Professional Documents
Culture Documents
LIT 1 Final Reviewer
LIT 1 Final Reviewer
and Objectives
Aralin 1: University of Batangas Mission, Vision, Philosophy, Goals and Objectives
Ang araling ito ay tumatalakay sa PVMGO ng unibersidad. Binibigyang pansin ang mga
adhikain at layunin ng unibersidad hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa
komunidad.
Sa dulo ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na:
1. Nabibigkas nang pasalita ang PVMGO ng unibersidad.
2. Naisasabuhay ang pilosopiya, misyon , bisyon at layunin ng universidad.
3. Naisasapuso ang PVMGO sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng malikhaing
gawain.
Paunang Pagtataya:
Susing Tanong: Ano ang hangarin at layunin ng unibersidad sa iyo bilang isang mag-
aaral at paano ito makatutulong sa iyo sa pag -abot ng iyong mga pangarap?
Mga Kagamitan/Nilalaman
Philosophy
The University of Batangas, a stock non-sectarian, private educational institution,
believes in the pursuit of knowledge, values and skills necessary for the preservation
and improvement of the Philippine society. It has faith in the dignity of the human
person, in the democratic process, in the reward for individual excellence, and in the
freedom of a person to worship God according to his conscience. Thus, the institution
believes that the development of the individual as a person and worker is an effective
means in building a better family, community and nation, and a better world.
Vision
We envision the University of Batangas to be a center of excellence committed to serve
the broader community through quality education.
Mission
The University of Batangas provides quality education by promoting personal and
professional growth and enabling the person to participate in a global, technology and
research-driven environment.
Goals
1. To partner communities where literacy, livelihood, and technology transfer projects can
be implemented with the direct and indirect involvement of the UB family
2. To support medical and dental missions to indigent barangays in coordination and
cooperation with services and welfare organizations.
3. To provide staff assistance, lecturers and training on Social, Cultural and Sports
components such as anti-drug abuse education, peace and order, theater arts, health
and safety, labor laws, cooperative, leadership, culture and sports, etc.
4. To develop and strengthen the human and spiritual aspects of a person or individual
through enhancement programs like group dynamics, recollections, retreats, etc.
5. To support environmental awareness and management programs and other community
development projects.
Objectives
1. Pursue academic excellence through continuing search for the application of truth, and
knowledge and wisdom via traditional and alternative modes of instructional delivery.
2. Promote moral and spiritual development through an integrated educational process
that will enhance human character and dignity;
3. Develop cultural, economic and socio-civic conscience through an educational content
relevant to national development needs, conditions and aspirations;
4. Strengthen involvement in community services through varied economic and
environmental projects;
5. Attain institutional self-reliance through responsive programs for staff, facilities and
systems development;
6. Ensure financial viability and profitability
7. Adopt internationalization to meet the shifting demands in the national, regional and
global labor environment; and
8. Increase the University's productivity and innovation in research, scholarship and
creative activities that impact economic and societal development
Aralin 2: Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan
Ang araling ito ay tumatalakay sa kahulugan ng panitikan gayundin sa iba’t ibang uri
nito. Inisa-isa rin ang mga katangian ng mabuting akdang pampanitikan at ang
kahalagahang panlipunan ng matalino at epektibong panunuring pampanitikan.
Sa katapusan ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahan na:
Ano SOSLIT
Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na
nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng
kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na
tinalakay ng mga akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman
at mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa,
karapatang pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o
marhinalisado, at iba pa.
Ating muling alamin ang iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang link sa ibaba.
Link: https://quizlet.com/45736496/flashcards
Ang salitang panitikan ay nagmula sa panlaping PANG-na nagiging PAN-kapag
inuunlapi sa salitang-ugat na nagsisimula sa D, L, R, S, at T. Sa salitang-ugat na TITIK,
na nakakaltasan ng T at nagiging [-ITIK] kapag nauunlapian. At sa hulpaping –AN na ang
ibig sabihin ay proseso o paraan. Samakatuwid,
PANG+TITIK= PAN+TITIK= PANITIK+AN = PANITIKAN
Ang panitikan ay nahahati sa dalawang anyo.
1.
Panunuring Pampanitikan
Pag-alam. Pagtantiya. Pagtimbang. Pagbusisi. Pagsipat.
Mula sa Introduksyon ni Rosario Torres –Yu, sa kanyang aklat na Kilates hinggil
sa panunuring pampanitikan, kinikilates ng Pilipino ang isang bagay para alamin o di kaya
ay tiyakin kung magugustuhan niya ito o di kaya ay tatanggaping mahalaga at may
kabuluhan.
Sa kulturang Pilipino inaalam muna kung ano ang isang bagay bago masabi kung
ano ang iniisip o di kaya ay niloloob tungkol dito. Sa pag-alam, tinitingnan itong mabuti o
sinisipat para makitang mabuti ang hindi agad nakikita sa unang tingin.
Ganito rin sa panitikan. Binabasa upang kilatisin sa klasrum ang isang tula,
maikling kwento, nobela, dula at iba pang anyo ng panitikan at teksto. Kinikilates ang
akda upang makabuo ng kahulugan at pagpapahalaga kaugnay nito.
Ang pagbabasa na may layuning kilatisin ang isang akda ay pumapasok sa gawain
ng kristisismo. Isa itong gawain o praktika na bahagi ng pampanitikang pag-aaral. Isa
itong espesyalisadong larangan sa loob nito. May kaugnayan ang kristisismo sa
kabuuuang produksyon ng panitikan, katunayan ay itinuturing na may mahalagang silbi
dito.
