Professional Documents
Culture Documents
ESP10 Diagnostic Test - MidYear
ESP10 Diagnostic Test - MidYear
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
14. Bilang mag-aaral, ano ang kailangan mong gawin upang makamit ang
tunay na kalayaan?
A. Sumunod sa batas ng paaralan at ng lipunan.
B. Gawin ang nais na tama ngunit isinasaalang-alang ang kapakanan
ng iba.
C. Magpost ng saloobin sa social media upang mapukaw ang
makakabasa nito.
D. Kapag may nakikitang mali, magkukunwaring hindi ito napansin
para makaiwas sa anomang responsibilidad.
15. Sa paanong paraan mo maipakikita ang tamang paggamit ng
kalayaan?
A. Malayang gawin ang lahat ng gustong gawin sa kapuwa.
B. Wala kang pipiliing oras at lugar lalo na kapag tama ang gagawin
mo.
C. Maging maingat sa mga gagawin at sasabihing tama lalo na sa
kaibigan.
D. Gawin ang mabuti at tama kahit na ikaw lamang ang mag-isang
gumagawa nito.
16. “Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti.
Walang tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod.” Ano
ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.
B. Ang pagkamit sa kalayaan ay makabubuti sa bawat tao.
C. Ang tunay na kalayaan ay pagpapakita ng pagmamahal at
paglilingkod.
D. Ang tao ay malaya kung nagagawa niya ang lahat ng nais niyang
gawin sa buhay at wala siyang iniisip na ibang tao.
18. “Madaling maging tao, mahirap magpakatao.” Ano ang ibig sabihin ng
unang bahagi ng kasabihang ito: “madaling maging tao”?
A. Ito ay tumutukoy sa persona (person) ng tao.
B. Ito ay tumutukoy sa pisikal na aspeto ng isang indibidwal.
C. Ito ay nangangahulugan ng pagkakaiba ng tao sa lahat ng nilikha.
D. Ito ay sumasagot sa pagka-ano ng tao at nakatuon sa pagka-sino
ng tao.
19. “Madaling maging tao, mahirap magpakatao.” Ano naman ang ibig
sabihin ng ikalawang bahagi ng kasabihang ito: “mahirap
magpakatao”?
A. Ito ay tumutukoy sa persona (person) ng tao.
B. Ito ay tumutukoy sa pisikal na aspeto ng isang indibidwal.
C. Ito ay nangangahulugan ng pagkakaiba ng tao sa lahat ng nilikha.
D. Ito ay sumasagot sa pagka-ano ng tao at nakatuon sa pagka-sino
ng tao.
20. Paano mo maipakikita ang paggalang sa dignidad ng mga mahihirap
at indigenous group?
A. bigyan sila ng limos o pagkain
B. ituring silang kakaiba sa lipunan
C. pakisamahan sila nang patas at pantay
D. makiayon sa uri ng kanilang pamumuhay
32. Isang araw habang wala sa bahay ang iyong mga magulang ay
pumasok ka sa kanilang silid at kumuha ng limandaang piso sa loob
ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha mo ng
pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang iyong
ginawa dahil ___________.
A. kinuha mo ito nang walang paalam
B. kinuha mo ito nang wala ang iyong mga magulang
C. Ang kinuhanan mo ng pera ay ang iyong mga magulang.
D. Ang pagkuha mo ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto.
35. Alin ang mas angkop na paliwanag sa pahayag na: “Ang bigat
(degree) ng pananagutan ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o
pagkukusa.”
A. Ang pananagutan ay depende sa uri ng pagkatao ng isang
indibidwal.
B. Ang lalim ng iyong pananagutan ay nakasalalay sa lawak ng epekto
ng iyong ginawa.
C. Kung alam mo ang iyong ginagawa at ginusto mong gawin ito, mas
mabigat ang iyong responsibilidad sa magiging bunga nito.
D. Mas mananagot ka sa iyong sinadyang kilos kung wala ka sa
katungkulan upang gawin ito.
39. Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol
at pananagutan sa sarili. Ano ang pangunahing dapat isaalang-alang ng
tao sa kanyang kilos?
A. ang kanyang pangalan o imahe
B. ang mabuti at masamang epekto ng kanyang kilos
C. ang benepisyong makuha pagkatapos ng kilos
D. ang mga taong maaring pumuri sa kanyang ginagawa
40. Bakit walang aspekto ng pagiging mabuti o masama ang kilos ng tao?
A. dahil ito ay iba-iba
B. dahil ito ay mahirap husgahan
C. dahil ito ay pinili at ginusto ng nagsagawa nito
D. dahil ito ay di ginagamitan ng isip at kilos-loob at ito’y likas sa tao
41. Masakit ang tiyan ng iyong kapatid at nanghihingi siya ng gamot sa iyo.
Nais mo siyang tulungan ngunit hindi ka sigurado kung anong gamot
ang iyong ibibigay kung kaya’t nagtanong ka sa pinakamalapit na Health
Center. Alin sa mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos ang
ipinakita mo?
A. kilos
B. bunga
C. kahihinatnan
D. sirkumstansiya
43. Ito ay yugto ng makataong kilos kung saan nasa proseso ka ng pagpili
kung ano ang pinakamabuti?
A. intensiyon ng layunin
B. paghuhusga sa paraan
C. pagsasakilos ng isang gawi
D. masusing pagsusuri ng mga paraan
47. Ano ang naidudulot sa isang kilos kung masusing hinuhusgahan ang
layunin para makamit ito?
A. makikita niya kung ito ba ay para sa lahat
B. makikita niya kung ano ang pinakamadaling paraan
C. makikita niya kung may magandang dulot ba ito sa kanyang sarili
D. makikita niya kung tama ba o nararapat ba ang gagawin niyang
kilos