit ay bumibilis habang lumalapit ito
sa araw

Isaac Newton – isang English Mathematician, natuklasan niya ang law of gravity
bilang paliwanag sa paggalaw ng planeta

Rene Descartes – isang pilosopo at mathematician na French. Ipinaliwanag niya


ang mga suliranin sa agham at pilosopiya gamit ang pamamaraang
matematikal. Tanyag sa kanyang linyang, “Cogito, ergo sum” (“I think, therefore
I am.”). Naniniwala siya na ang katuwiran ang susi sa pagkakamit ng kaalaman.
Mga iskolar sa Panahon ng Kaliwanagan.
-ang panahon kung saan ginamit ang katuwiran at siyentipikong
pamamaraan sa lahat ng aspekto ng buhay.
-tinawag din itong Age of Reason dahil sa paniniwalang sa paggamit
ng pangangatuwiran matutugunan ang mga suliranin sa lipunan at bubuti ang
pamumuhay ng tao.

Sa Panahon ng Enlightenment, nagtangka ang mga philosophe na


maipaliwanag nag kalikasan nito. Mula rito, hangad nilang makabuo ng mga
ideyal na pamamaraan sa pamumuno, edukasyon, demokrasya, at iba pang
suliraning panlipunan.

Thomas Hobbes – sinabi niyang ang tao ay likas na makasarili kung kaya palagi
niyang katunggali ang kapwa tao.

Jean Jacques Rosseau at John Locke – kapwa naniniwala na ang pamahalaan


ay naitatag mula sa pahintulot ng mga mamamayan.
Ang Kababaihan sa Panahon ng Enlightenment

Malaki ang papel ng kababaihan sa Panahon ng Enlightenment.

salon – ay tagpuan ng mga manunulat, pilosopo, at mga alagad ng sining


upang magsagawa ng mga talakayang intelektuwal o magpamalas ng galing
sa sining
Mary Wollstonecraft – ang tumalakay sa karapatan ng kababaihan sa
kanyang A Vindication of the Rights of Women (1792). Sa akdang ito, sinabi
niyang dapat magkaroon ang kababaihan ng karapatang bumoto at
magkaroon ng posisyon sa pamahalaan.

Makikita ang pamana ng Enlightenment sa sining, sa katauhan


halimbawa ng mga kompositor ng Panahong Klasikal tulad nina Beethoven,
Mozart, at Haydn.

Ang kabuluhan ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment ay


makikita sa pagpapalagay ng tao ng kanyang kapalaran sa kanyang mga
kamay sa pamamagitan ng paggamit ng katuwiran.
END

You might also like