LINK: https://www.youtube.com/watch?v=QFZ_40Zzbqo&t=55s
Pagkilala sa May-Akda
Si Genoveva Edroza-Matute (He·no·bé·ba Ed·ró·za Ma·tú·te) ay isang kilaláng
kuwentista, mananaysay, at guro sa Filipino.
Isinilang siya sa Maynila noong 3 Enero 1915 kina Anastacio Edroza at Maria
Magdalena Dizon. Naging asa- wa si Epifanio Gar. Matute, ang lumikha ng sikat na
programa sa radyo at serye sa telebisyon na Kuwentong Kutsero noong dekada 50.
Nag-aral siyá sa Manila North High School (ngayon ay Arellano High School), Philippine
Normal School (PNS), Philippine Normal College (PNC na Philippine Normal University
ngayon), at University of Santo Tomas. Nagturo siyá nang 46 taon sa mga
eskuwelahang Cecilio Apostol Elementary School at Arellano High School, at naging
tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino sa PNC.
Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-taking” at “Land of the
Bitter” na nailathala sa Manila Post Sunday Magazine at sa Manila Post Monthly. Ngunit
higit siyáng kinagiliwan sa kaniyang mga kuwen- tong nagsusuri sa sikolohiya ng batà
at hinggil sa karanasan ng guro, gaya ng “Walong Taong Gulang,” “Noche Buena,”
“Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata.” Nailathala ang kaniyang
antolohiya ng maiikling kuwento at sanaysay sa Ako’y Isang Tinig noong 1952; ang ilan
pang sumunod na koleksiyon ay nasa Piling Mga Maiikling Kuwento 1939–1992, Sa
Anino ng EDSA at Iba Pang Mga Kuwento, at Tinig ng Damdamin. Nakapaglathala din
siyá kasama ng kaniyang asawa sa Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Mga Akda: Mga
Kuwento, Mga Sanaysay, Mga Dula noong 1992.
Kinilala ang husay ng kaniyang pagsusulat at dedikasyon sa pagtuturo ng mga timpalak
ng Don Carlos Palanca Memorial Awards 1950s–1960s; Outstanding PNS-PNC Alumna
Award noong 1966; Patnubay ng Sining at Kalinangan Award ng Maynila noong 1967;
Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas
noong 1988; at Gawad CCP Para sa Sining noong 1992.
Edroza-Matute, Genoveva. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/edroza-matute-genoveva/
Paksang Aralin:
Bakit Barongs ang tawag namin ang itinatanong mo kabataan? hindi bayan ang
dating itinaguriang Barong-Tagalog? Oo. Ngunit dumami na ng dumami ang allergic,
pinamamantalan ang punong taynga sa salitang Tagalog. Gaya nanga ng wikang
Tagalog, hindi Wikang Filipino. Kaya, inalis na ang salitang Tagalog sa salitang Barong-
Tagalog. Ginawang Barong na lamang, ngunit sapagkat sa Ingles, Kapag marami'y
dinaragdagan ng titik "s", Kaya't ang Barong ay nagiging Barongs. Bakit bumilis ang
bigkas? A, iyan ay sapagkat ang Pasay man ay naging Pasay (mabilis) na at ang Davao
ay naging Davao (mabilis) na. Kaya bakit ang Barongs ay hindi magiging barongs
(mabilis)? Paano nga pala ninyo malalaman, Kabataan ng 2070 na sa aming panahon
ngayon, ang makabago't sibilisadong Pilipino (tao ito, hindi wika), ay sadyang may iba
nang paraan ng pagsasalita, kahit ng sariling wika, kaysa mga kababayan nilang
kinagigiliwang tawaging Bakya Crowd? Kaya ang tinatawag na Bakya Crowd na
Magsaysay ay binibigkas ng sibilisadong Pilipino na magsighsigh; ang korehidor ay
Koregidor; ang Romulo ay Romyulow; ang Pedro ay Pedrow; ang Mang Teban ay Meng
Teyven.. At ako nga pala, minsan, ay "naparangalan" ng isang makabagong dalagang
panauhin na may hawak na kapirasong papel na kinatatalaan ng pangalan ko, at
nagtanong sa akin, "Are you, Mrs... Mrs... Jhey-niw-ve-ib Mechu-chey?"
Nagtataka ka, kabataan ng 2070?Bakit, Ang tanong mo? Bakit ganoon, ang
tanong mo? Talagang ganito. Sapagkat "Status Symbol" ngayon ang makapag salita ng
ingles na parang tunay na Amerikano. Wa-Klas (walang Class) ang pagsasalitang
Tagalog o Pilipino o Wikang Pambansa. Iyan ay para sa mga utusan lamang. Yan ang
lumitaw sa isang pag-aaral daw ng isang iskolar na may isang ekspertong Amerikano
bilang tagapayo: iyan daw ang sinabi ng isang Miss Universe na Pilipina. Ni hindi para sa
mga utusan sa mga aksesorya, kabataan. Hindi. Sapagkat sa mga aksesoryang katabi
ng aming bahay, pagkapanganak sa bata'y iniingles na, kaya't pati utusan ay umiingles
na rin, kahit pa ganito, "yu et na, Rechard... ha. Ay wil palo na yu, sige." Kaya ang wika
nga, segun sa utusan ang gagamit ng Filipino.
Ngunit bakit, ang ipinipilit mong itanong, kabataan? Bakit kayo nagkaganoon sa
inyong panahon sapagkat kami'y lutong-luto, ang wika nga, lutong-luto sa wika, kaya sa
kaisipan man at sa pag-uugali ay banyaga. Kung ano ang pinakakain ay siyang ididighay,
hindi ba? Ilang pong taong wikang banyaga ang pinakain sa amin, pagkain kasangkap.
