Ang pagpapatulo ng dugo ni Hesus sa Krus ang isang napakahalagang
pangangailangan upang tayo’y tumanggap ng pagpapatawad sa ating mga kasalanan at ng karapatang makaharap sa presensiya ng Diyos (Hebreo 9:22).
ANG BUHAY AY NASA DUGO
“Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihando iyon sa
dambana bilang pantubos sa inyong buhay.” (Levitico 17:11)
Ang dugo ang kumakatawan sa mismong buhay. Ang kasalanan sa ating
buhay ay nagdadala ng kamatayan. Si Hesus ay nagtigis ng kanyang dugo at ibinubo ang kanyang buhay – sa halip na tayo – kaya’t sa pagtanggap sa pamamagitan ng pananampalataya ang ginawa Niya para sa atin, tayo ay lumaya sa kahatulan na nakaukol sa atin.
ANO ANG GINAGAWA NG KASALANAN SA ATING BUHAY
1. Inihiwalay tayo sa Diyos (Isaias 59:2).
2. Nadarama natin ang kasalanang ating tinataglay (Awit 38:4). 3. Pinapayagan nating usigin tayo ni satanas (Pahayag 12:10). 4. Hinihingi ang kabayaran ng kamatayan (Ezekiel 18:4).
ANG DUGO NI CRISTO ANG TUMUTUGON SA LAHAT NG ATING MGA
PANGANGAILANGAN
ANG DUGO AY PARA SA DIYOS
Nabigyan ng buong kasiyahan ng dugo ni Cristo ang Diyos. Sa Exodo
kabanatang labindalawa, ang Diyos ay nag-utos sa mga tao ng Israel na ipahatid ang dugo ng malinis na tupa sa hamba ng kanilang mga pintuan. Ang tupang ito ay larawan ng Kordero – Hesus- na darating sa hinaharap. Sabi ng Diyos: “Lalampasan ko ang lahat ng bahay na makita kong may pahid na dugo, at walang pinsalang mangyayari sa inyo sa pagpaparusa ko sa buong Egipto.” (talatang 13).
1. Nanunumbalik ang pagsasamahan (Roma 5:8-9).
2. Tayo’y tinubos (Efeso 1:7)
13 ANG DUGO AY PARA SA TAO
Nabigyan ng kasiyahan ng Dugo ang Diyos ; ngayon ito ang magbibigay
kasiyahan sa atin sa paglilinis ng ating mga budhi sa tagllay na kasalanan.
1. Ang dugo ang lumilinis sa ating mga tinataglay na kasalanan
(Hebreo 9 :14). 2. Ang dugo ang nagpapabanal sa atin (Hebreo 13 :12). 3. Ang dugo ang naglalapit sa atin sa Diyos (Colosas 1 :20-22). 4. Ang dugo ang nagbibigay kalakasan ng loob upang pumasok tayo sa peresensiya ng Diyos (Hebreo 10 :19-21). 5. Ang dugo ang nagpapasakdal sa atin sa paningin ng Diyos (Hebreo 10 :14).
ANG DUGO AY PARA SA DIYABLO
Ang ginagawang pamamaraan ni satanas sa panahong ito’y ang mang-
usig sa mga kapatid (Pahayag 12 :10) at bilang taga-usig siya ay hinahadlangan ng Panginoon sa Kanyang tanging ministeryo bilang Dakilang saserdote sa pamamagitan ng Kanyang Dugo (Hebreo 9 :11-14).
1. Ang dugo ang naglalagay sa Diyos sa panig ng tao laban sa
diyablo (Roma 8 :31, 33-34). 2. Ang dugo ang nagpapawalang bisa sa karapatan ni satanas ng pagmamay-ari sa atin (Colosas 1 :14) .
Ang pagtubos ay nangangahulugan ng ‘pagbiling muli’. Tayo ay
nasa ilalim ng bagong pagmamay-ari at ang halagang pinambayad ay ang nabubong dugo ni Hesus (Gawa 20:28; 1 Corinto 6:19-20; 1 Timoteo 2:6).
ANO ANG BINILI NG DUGO NI KRISTO PARA SA ATIN
1. Kalinisan ng puso (1 Juan 1:7)
2. Buhay na walang hanggan (Juan 6:53-54) 3. Paglapit sa Diyos (Efeso 2:13)
ANG AKING PAGTATALAGA
Ngayong nauunawaan ko na ang kahulugan ng nabubong dugo ni Hesus
sa Diyos, kay satanas at sa akin, ako’y gumagawa ng pagtatalaga na ibahagi ko sa iba ang katotohanan tungkol sa Dugo ni Cristo at lago kong paaalalahanan ang aking sarili sa tipan ng Diyos sa akin.