Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lindol sa Turkey

Noong Pebrero 6, mga magkasunod-sunod na lindol ang tumama sa


timog ng Turkey at kanluran ng Syria na naging dahilan ng pagkamatay ng
mahigit 47,000 na mga tao at libo-libo rin ang mga nasugatan, at patuloy
parin ang pagtaas ng bilang na ito.Base sa ulat, ang unang lindol ay
naitalang 7.8 magnitude. Ang lindol na ito ay sinundan ng humigit-
kumulang siyam na oras pagkaraan, ng magnitude 7.5 na lindol. Nangyari
ang unang lindol ng madaling-araw, nang ang mga tao ay nasa loob at
natutulog. Libo-libong mga imprastraktura, mga hospital at paaralan ang
nasira.
Pagkalipas ng dalawang linggo, noong Pebrero 20, 2023, tumama
ang karagdagang 6.3 magnitude na lindol sa southern Turkey, na nagdulot
ng karagdagang pagkamatay at pinsala. Ayon sa artikulo ng World Vision,
sampu-sampung libo ang nasugatan at daan-daang libo ang nawalan ng
tirahan sa isang rehiyon na dinaranas na ng kaguluhan mula sa halos 12-
taong labanan sa Syria at ang patuloy na krisis sa mga refugee.
Pagkatapos ng desperadong pagtatrabaho sa loob ng halos
dalawang linggo upang mahanap ang mga karagdagang mga nakaligtas sa
pagguho, ang mga search and rescue team mula sa buong mundo ay
halos lumilipat sa mga pagsisikap sa pagbawi o pag-ayos ng mga
mahahalagang imprastraktura. Base sa mga ulat, nagpapahiwatig na
mayroong higit sa 87,000 nasugatan at hindi bababa sa 47,000 mga gusali
ang nawasak o nasira.
Akademikong Pagganap
sa Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik

Ipinasa ni:
Javellana, Jilliane Mae
11-ABM

You might also like