Mangyari pa nga ba ang kaisipan, kalinangan, ugali, pamumuhay ng bansang sumakop.
Ngunit ngayo'y 1970 na, ang pakli mo, kabataan. Wala na ang banyangang sumakop,
matagal na silang wala, dalawampu't limang taon na kayong taon na malaya riyan bakit
ganyan parin ang mga pag-iisip ninyo, pag-aasal ninyo? A, Hindi mo nga pala alam,
kabataan ng 2070. Maniniwala kabang dalawamput limang taon na kaming malaya ngunit
hanggang ngayon ay Ingles parin ang wikang panturo sa aming mga paaralan?
Naunahan na kami ng malayung-malayo ng mga kapit bansa natin, ng Indonesia at
Malaysia na higit na nahuling lumaya. Katakot-takot na mga pagsubok ang ginawa sa
paaralan kung dapat na ngang gamitin ang wikang pambansa.
Oo, pagkatapos ng dalawampu't limang taon na ng kalayaan! at gaya ng
maasahan, hindi nagdarahop ang aming mga nagpapakasangkapan sa dolar-Amerikano-
makapangyarihang dolar, masarap na pagllabay ng walang gugul, sarisaring Iskolarship
iba't ibang paraan na pang-akit ng makapangyarihang dollar deplomacy. Oo,kabataan ng
2070, saaming panahon ay "status symbol" parin ang humingi ng paumanhin sa pagatul-
gatol at pautal-utal na pagsasalita sa wikang pambansa. Kalakaran parin sa mataas na
pinuno, kahit sa pinakamataas, na magsimulang magtalumpati sa wikang pambansa sa
mga unang dalawang talataan, at mag-Ingles na pagkatapos. Karangalan pa ring hindi
raw maisaulo ang poambansang Awit sa Filipino. At sa isang kilalang dalubhasaan ng
mga nag-aaral sa pagiging guro, oo, magiging guro, napagkaisahan sa puliong ng mga
mag-aaral " hindi pa panahon upang magpulong sa Filipino" Kahit noon ay Linggo ng
Wika ; at isang "matalinong magiging guro ang humingi ng tuldok na ayos" (point of order)
at "akin ang sahig" (I have the floor), na siyempre nama'y binili nang gayon na lamang sa
pamamagitan ng di-matapos-tapos na halakhakan. At sa pasulatan ng nasabi ring
dalubhasaan, ang "matalinong" patnugot ng pasulatan ng Pitak-Filipino nang lumipat na
sa Ingles ay nag-iwan ng ganitong pag-aglahi sa kanyang mga kasamahan, "O, ano
kayo? Hanggang diyan nalamang ba kayo sa Filipino?"
MODYUL 2
Aralin 1: Kahulugan, Sanhi, at Epekto ng Kahirapan
Ang araling ito ay tumatalakay sa mga partikular na anyo ng kahirapan
gayundin ang mga sanhi at epekto nito sa pamayanan lalo na sa mga
kabataan.
Pagkatapos na mabasa ang araling ito, ang mag-aaral ay inaasahan
na:
LO1. Naipaliliwanag ang mga sanhi at bunga ng mga suliraning
panlipunan sa pamamagitan ng mga makabuluhang akdang
pampanitikan tuon sa kahirapan.
LO2. Nasusuri ang dinamikong ugnayan ng panlipunang
realidad at/ ng panitikan.
LO3. Nakapagpapahayag ng saloobin at kaalaman na may
kaayusan at kalinawan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
sanaysay hinggil sa tinalakay na paksa.
Paunang Pagtataya
Suriin ang nilalaman ng tula at sikapin na masagutan ang mga gabay na
tanong.
Refrain:
Bata, bata, ano ang pangarap mo?
Paglaki mo kaya ika’y maging ano?
Naglipana sa kalye, mga musmos na tulad mo
May gatas pa sa labi, nasadlak na sa impiyerno.
Gabay sa Pagsusuri
1. Sino ang persona sa tula? Paano mo ito nasabi?
2. Ano ang larawan ng bata sa akda?
3. Paanong higit na nailalarawan ang kalagayan ng bata sa indayog ng
pagbasa sa tula?
4. Anong mga imahen sa tula ang ginamit na nagpatingkad sa mensahe
nito?
5. Aling taludtod o saknong sa tula ang nagbigay ng pinakamalinaw na
larawan ng kahirapan? Ipaliwanag ang napili.
Mga Kagamitan/Nilalaman
ANYO NG KAHIRAPAN
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na
walang isang halaga o ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolute na
kahirapan ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o
pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o
basikong mga pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o
naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at
tirahan. Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas
kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang
mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga
karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga pagkain na
pangangailangan ay maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga
serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsiyon, ilegal na paglisan ng kapital,
mga kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak/kaalaman ng mga
propesyonal na pang-edukasyon at pangkalusugan
Paano nasusukat ang Kahirapan?
Ayon sa United Nations (UN) nasusukat ang kahirapan bilang absolute
o relative. Ang absolute na kahirapan ay sumusukat sa kahirapan kaugnay ng
dami ng pera o halagang kakailanganin para matugunan ang mga batayang
pangangailangan tulad ng pagkain, pabahay at pananamit o basic needs. Ang
relative na kahirapan naman ay nagbibigay kahulugan sa kahirapan batay sa
ugnayan nito sa ekonomikong kalagayan ng mga mamamayan sa isang
lipunan. Halimbawa, maaaring ituring na mahirap ang isang tao kung ang
kanyang estado ng pamumuhay ay mas mababa kaysa sa itinakdang
karaniwang antas ng pamumuhay sa isang lugar (Habitat, 2019, Bernales,
2020).
Mula sa tala ng multi-dimentional poverty index (MPI) may apat na
dimensiyon ang sinusuri upang tukuyin ang kahirapan sa Pilipinas:
1)edukasyon, 2) kalusugan at nutrisyon, 3) pabahay, tubig at sanitasyon, at 4)
trabaho.
SANHI NG KAHIRAPAN
KAKULANGAN SA EDUKASYON
Isa sa pinakamalaking problema ng mga taong nakakaranas ng
kahirapan ay ang kakulangan sa edukasyon. Dahil sa kahirapan, hindi sila
nakakatanggap na sapat na kaalaman upang matulungan ang kanilang
pamilya. Edukasyon ay importante dahil ito ay ang tanging yaman na hindi
kailanman mananakaw. Ito ang nakakapag-hulma sa ating kaisipan at
kakayahang maging matagumpay sa buhay. Ang kawalan ng edukasyon ay
nakakapagdulot ng kamangmangan sa mga kabataan. Kadalasan nating
sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Ngunit ano ang
mangyayari sa ating kinabukasan kung ang kabataan sa mga hirap na bayan
ay tila hindi nakapag-tatapos? Dahil dito, ang karamihan sa kanila ay
napipilitang mag hanap ng trabaho kung saan ang sahod ay mababa lamang.
KAWALAN NG TRABAHO
Ito ang nagdudulot sa kahirapan. Ukol sa ating ekonomiya at sa
overpopulation, hindi na sapat ang bilang ng trabaho sa dami ng mga
nagtatapos. Dahil dito wala silang pagkakakitaan upang masuportahan ang
kanilang mga pamilya sa pang araw-araw na pangagailangan.
EPEKTO SA KABATAAN
Maraming epekto ang idinudulot ng kahirapan sa kabataan, ngunit ang
mga kadalasang epekto nito ay ang:
MAAGANG PAGBUBUNTIS
Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nakakaranas ng maagang
pagbubuntis dahil hindi sila nabibigyan ng sapat na impormasyon ukol sa
pagbubuo ng pamilya at kung ano ang mga responsibilidad at kahihinatnan
nito. Ito rin ay isa sa mga pinagmumulan ng pagtaas ng populasyon sa bansa
dahil mas lalong nadadagdagan ang nanganganak .
Paglalagom:
Magkakaiba ang mukha ng kahirapan; ito ay dahil sa magkakaiba rin ang
danas sa penomenong siyang isa sa pinakapangunahin at batayang suliranin
ng maraming bansa sa mundo. May kahirapan maging sa mga mauunlad na
bansa, ngunit higit ang kahirapan sa mga tinatawag na third world at
developing countries. Magkakaiba rin ang pamantayan sa pagsukat ng
kahirapan sa iba’t ibang mga bansa, bagaman mayroong mga
rekomendadong panukat sa insidente ng kahirapan sa daigdig.
Paunang Pagtataya
Panuto: Bago basahin ang kwento sagutin ang ang mga katanungang ito:
1. Kailan isinulat ni Efren Abueg ang kuwento?
2. Sino ang namumuno ng pamahalaan ng Pilipinas noong panahong ito
ay isulat?
3. Ano ang kalagayan ng bansa ng panahong iyon? Ipaliwanag.
4. Anong mga isyung panlipunan mayroon sa panahong iyon? Ipaliwanag.
5. Ano ang sinasalamin ng kalagayan ng bayan sa kuwento ni Efren
Abueg? Ipaliwanag.
6. Anong problema o suliranin mayroon ang kuwento? Iugnay ito sa
nararanasan sa kasalukuyan.
Mga Kagamitan/Nilalaman
Pagkilala sa May-Akda
Efren R. Abueg
Unang antolohiya ng kanyang mga katha ang BUGSO, ngunit marami
na ring librong pinamatnugutan si Efren Abueg, tulad ng Mga Piling Akda ng
KADIPAN (1964), Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974 at 1993),
MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni
Abadilla (1973).
Pansariling Pagtataya:
1. Anong mga kasalukuyang pangyayari sa bansa ang sinasalamin ng
mga kaganapan sa akda?
2. Sa kasalukuyan, sino ang mga maituturing mong Adong ng lipunan?
Bruno? Aling Ebeng? Ipaliwanag.
Aralin 3: Eli, Eli Lama Sabachthani? ni Dominador Mirasol
Aralin 3: Eli, Eli Lama Sabachthani? ni Dominador Mirasol
Ang aralin ito ay tumatalakay ng isang akda hinggil sa kahirapan. Binibigyang
pansin ang kalbaryo na tinaludtod o binalikat ng pangunahing karakter at
kung paano niya hinarap ang bangis ng lipunan. Inaasahan na sa araling ito,
makalilikha ang mag-aaral ng isang liham na patungkol sa mga biktima ng
kahirapan at pang-aabuso.
Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahan na:
LO1. Nakikilatis ang tunay na layunin ng awtor sa kanyang kwento.
LO2. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan
sa akda.
LO3. Naiaangkop ang nilalaman ng mga akda sa kasalukuyang
pangyayari.
LO4. Natutukoy ang tunggalian sa kwento.
LO5. Naipahahayag ang saloobin at kaalaman tungkol sa isyung
nailatag ng akda sa pamamagitan ng isang liham na susulatin bilang
gawaing pagganap.
Paunang Pagtataya
Susing Tanong: Ano sa iyong palagay ang ibig sabihin ng pahayag sa ibaba?
“Ang kalbaryo ay isang landasing muli’t muling tataluntunin ng
tao.”
Mga Kagamitan/Nilalaman
Pagkilala sa May-Akda
DOMINADOR B. MIRASOL
Siya ay anak ng mag-asawang Aklanon at Bikolana na nagkaugat sa Tondo.
Manggagawa sa lagarian ang kanyang ama, kaya’t bukod sa mga estero,
barungbarong at mga looban ay karaniwan na ring tanawin sa kanya ang mga
troso at kusutan. Ang mga paksang hinango mula sa kanyang nilikhang
kapaligiran ay hindi katakatakang matuklasan sa marami ng kanyang isinulat
na akda.
Nagsimula siyang sumulat noong labingwalong taong gulang, naging
patnugot siya ng pitak sa Pilipino ng “The Quezonian” pahayagang pang-
estudyante ng MLQ University. Pagkaraang makapag-aral doon ng journalism
ay naging kagawad siya ng Aliwan, at nang lumaon ay ng Liwayway.
Isa siya sa mga sinanay na kabataang manunulat ng palihang pampanitikan
sa ilalim ng noo’y direktor ng editoryal ng Liwayway si Agustin C. Fabian.
Mula roon, ay gumawa siya ng sariling pangalan sa panitikan.
Dalawang ulit na siyang nagwagi sa timpalak ng maikling kuwento ng Palanca
Memorial Awards. Unang Gantimpala noong 1964 sa kanyang kuwentong
“Mga Aso sa Lagarian” gayundin ang kanyang “Mga Bangkay sa
Dalampasigan ng mga Uwak” noong 1970.
Kabilang sa kanyang mga isinulat na nobela ay ang : Apoy sa Madaling Araw”
ko-awtor si Rogelio L. Ordonez na nagtamo ng pangalawang gantimpala sa
timpalak ng nobela ng Liwayway noong 1963. “Mga Halik sa Alikabok” unang
gantimpala noong 1966 at “Magkabiyak ng Larawan” na nalathala rin sa
Liwayway noong 1973-1974.
Naging lecturer sa Departamento ng Pilipino at Panitikan ng Pilipinas, UP,
kaugnay siya sa kasalukuyan sa DPI at magpahanggang ngayon ay patuloy
pang may hinahanap sa buhay.
https://drive.google.com/file/d/1ygU1SdwusTSZ5e0GoIDjVjB-
yugLN_7D/view?fbclid=IwAR3gXmH_lamqgz0fat7Kb6aXUEwUVIoe7yL5kCA
b7dYfP0IuPMN5ltTk2X4
Gabay sa Pagsusuri:
1. Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento.
2. Paano nagsimula ang kuwento?
3. Ilarawan ang tagpuan.
4. Ihanay ang mga pangyayari sa kuwento.
5. Ano-anong mga pangyayari ang nagtulak sa pangunahing TAUHAN
upang humantong siya sa ganoong kalagayan?
6. Paano humantong sa loob ng bilangguan si Elias?
7. Ano-anong suliranin mayroon sa kuwento?
8. Saan muling isinilang si Elias? Sa iyong palagay, bakit sa bansang
iyon?
9. Tukuyin ang tunggalian sa kwento.
10. Nangyayari pa ba sa kasalukuyan ang mga naging karanasan ni Elias?
11. Paano masosolusyunan ang ganitong mga pangyayari sa loob ng
bilangguan?
Pansariling Pagtataya:
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Maituturing mo bang biktima ng lipunan si Elias? Bakit? Bakit hindi?
2. Sa kasalukuyan, sino ang mga maituturing mong Elias ng lipunan?
Deputado? Aling Sela?
LIT 1 MODYUL 3
Aralin 1: Mga Uri at Halimbawa ng Karapatang Pantao; Mga Piling
Akda hinggil sa Karapatang Pantao
Aralin 1: Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao
Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa ang mga
pangunahing pangangailangan bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga
pangangailangan o kumitil sa ating buhay ng walang dahilan ay lumabag sa ating
karapatan bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan
ang ating karapatan.
Mga Kagamitan/Nilalaman:
1.
1. Karapatang Sibil. Ito ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya
at mapayapa. Ilan sa mga halimbawa ng karapatang sibil ay ang
karapatang mabuhay, pumili ng lugar kung saan siya ay maninirahan,
maghanapbuhay at mamili ng hanapbuhay.
3. Karapatang Panlipunan. Ito ay ang mga karapatan upang mabuhay ang tao
sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan.
• Kalayaan sa pagsasalita
• Pagkakapantay- pantay sa harap ng batas
• Karapatang makapaghanap-buhay
• Karapatan sa pagkain
• Karapatang makilahok sa kalinangan
• Karapatan sa edukasyon
Pagpapalawig ng Aralin
AKDA 1:
Kung susuriin ang panitikan ng kasaysayan, maraming pangyayari sa nakaraan ang
tumatak at nag-iwan ng latay ng pagpapaalaala sa pangyayaring naghihimagsik,
lumalaban at sumasalungat ang mga mamamayan sa mga pangyayari sa ating bayan.
Maraming akda ang naisulat sa bawat yugto, panahon na naghihihmagsik, ngunit dahil
sa mga akda’y mahigpit na ipinagbawal sa una pa lang nang paglalathala at karamihan
sa mga manunulat na ito ay ipinakulong.
Tinalakay ng mga manunulat sa kanilang panitik ang kabulukan ng lipunan at pulitika.
Ang alinmang establisimento ay naging sagisag ng kabulukang dapat baguhin.
Madarama sa simbahan, sa paaralan at maging sa tahanan ang lason ng kawalang pag
asa ng mga manunulat sa pamahalaan. Maging ang mga pari, mga guro, at mga
magulang bilang awtoridad o mga taong dapat igalang ay niyanig ng mga akdang
naghihimagsik bilang kalaban na pabigat sa hinihingi nilang pagbabago.
Sumangga ang panitikang ito sa pagsasaad na dapat gawin upang lutasin ang suliranin.
Ang panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang mga
hinaing, damdamin o kaisipang nais ipahayag. Ito ang lakas na nagbubukold ng kanilang
damdamin, nagmumulat ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan. Maituturing na
mapaghimagsik ang panitikan kung ito’y tumitiwalag at tumutuligsa sa katayuan ng
lipunan, tuwirang humahamon sa umiiral na panahon, maaaring ito ay laban sa maling
pamamahala ng gobyerno, katiwalian, kultura, relihiyon at moralidad.
Pagkilala sa May-akda:
Talambuhay ni
KA AMADO V. HERNANDEZ
Lider-Manggagawa, Manunulat, Makata, at National Artist for Literature
“Sa aking piita’y hindi pumupurol ang lumang panulat, / bawa’t isang titik, may tunog ng
punlo at talim ng tabak.” — Amado V. Hernandez, “Bartolina” (Sinaliksik at sinulat ni
Gregorio V. Bituin Jr. )
ISA SIYA sa kinikilalang dakilang Pilipino ng ating bansa. Siya’y isang manunulat,
nobelista, makata, lider-manggagawa, at bilanggong pulitikal. Siya ng kanyang asawang
si Atang dela Rama ang isa sa dalawang mag-asawa na kinikilalang National Artist ng
Pilipinas.
Bata pa siya ay kinakitaan na siya ng hilig sa pagsusulat. Nang lumaon ay naging
tanyag siya sa larangang ito. Mula 1926 hanggang 1932, sinubaybayan ng marami ang
kanyang kolum na “Sariling Hardin”. Noong 1929, hinamon siya ng kanyang kaibigang
makata na si Jose Corazon de Jesus sa debate sa balagtasan. Ang kay de Jesus ay
nakalathala sa pang-araw-araw niyang kolum na “Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi” sa
pahayagang Taliba, habang ang kay Ka Amado naman ay sa kolum niyang “Sariling
Hardin” sa pahayagang Pagkakaisa. Tumagal nang mahigit isang buwan ang kanilang
makasaysayang Balagtasan hinggil “sa lumang usapin ng lahi”. Makaraan ang sampung
taon, muling inilathala ito sa pahayagang Mabuhay Extra ni Teodoro Agoncillo na siyang
editor nito.
Bilang manunulat, marami siyang natanggap na gawad-pagkilala. Noong 1938,
ang kanyang narrative poem na Pilipinas ay nanalo ng Commonwealth Literary Award.
Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay nanalo ng Balagtas Award mula sa
Cultural Center of the Philippines (CCP). Noong 1962, ang koleksyon ng tula na Isang
Dipang Langit ay nanalo ng Republic Cultural Heritage Award. Ang tulang-kasaysayan
na
Bayang Malaya ay nanalo ng Balagtas Award noong 1969. Ang kanyang nobelang Mga
Ibong Mandaragit ay maituturing na pagpa-patuloy ng nobelang El Fili ni Rizal.
Bilang mamamahayag, nakasama siya sa nabuong Philippine Newspapers Guild
(PNG) noong 1945, na umanib sa Congress of Labor Organizations (CLO). Naging
pangulo si Ka Amado ng CLO noong 1947.
Sa kanyang pamumuno, pinangunahan ng CLO ang welga ng 2,600 mga mang-
gagawa mula sa Manila Trading and Supply, Co., Canlubang Sugar Estate, Metram
Gomtawco Sawmill, Republic Sawmill, atbp. Noong 1948, sa pangunguna muli ng CLO,
nag-aklas muli ang mga mang-gagawa sa malalaking kumpanya tulad ng Philippine
Refining Co., Benguet Consolidated Mines, Luzon Brokerage, atbp. Nagawa rin nito ang
kaunaunahang “stay-in” strike sa Franklin Baker, isang kumpanyang Amerikano. Noong
1949, may 83 welgang naisagawa, kung saan sa taon ding ito inilunsad ang ikaapat na
Kongreso ng CLO, na ang kanilang gi-namit na islogan ay “Manggagawa at Seguridad!”
at “Ibagsak ang Imper-yalismo!” Noong 1950 ay nagwelga ang 38,000 manggagawa.
Ang kamalayang pampulitika ng manggagawang kasapi ng CLO ay nasustina sa
kanilang binuong “Workers Institute” na pinamahalaan ng Komite sa Edukasyon,
Impormasyon at Panana-liksik. Dahil sa kanyang pagiging aktibo at pagtataguyod sa
kapakanan ng mang-gagawa, noong Enero 26, 1951, hinuli at ikinulong si Ka Amado.
Limang buwang inkomunikado si Ka Amado sa Camp Murphy (ngayo’y Camp Aguinaldo)
bago naiharap ang pormal na sakdal sa kanya noong Agosto 1951 sa salang “rebellion
complexed with other crimes”.
Ibinaba ang hatol na nagkasala si Ka Amado kaya’y siya’y nakulong ng limang
taon at anim na buwan. Palipat-lipat siya ng kulungan sa Muntinlupa, Camp Murphy,
Camp Crame, Fort McKinley, at Panopio Compound. Sa kulungan niya isinulat ang
kanyang koleksyon ng mga tula, ang “Isang Dipang Langit”.
Noong Hulyo 26, 1956, pansamantala siyang nakalaya sa bisa ng lagak (bail), at
noong Mayo 31, 1964, si Ka Amado ay napawalang sala. Mula 1958 hanggang 1961,
nakatanggap siya ng apat na Palanca Awards sa kanyang mga isinulat na dula.
Noong 1965, dumalo siya sa kumperensya ng mga mamamahayag na Asyano sa
Indonesia, at nalathala ang kanyang ulat hinggil dito sa Taliba, kung saan nanalo siya ng
NPC-Esso Journalism Award. Noong 1966, dinaluhan naman niya ang Afro-Asian Writers
meeting sa Tsina. 1966 din nang dumalo siya sa International War Crimes Tribunal sa
London kung saan ipinagtanggol niya ang Pilipinas sa bintang na ang kanyang bansa ay
isang “war criminal” sa Biyetnam.
Noong 1967, tumakbo siyang konsehal ng Maynila ngunit natalo. Nagsulat siyang
muli at naging editor ng Ang Masa. Si Ka Amado ay namatay sa atake sa puso noong
Marso 24, 1970. Noong 1973, iginawad sa kanya ang karangalan bilang Pambansang
Alagad ng Sining (National Artist for Literature) ng Pilipinas.
Ilan sa kanyang mga isinulat ay ito:
Upang inyong mabasa ang paksang aralin, narito ang sipi ng maikling kwentong
isinulat ni Amado V. Hernandez -
“Langaw sa Isang Basong Gatas”.
/files/5357507/langaaawww(4).pdf
Gabay sa Pagsusuri:
Bilang pag-unawa sa iyong nabasang akda, atin munang bigyan ng pansin ang laman
ng maikling kwento:
AKDA 2:
Gabay sa Pagsusuri:
Paglalagom
Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang mga
pangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga
pangangailangan o kumitil sa ating buhay ng walang dahilan ay lumabag sa ating
karapatan bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan
ang ating karapatan.
LIT 1 MODYUL 4
Aralin 1: Konsepto o Kahulugan ng Kasarian
Aralin 1: KONSEPTO O KAHULUGAN NG KASARIAN
Ang araling ito ay naglalaman ng mga terminolohiyang nagpapaliwanag at nagbibigay
kahulugan sa mga tiyak na terminong inilahad hinggil sa kasariaan.
Sa dulo ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na:
KABAN NG ARAL
Panuto. Punan ang KWL chart hinggil sa isyung pangkasarian ng mga hinihinging
impormasyon.
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
Ang ilang mga karapatang ipinaglaban ng mga homoseksuwal sa buong mundo ay:
Pagpapalawig sa Aralin
PANANAW SA HOMOSEKSUWALIDAD NG MGA PILIPINO
Paunang Pagtataya
Gaano mo kakilala ang iyong ina? Magbigay ng isang sitwasyon na kinailangan mo ang
kalinga o pansin ng iyong ina? Ihanda ang iyong kasagutan at ilahad sa klase.
Pansariling Pagtataya:
1. Sino ang persona sa tula o sino ang nagsasalita sa tula? Ilarawan siya.
2. Sino ang lalaking binabanggit sa tula? Ilarawan siya.
3. Ano ang ginawa ng persona sa tula nang siya ay mapagod at manghinawa?
4. Ano na ang kasalukuyang kalagayan ng persona sa tula? Ilarawan.
Pagbubuod
Sa loob ng maraming taon, ang pigura ng maybahay ay nauugnay sa babae na
inilaan ang kanyang sarili nang eksklusibo sa mga gawaing bahay, habang ang asawa
ay lumabas upang magtrabaho at kumita ng pera na pinapayagan upang suportahan ang
pamilya sa pananalapi. Sa ngayon ay karaniwan na sa kababaihan na kumuha ng mga
trabaho na katumbas ng sa kalalakihan : iyon ay, nagtatrabaho na rin sila nang may
bayad, maging o hindi sila gumagawa ng gawaing bahay. Sa parehong paraan, lalong
karaniwan sa kalalakihan na magsagawa ng mga gawain sa sambahayan na hindi nila
inako noong nakaraan panahon, dahil kadalasang gawaing bahay ay isinagawa ng
maybahay.
LIT 1 MODYUL 5
Continue
Paunang Gawain
Mababang Sahod
Kondisyon sa Paggawa
Hindi Makataong Pagtrato
Walang Seguridad sa Trabaho
Underemployment
Diskriminasyon
Kawalan ng Organisadong Unyon
Mababang Sahod. Noong 1889, inayos ng mga Pilipino ang unang unyon ng paggawa
upang igiit ang karapatan ng mga manggagawa sa isang makatarungang sahod.
Ngayon, pagkatapos ng mas mababa sa isang siglo ng pakikibakang panlipunan ang
mga kondisyon ay mananatiling hindi mapigilan.
Ang rate ng sahod sa Pilipinas ay mababa kumpara sa mga nasa ibang bansa;
sa Estados Unidos, ang rate ng sahod ay labing pitong beses kaysa sa sahod sa
Pilipinas; sa mga binuo bansa, sampung beses pa; at sa les binuo mga bansa, apat na
beses pa. Hindi nakakagulat na malaman, sa isang survey na isinasagawa ng Union
Bank of Switzerland na naglalagay ng sahod ng mga manggagawang Pilipino
pangalawa hanggang sa pinakamababa sa mundo.
Kondisyon sa Paggawa. Pinilit na magdusa sa ilalim ng mahirap na mga kondisyon sa
pagtatrabaho kapalit kawalan ng trabaho at kalaunan pagkagutom, ang mga
manggagawang Pilipino ay matagal na binawian ng karapatan sa buhay at tungkulin
upang magtrabaho.
Akda Bilang 1:
Kanino Ko Ibubulong?
pluma at papel ni Rogelio L. Ordonez
(Tula)
kanino ko ibubulong
alimura ng utak na kumukulo
at himagsik ng pusong nagdurugo?
kanino ko ibubulong
himutok at pagdaramdam
ng mga katawang inilugmok ng karimlan
sa mga bangketa ng kalunsuran?
kanino ko ibubulong
hinagpis ng bitukang nabalumbon
tagulaylay ng mga matang luhaan
lagi’t laging nakatitig sa kawalan
ng papawiring walang hanggan?
kanino ko ibubulong
lagutok ng mga buto
ng pawisang katawan ng obrerong
inalipin ng kasakiman?
kanino ko ibubulong
daing ng butuhang mga bisig
ng sakadang nakaluhod sa tubuhan
at magsasakang naninimdim sa palayan?
kanino ko ibubulong
hinagpis ng munting mga daliring
nagkakalkal ng basurahan
para magkalaman ang tiyan?
Gabay sa Pagsusuri
Pansariling Pagtataya:
Upang higit na mapalalim ang iyong pagkaunawa sa mga akdang nabasa, ilahad ang
iyong mga kasagutan sa mga sumusnod na katanungan:
Paglalagom:
References:
1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
Akda Bilang 1:
Ang mahaba at masalimuot na kasaysayan ng pakikibaka ng mga magsasaka ng
Hacienda Luisita ay binigyang pansin ng KM64 sa koleksyon ng likhang tula mula sa mga
manunulat na kaisa ng grupo sa kanilang adhikain.
Maputi at nangingintab
Anong imahe ang nabuo sa mga unang linya ng tula?
Sa supot mong hawak
Ang purong asukal na kay
sarap.
Bilhin mo nang one-fourth,
kalahati, o isang kilo
Pula man o puti, gaano
Paano inilirawan ang asukal sa akda? Sa paanong
man kadami
paraan ito nangingiliti?
Patuloy ang pagkiliti.
Ilagay sa ulam, sa gulaman
o sa kape,
Ikaw ang bahala.
Ngunit sa pagitan ng mga
nguya at lagok,
Hiling ko lang sana:
‘Wag mabulag ang iyong Ano ang ibig sabihin ng may salungguhit na bahagi ng
dila tula?
Sa asim ng pawis at libag
ng pakikibaka, sa alat ng
luha
ng pagkaulila
Sa iyong palagay, bakit nagbanggit ng iba’t ibang
panlasa gaya ng asim, alat, lansa, at pait ang tula? Ano
Sa lansa ng dugo ng ang kabuluhan ng pagbanggit ng mga ito sa
pasismong tumagpas ng nangingiliting tamis ng asukal?
buhay
Sa pait ng kahandaang
mag-alay ng buhay ng mga
sakada,
magsasaka,
Obrero at kanilang gutom Anong suliranin ang kinakaharap ng mga itinatampok
na pamilya sa tula?
Makamtan lang ang P100
umento at iba pang
benepisyo
Upang maipantawid- Bakit naulit ang linyang “Maputi at nangingintab”? Sa
gutom sa pagdarahop at iyong palagay, ano ang kabuluhan nito sa mensaheng
pagkaalipin… nais ipahiwatigng akda?
Mga sangkap na
nagpapasarap
Sa hawak mong supot ng
asukal,
Maputi
at
nangin
gintab.
KATAS NG TUBO
Ni Tata Raul G. Funilas
Tanging ikaw lamang ang Ano ang itinuturing nilang pamana mula kay Apo?
pamana ni Apo,
Sa paninigasig mo
nabubuhay ang aming
buhay, Ano ang ibig sabihin ng mga may salungguhit na salita
sa saknong na ito?
Sa tuwing tumatawing ang
iyong lunting dahon;
Sa tuwing humahagahas Anong panahon sa sakahan ang tinutukoy sa unang
ang hishis ng iyong halas saknong?
Pansariling Pagtataya:
Ating balikan ang iyong tala mula sa panimulang gawain. Mula sa mga karapatan
na iyong naisulat, alin sa iyong palagay ang lubusang naisasakatuparan o nabibigyan ng
pansin? Alin ang nalalabag sa iba’t ibang paraan?
Paglalagom
LIT 1 MODYUL 6
Complete and Continue
Paunang Pagtataya:
Ating silipin ang ilang kaalaman tungkol sa pangkat minorya ng Pilipinas. I-click lamang
ang link at sagutan ang maikling pagsusulit.
Link:
https://quizlet.com/479399183/flashcardshttps://quizlet.com/479399183/flashcards
Basahin ang mga sumusunod na akda at sagutan ang mga katanungan sa pagsusuri.
Akda Bilang 1:
Katutubo
ni Tatay Remo Fenis
Pansariling Pagtataya:
Bilang mag- aaral na naging bukas ang isipan sa iba't ibang suliraning panlipunan na
natalakay sa mga nagdaang buwan, ano ang maaari mong maging kontribusyon upang
mabago ang sitwasyong nailarawan sa mga akdang iyong nabasa sa araling ito?
Pagpapalalim ng Nilalaman:
Upang higit pang mapalalim ang mensahe ng akda at mas mabigyang- linaw ang
katotohanan sa likod ng paglalahad sa mga nararanasan ng mga pangkat minorya sa
bansa, ating balikan ang isyu tungkol sa tangkang pagpapasara ng Lumad schools sa
Mindanao. Panoorin ang bidyo gamit ang link sa ibaba.
Link:
https://youtu.be/A6syS5SZDVQ